Twenty Three

196 12 1
                                    

Puno ang The Mansion ngayon at gaya ng inaasahan present si Pia at Liam.

"Hay! May topak talaga yang kaibigan natin na yan! Akalain mong pumayag na sa book signing? Kailan lang eh panay tanggi pa pero ngayon nagbago na naman ang isip kaya yung sinasabi nya ngayon na iiwasan nya yung kalbong yon? Nako nako, pustahan, baka sa isang araw, sya pa ang magpakita ron." Sabi ni Pia bago laklakin ang isang shot ng vodka. Nasa bar counter silang dalawa at pinag uusapan ang ganap kay Lana.

"I guess, hindi naman. Mukhang alam nya ang mga ginagawa nya at may mga plano sya. She's a smart woman and the way I see her now, she's handling this very objectively." Seryosong sabi nitohabang hawak ang isang baso ng whiskey.

"Hindi ko lang alam ha, sana nga. Sana nga hindi sya bumigay ulit dahil pag dating dyan kay Justin, nawawala sa tamang ulirat yang si Lana. Tried and tested ko na yan." Kumpyansang sabi nito na tila nakikipag pustahan pa sa kaibigan.

"Kung makadiin ka kay Faye eh akala mo naman hindi ka naging kuntyaba."

"Hoy," magpapaliwanag pa sana si Pia ng pigilan sya ni Liam.

"Wag ka ng tumanggi dahil kabisado ko kayong dalawa. Kaya namihasa yang si Faye sa pakikipag date sa mga lalake eh dahil din sa kalokohan nyo. Ilang beses ko na bang sinabihan ka na sawayin mo." Inubos nito ang laman ng baso tsaka muling humarap kay Pia.

"Aba, Mr. William, o sige hindi ako magdedeny na mega support ako sa Lana- Justin bruhaha na yan pero malay ko ba na may sabit yon? Tsaka yung pakikipagdate nya eh desisyon nya yon, sa daming beses nya nakipagdate wala ni isang sineryoso si Lana, ayan sya ang binalikan ng kalokohan nya. Nag away na din kami nyan dahil kay Justin pero ano ba ang magagawa ko kung nagayuma ng matindi ang puso ng bruha. Waiter! Isang nachos naman dito." Malakas at stress na tawag nito sa kaharap na waiter.

"Bakit kasi ang tigas ng ulo." pabulong na reklamo ni Liam.

"Ikaw ang magpayo, sayo lang naman nakikinig yon tsaka.."

"Wait. Tumatawag si Faye." Paalam nito tapos ay lumabas muna sa The Mansion para magkarinigan sila ng maigi.

"Hey. Pia." Malumanay na salita na nagmula sa likuran ni Pia. Agad namang lumingon ito na pinagsisihan nyang ginawa. Tila sya nakakita ng terorista sa paglisik ng mata nya.

"Ang kapal rin naman na magpakita ka pa rito! Wala kang makukuhang impormasyon sa akin tungkol kay Lana dahil gago ka! May asawa ka palang kalbo ka, hinayaan mong maging kabit ang kaibigan ko?! Kung matino kang lalaki, kahit pa anong lumapit sayo hindi mo papansinin at kung talagang mahal mo si Lana, hindi mo sya ilalagay sa sitwasyon na sya ang mapapahamak!" Diretsong bungad ni Pia na tila isang dragon kung makabuga ng apoy.

Tumayo ito at hinarap ng malapitan si Justin.

"Pinagkatiwalaan kita para sa kaibigan ko pero punyeta naman Justin! Masyado ng nasaktan si Lana sa unang relasyon nya tapos heto ka at gusto mong higitan pa yon?!" Malakas at galit na galit na sabi ni Pia na ngayon ay nakaka agaw na ng atensyon sa mga taong nakapalibot sa kanila.

"You know mahal ko si Lana."

"Punyeta ka! Wala akong pakialam! Lubayan mo sya! Kung dati boto ko sayo peste ka, ngayon ako ang unang tao na isinusuka ka! Hindi kailangan ni Lana ng lalaking katulad mo! Ang asikasuhin mo eh yung asawa mo na niloloko mo at yung anak mo na pinapabayaan mo! Gagawin mo pang makasalan ang kaibigan ko!" Padabog na nilapag ni Pia ang baso sa counter table na nagdulot ng pagtapon ng laman nito.

"Look, I need to talk to her."

"Justin. Ayaw nyang makipag usap sayo. Diretsahan tayo. Nahihirapan sya sa sitwasyon at wag mo ng dagdagan pa."

Please, Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon