Twenty

338 19 9
                                    

"O di ba nga akala ko eh wala ng siseryosohin di Lana?!" Ngumiti lang ako kay Pia bago muling tumingin sa kawalan. That woman is pestering my mind nonstop.

"Hey, okay ka lang? May problema ba?" Tanong ni Liam.

"Oo nga? Ano ba yang tinititigan mo jan?" Lumapit ito sa akin tsaka sinundan ng tingin ang direksyon ng mata ko. "Maganda naman ang langit pero di ko sure kung ano ang meron jan at mas pinipili mong makipag titigan sa kanila kaysa makipag usap sa amin." buska nito.

"May iniisip lang ako." wala sa sariling sabi ko.

"Si Greg?" tanong ni Liam.

Umiling lang ako tsaka sumimsim sa juice na nasa harap ko.  "Funny that I didn't have any thoughts of him lately." Ngumiti ako ng maliit.

"So si Justin. What did he do?" Diretsong tanong ni Liam. Agad na nag iba ang awra ng mukha nito na tila may malaking kasalan akong nagawa.

"You said before that you know him." Nilingon ko sya at tiningnan sa mata. He became tense after hearing my words. "You don't want him for me right?" pagsisigurado ko.

"Faye, ayoko man sa kanya o hindi you already made a decision. Ako, paalala lang. Ayokong masaktan ka sa huli." Sumandal ito sa upuan ng hindi pinuputol ang tingin nya sa akin. Bakit ba he keeps on saying that?

"He asked me to marry him. I said yes." I said without battling an eyelash. Sinabi ko yon ng diretso na tila bumili lang ako ng bag.

"Talaga!!!! Lana, I'm sooo happy for you friend!!" Excited na bati ni Pia pero nakatingin pa rin ako kay Liam. Gusto kong makita ang reaksyon nya. Gusto kong marinig ang sasabihin nya.

Kung kakilala nya si Justin dati pa, malamang may alam sya na hindi ko alam. Ang sama ko na paghinalaan si Justin pero hindi mapakali ang puso ko. Kutob? Siguro. Paranoid? Siguro.

"Well, congratulations." Sya ang pumutol sa titig ko tsaka nagbuhos ng beer sa baso nya.

"Wala kang sasabihin?"tanong ko.

"What do you want me to say?" Mapanghamong sabi nito.

"All. What's on you mind. Your thoughts."  Kumunot ang noo nya at mas tinitigan ako. Alam kong sa pagkakataong ito ay nakakahalata na sya. I don't mind. I want something that will ease my self .

"You are marrying him Faye. Why are you so engross with my thoughts? Are you having doubts?" Sumandal ito sa upuan at sumimsim ng beer.

"Oo nga! Ako kanina pa ako nagcongartulate pero dedma ka? Patingin ng singsing! Oh my gosshhh! Baka naman gusto mong pigilan ka ni Liam?" Sabi ni Pia.

"Because you are my friend. I want to hear my bestfriend's thought." sagot ko kay Liam na tila walang narinig sa ingay ni Pia.

"I want the best for you Faye. Kung pwede ko lang piliin kung sino ang mamahalin mo ginawa ko na at kung kaya ko yon sisiguraduhin kong hinding hindi ka mahuhulog sa Justin na yon pero hindi ko kasi kaya eh kaya hanggang paalala lang ako." Nagbuntong hininga na lang ito.

"Bakit ayaw mo si Justin para sa akin?" diretsong tanong ko. Liam is smart and I know he will not take my bait.

"Because.." Huminga sya ng malalim tsaka huminahon. "Because you don't know him yet."

"How sure are you na hindi ko pa sya kilala?"

"You just met him Faye, that's why."

"And you know him longer than I do. Is that it? Mas kilala mo sya kaysa sa pagkakilala ko sa kanya." naiinis na ako. Bakit ba wala akong makuhang sagot mula rito?

Please, Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon