Twenty Two

262 17 4
                                        


Ilang linggo na ang lumipas matapos ang magulong pangyayari sa buhay ko. Ilang linggo ko na ring pinipilit na ibangon ang sarili ko sa mga nangyari at ang masasabi ko lang ay hindi madaling makipaglaban sa puso. Walang araw o oras na umaasa ako na baka hindi totoo ang mga pinagdadaanan ko, na baka pwede pa, na baka kami pa tin ni Justin sa huli pero kailangan kong pakinggan ang utak ko sa pagkakataong ito.

"Coffee?" alok ni Liam sa akin. "Kanina ka pa nakadukdok dyan sa laptop mo.."

"Samahan mo ako bukas ha?" sabi ko rito matapos abutin ang tasa ng kape.

"Gusto ko yatang kabahan ulit sa mga ganyang paalam mo. Last time na nagpasama ka, parang may signal number 4 sa mata mo at panay ang tulo ng luha." May halong pang aasar na sagot ni Liam habang tumatabi sa akin sa sofa.

Sa condo pa rin nya ako nakatira at wala namang problema kay Liam yon.

"Hoy! OA mo! Hindi naman ako ganoong umiyak ah. Konti lang."

"Konting bagyo lang." tumawa ito ng nakakaloko tsaka hinarap ang laptop sa kanya.

"Ow! Wow! Ang ganda naman nito." Mabilis na sabi nito tapos ay agad ring binawi ang saya sa mukha. "Are you moving out?" Tanong nito sa akin.

"Balak ko palang naman. Nakakahiya kasi na halos dito na ako tumira sa condo mo kaya naisip ko na lumipat na lang muna ng bahay."

"And your house?"

"Ibinebenta ko na and ang totoo, yung potential buyer ang kakausapin ko bukas."

"Faye, alam ko kung gano kahalaga ng bahay na yon sayo. Bakit mo ibebenta?"

"Moving on. New life. New everything."

"Think about it hundreds of times bago ka magdesisyon. Baka magsisi ka kung bigla mo na lang pakawalan yon."

"Sure ako. I am sure sa gusto ko." kumpyansang sagot ko habang diretsong nakatingin kay Liam na walang nagawa kundi ang tumango at ngumiti sa akin. This man, paano kaya ako kung wala sya sa tabi ko?

"Tumawag si Tita, she's asking me about you. Ang sabi ko okay ka lang at maayos ang utak mo." Isang pabirong batok ang binigay ko rito na kinagulat nya.

"Aray naman!" reklamo nito habang hinihimas ang ulo.

"Matino talaga ang utak ko! Pinagsasasabi mo?!"

"Kaya nga yun ang sinabi ko. Gusto ka raw nyang makausap." Tumahimik ako ng saglit. Sa totoo lang, sa panahong ganito ang pinagdaraanan ko ang nanay ko gusto kong mayakap at makausap. Sa lahat ng nangyayari sa buhay ko, parang sya ang unan ko na handang sumalo ng lahat ng luha at yakap ko tuwing pariramdam ko ay nag iisa ako.

"I will talk to them soon pero hindi pa ngayon. Siguradong magtatanong yun kay Justin at baka hindi ko mapigil ang sarili ko na umiyak lalo na kapag si Mama ang kausap ko." pag amin ko kay Liam.

"Hindi ko rin alam kung paano ko papaliwanag ang mga nangyari sa kanya. Sigurado akong hindi lang shotgun ang matatanggap kong sermon kundi baka missile bomb na." Pabiro kong sabi na kinatawa naming dalawa.

"Naiimagine ko na din kung pano ka sesermonan ni tita. I want to witness that. Gusto kong makita na pagalitan ka nya. Imagine yung ang tapang na babae eh tumitiklop at walang magawa?" Natatawang sabi nito sa akin.

"Toyo ka talaga eh no?! Yan talaga yung mga trip mo eh. Alam mo, kung ang inaasikaso mo eh yung bar mo baka sakaling matuwa pa yung mga staff mo na nandon ang boss nila kesa sa ako ang asarin mo buong maghapon."

"I just want you smile again. Masyado ka ng nagiging seryoso, hindi bagay! Speaking of The Mansion, I received a call na halos gabi gabi ay nandoon si Justin. Alam mo na siguro kung bakit. Ang sweet nya no?" Isang tampal sa braso muli ang binigay ko rito.

Please, Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon