"Pia! Ano na?! Sasama ka ba o magmamake up ka na lang jan for life? Kaloka mauubos na ang tao sa bar nandito pa rin tayo!" ilang minuto na akong nakatambay sa loob ng Red Lamborghini Aventador pero ni anino ng lokang kaibigan ko eh di ko pa nasisilayan.
"Eto na nga oh! Wala na kasing magkasyang dress sa akin kaya natagalan ako. Bakit ba kasi nagmamadali tayo? Ang aga pa para magbar ah?!" Mabilis na sumakay ito sa sasakyan na bitbit pa ang ilang pang make up.
"Gusto kong uminom! Gusto kong magpakalasing dahil bwisit na Ricky na yon! Iyakan ba naman ako sa harap ng madaming tao sa resto!" Pinaharurot ko ang sasakyan na halos mauntog si Pia sa salamin ng kotse.
"Aray naman! Dahan dahan lang naman! Muntik ng mabura ang feslak ko at maging design ng kotse mo ah! Ano na naman ang ginawa mo at umiyak yung tisoy na yon?" Umayos ito ng upo tsaka sinimulang maglagay ng pulang lipstick ng mag menor ako ng takbo.
"Ginawa ko agad? Hindi ba pwedeng hindi nya maintindihan na wala akong balak makipagrelasyon? Sinabihan ko na sya noon pa! Tapos ngayong nireject ko ang proposal nya para maging girlfriend nya iiyakan nya ako?! At sa harap pa ng maraming tao ha!" nakakainis! Ayan tuloy pati manibela ng kotse ko napagdiskitahan ko! Kung leeg lang nung lalaki na yun ito malamang kanina pa kulay asul ang mukha nun sa higpit ng hawak ko.
"Ano pa ba ang bago? Paasa ka kasi! Alam mo yon? PAASA! Papayag kang makipagdate, makikipagharutan, magpapayakap ka, magpapahalik ka, gagamitin mo ang yummy body nila, magpapakasasa ka tapos pag nakuha mo na ang pedestal at nagseryoso sila galit na galit ka!" bruhang to! Makapagsalita kala mo kaladkaring babae ako.
"Gaga! Correction! Hindi ako nagpapahalik!"
"Weh di nga? Mamatey?"
"Well, sa pingi."
"Sa pisngi lang?"
"Fine! Sige sa lips pero pili lang ang hinahalikan ko." Maharot lang ako pero alam ko ang limitasyon ko. Alam ko ang kahalagahan ng katawan ko at lalo na alam ko na kapag bumigay ako malamang ako din ang talo.
Ilang minuto pa ay nakarating na din kami sa The Mansion. Isa ito sa ilang VIP bar sa Manila. Members lang ang may access na makalabas pasok sa bar kaya malakas ang loob ko na tumambay at magpakasaya hanggang umaga. Plus, kaibigan ko ang may ari nito kaya naman mas feel at home ako dito kesa sa ibang bar.
Hindi ko na nilabas ang VIP card ko dahil kilala na nila ako. Malamang sa dalas kong tumambay sa lugar eh hindi pa kaya nila ako makilala?
"2 Vodka pls" agad kong sabi sa bartender.
"Ms. Lana, mukhang napa aga tayo ngayon ah." bati sa akin nitong bartender na hindi ko maalala ang pangalan.
Nginitian ko lang sya sabay inom ng isang shot ng vodka. Inabot ko ang isa kay Pia na agad naman nyang kinuha.
Pumaroon kami agad sa reserved VIP room namin pero bago pa man kami makarating ay may humarang na sa akin. Infairness, may hitsura ha.
"Hey, gorgeous! Want some drinks?" Naks. Ang aga namang biyaya nito.
"Sure! Margarita for me." iniwan ko si Pia na alam ko naman na may masamang balak sa bartender at saglit na sumama sa lalaking mukhang model sa tangkad at tikas.
"Lester. Lana right?" sabay abot ng kanyang kamay. Wow, sikat na ba ako para makilala? Anyways, inabot ko ang kamay nya at infairness malambot. Malinis ang kuko at mabango pero ang pinaka importante ay walang singsing na suot.
Masarap syang kausap. Siguro naman no ano pa at naging abogado sya. Medyo tipsy na ako ng inaya nya ako sa dance floor. Marami na ang nagkakasiyahan noong mga oras na iyon. Maingay, magulo at halos magbungguan na kami ng mga tao sa gitna ng dance floor. Hindi ako marunong sumayaw pero nadala nya ako hanggang maramdaman ko ang kamay nya pababa sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
Please, Love Me Not
RomanceHe was her all.. She was living her dream until he was gone.. She did everything to feel numb from the pain.. She played her game.. Until she met him. Will he be able to tame her? Will she let herself fall in love again? Or Is this another love bou...