"Whooooohoooo! Sayaw pa!!!" Ako yan. Malamang nasa bar kami ni Pia at nagsasayaw. Wala akong pakialam kung hindi ako kasing galing sumayaw ni Rochelle Pangilinan o kahit wala ako sa beat sumayaw. Ang mahalaga nag eenjoy ako kasama si Pia at maganda ako!
"One vodka pls." hiling ko kay Pia na agad namang binigay sa akin. Infairness dito kay Pia, masunurin talaga medyo marami nga lang opinyon sa buhay.
Matapos ang ilang oras ng pagwawala.. joke! Pagsasayaw syempre! Hinila ko na si Pia papunta sa upuan namin dahil sa totoo lang ay masakit na ang paa ko sa taas ng takong ko.
"Haay! Kaloka nakakapagod magpaka dancer.. Okay ka pa ba friend?" tanong ni Pia sa akin habang hinahabol ang hininga nya sa pagod. Oh di ba? Very caring. Sya yata ang kailangan kong tanungin dahil hingal kalabaw ang aura nya!
Ininom ko ang isa pang shot ng Vodka to answer his or her question! "It" na lang siguro para mas safe sa description.
"Ikaw pogi? Okay ka lang ba?" Tanong nito habang malanding hinihimas ang braso ni Justin. Yes. Tama po ang nabasa nyo na kasama namin ngayon si Justin sa bar. Matapos ang ilang libong taon para sumama at iwan ang laptop nyang kulang na lang ay isama pa nya dito.
"Wag masyado himasin, baka malamog yan!" saway ko kay Pia na parang ahas kung makapalupot dito.
"Grabe to! Chinecheck ko lang kung buo pa sya! Ay nako if I know.. insecure ka lang sa beauty ko kaya ayaw mong maglalapit ako dito sa poging to!" mas pumulupot ito sa braso habang parang walang namang pake tong mokong. Nakatingin lang sya sa akin na parang sinusuri ang mga ginagawa ko.
"Dami mong alam! Tabi nga jan bakla.." lumapit ako sa pwesto ni Justin tsaka inabot sa kanya ang isang shot glass na may lamang tequila. At syempre, hindi nya tinanggap yon imbis ay isang light beer lang ang kinuha.
"Dance?" tanong ko dito.
"I dont want to dance." sabi nito kaya naman bigla akong tinawanan ng lukaret kong kaibigan. Kahit kailan suplado talaga!
"Buti nga.." inis nito sa akin.
"Justin, wag na masyadong madaming arte sa buhay. Sayang naman yang kagwapuhan mo kung nandito ka lang sa sulok. Pero kung talagang ayaw mo eh di sige magsama kayo jan ni Pia at hahanap na lang ako ng pwedeng makasayaw." totoo naman yan. Aba alangan namang magmukmok lang ako sa isang sulok habang masaya ang lahat. Bakit pa ko nagpunta dito kung pwede naman sa kwarto na lang ako tumambay?!
Lumakad ako pabalik sa dance floor at naghanap ng pwedeng makasamang sumayaw. Bahala sya sa buhay nya! Nakakainis talaga minsan yang kasupladuhan nya na yan! Pabayaan daw ba akong mag isa sa dance floor! Agad namang may lumapit sa akin. Well, he is my age at may laban ang kagwapuhan.
Alam ko na hindi bumibitiw ng tingin ni Justin sa akin dahil mula sa gilid ng mata ko ay parang tinutunaw ako ng mga titig nya. Seryoso. Mapang matyag. Lagi naman eh. Sayang ang cute pa naman nya pag nakangiti. Well, bahala sya kung yan ang gusto nyang trip.
BINABASA MO ANG
Please, Love Me Not
RomansaHe was her all.. She was living her dream until he was gone.. She did everything to feel numb from the pain.. She played her game.. Until she met him. Will he be able to tame her? Will she let herself fall in love again? Or Is this another love bou...