It has been weeks since I breakdown and Justin is nowhere to find. He is not answering his phone. Alam kong napagtaasan ko sya ng boses pero hindi naman sapat yon para bigla na lang syang umalis ng walang paalam.
"Pia, yung finale chapter siguro matatapos ko yun in the next few weeks. Depende na lang siguro kung may iba pang masisingit sa schedule." Sabi ko habang nakatutok sa monitor ang mga mata ko.
"Buti pa yung webtoon may ganap at may ending yung iba dito wala." parinig ni Pia.
"O, kasalanan ko? Sino ba yung bigla na lang nagdisappear?" hindi ko maiwasang iikot ang mata ko dahil na rin sa inis.
"Di ba jowa mo yun? Dapat worried ka. Dapat hurt ka dahil iniwanan ka. Bakit parang wala lang sayo? Malay ba natin baka narape na yun o di kaya na salvage, na murder, na-"
"Heh!! Wag OA! Worried ako. Frustrated ako. Pero more than that, naiinis ako." Pinatay ko ang monitor ng computer tsaka kumuha ng ng chocolates sa pedestal ng mesa ko.
"Lana, yung totoo, mahal mo ba sya?" Lumapit ito sa akin tsaka sinaluhan ako sa pagkain ng chocolates.
"Gusto ko sya."
"Mahal mo ba sya?"
"Pia naman, alam mong hindi ko pa kayang sagutin yang tanong na yan. Gusto ko sya at okay kami."
"Magsorry ka kasi. Ako man yun na makitang iniiyakan pa rin ng jowa ko ang ex nya tapos sinungitan pa ako aba magtatampo din talaga ko." May punto naman talaga si Pia at ilang beses ko ng sinubukan.
"Pano magsosorry eh naka off nga yung phone."
"Puntahan mo sa condo nya. Mag effort ka man lang. Gusto mo samahan pa kita para kung sakaling ipagtabuyan ka eh atleast di ka nag iisa.." pang asar na sabi nito.
"Kung ayaw nya wag."
"Taray! Wala pang isang buwan break na? Ayawan na?"
"Hindi din naman tama na basta basta na lang syang mawawala! Ano to pasulpot sulpot lang? Pag maisipan lang? This is the second time na naging kabute yang propesor na yan!"
"So patigasan na lang? Aba, ikaw din, sayang ang mga pandesal.."
"Diet ako! Ayoko sa carbs!"
"Sus! Daming pakulo! Eh kung makalantak ka nga ng chocolate eh parang mag eend of the world na! Maiba ako, nagkita na ba kayo ni Liam?" excited na tanong nito na ikina kunot ng perpekto kong kilay.
"Bakit? Nandito na ba sya?"
"Oo! Mag iisang linggo na syang nandito! Kakapasarap mo ayan wala ka ng ibang nababalitaan kundi yung propesor mo."
"Hindi man lang ako tinawagan?" pagtatampo ko.
"May event mamaya gusto mong sumama?"
--------
KAILAN NA NGA ba ako napunta dito sa The Mansion? Ang tagal na at namiss ko ang lugar, ang mga tao at ang ingay.
"Faye? Goodness! Namiss kita!." Masaya at excited na bati ng lalaking ng mabilis na matawid ang kinaroroonan ko.
"William! How are you? Kailan ka pa dumating?" Halos hindi napagkasya ang galak ko ng makita ko sya. Parang nawala lahat ng inis ko na kanina pa nagtutumbling sa dibdib ko.
"3 days ago? Hinanap kita dito pagdating na pagdating ko kaya lang sabi ni Pia wala ka daw sa mood then yesterday dumaan ako sa bahay mo wala ka naman." Si William ang may ari ng The Mansion kung saan kami palaging nakatambay. He is my bestfriend for God knows how long.
BINABASA MO ANG
Please, Love Me Not
RomanceHe was her all.. She was living her dream until he was gone.. She did everything to feel numb from the pain.. She played her game.. Until she met him. Will he be able to tame her? Will she let herself fall in love again? Or Is this another love bou...