"Ano na? Magkukwento ka ba o mag kukwento? Saan ka nga nanggaling kagabi? 11 pm ka umalis sa Mansion tapos pagdaan ko dito ng 2 am wala ka parin! Yung phone mo wala namang silbe dahil puro ringback lang ang nadidinig ko!" kababangon ko pa lang sa kama at wala pa ako sa wisyo pero kailangan ko na namang harapin ang isang bangungot!
"Nagpahangin lang ako saglit.." tinungo ko ang banyo para gawin ang ritwal ko habang patuloy ang pagtalak nitong baklita sa loob ng kwarto ko.
"Sure ka wala kang kasamang boylet?"
"Wala nga.. Grabe may sa kakulitan ka talaga.."
"Eh kanino to? Im sure hindi to sayo at lalong hindi akin dahil hindi pa naman tayo nag susuot ng coat.. ng lalake!" Patay na! Bakit ba iniwan ko sa side table ko yung pinahiram na coat ni Justin!
"Akin na nga yan! Bakit mo ba pinakikialam ang gamit ko? Kaloka ka! Alis ka nga dito.. Tsupi! Shooo! Shoooooo!" Mabilis kong tinulak palabas ng kwarto ang pinaka pipitagan kong kaibigan habang hindi pa rin natitinag ang bibig nito kakadaldal.
"Hooooy babae! Buksan mo tong pinto na to para matuktukan kita ng very very light! Ang kapal ng face mong maglihim sa akin! Nakakahurt ka ng feelings! Kala ko pa naman we are sisters pero hinde!" Grabe ang drama lang! Kala mo naman inagawan ng jowa kung makabato ng linya! Mali naman kasi ang reaksyon ko eh! Ano naman kung may coat ng lalaki sa kwarto ko!?
"OA! Sige na pasok na! Nagbihis lang ako no! Ano gusto mo? Iladlad ko sayo ang katawan ko?!" Sige pa Lana ilusot mo pa yan.
"Liar! If I know itinago mo ang ibang ebidensya ng kagagahan mo! Nasan sya?! Sa ilalim ng kama? Sa closet? Sa CR?" Ang layo na ng narating ng imahinasyon nito baklitang to!
"Grabe ka! Ganyan na lang ba ang tingin mo sa akin? Sabi ko naman sayo malinis akong babae!" sabay upo sa harap ng vanity mirror ko para iblower ang buhok ko.
"Eh kanino nga yung coat na yon!"
"May tumulong kasi sa akin kagabi.. Muntik na kasi akong mabuwal dahil nahilo ako tapos sobrang daring pa nung suot ko kaya ipinahiram nya sa akin yung coat nya!" Telling the story in a not so full content. Basically nasagot ko naman yung tanong nya di ba?
"O pagkatapos kang tulungan?" Humalukipkip ito sa gilid ko na tila nanay na nagsesermon sa anak.
"Nag coffee lang kami then tapos na!" Tumayo ako at tinungo ang bag ko sa side table ng kama.
"Tapos na? Walang ibang ganap?" Kaloka! Ano ba ang gusto nyang maganap?! At talagang nakasunod sya sa akin ha!
"Wala! Kaya pwede ba magready ka na dahil magstart na tayo.. O eto yung susi ng opisina.. Buksan mo na.." Sabay abot ng susi ng matigil na ang ratsada ng bibig nito. And yes, dito lang din kami sa bahay nag oopisina. Sa attic to be exact. Sa maniwala kayo at sa hindi, isa akong author/artist! Kala nyo siguro wala akong ibang ginagawa sa buhay kundi ang magpaganda at rumampa no? Kayo talaga judgemental!
Well, isa akong webtoon author/artist. Imagine, comics series na sa web pinapublish. Ang cool di ba? Enjoy ako sa trabaho ko dahil nagagawa ko ang dalawa sa pinaka paborito kong gawin. Magdrawing at the same time mag narrate ng story. Ilang stories na din ang kinuha ng isang malaking publishing house para officially gawing libro at kasalukuyang nasa gitna ako ng pinakabago kong series.
"Lana.. " sabay lapag ng pinabili kong milktea sa mesa ko.
"Pia naman! Wag ka nga manggulat!" Sabay close ng photo viewer ng desktop ko.
"Kanina pa kita tinatawag kaya eh kaya lang parang mas trip mo yatang tumunganga sa harap ng monitor mo kesa pansinin ang ganda ko! Ano ba kasi yang tinitingnan mo jan at hindi mapuknat yang mata mo?" Seryoso? Kanina pa ako nakatulala?
BINABASA MO ANG
Please, Love Me Not
RomanceHe was her all.. She was living her dream until he was gone.. She did everything to feel numb from the pain.. She played her game.. Until she met him. Will he be able to tame her? Will she let herself fall in love again? Or Is this another love bou...