Ilang araw na din akong palibot libot sa buong bahay para lang matapos ang kasunod na chapter ng sinusulat ko pero wala pa rin kaya dito muna ako ngayon sa Happy Coffee Cafe nagpasyang magsulat.
Bukod sa maganda ang ambiance ay masarap pa ang pagkain.
Seryoso akong nakatutok sa monitor ng laptop ng biglang may pamilyar na boses akong narinig.
"Hi.." bati nito sa akin habang hawak ang inorder na frappe. He look so manly and handsome in a simple shirt and pants pero nawala ang pagkamangha ko sa kanya ng maalala ko ang ginawa nya sa akin.
Biglang nag iba ang mood ko. Agad agad! Kung kailan kailangan kong magfocus tsaka pa darating ang isang malaking distraction sa buhay ko! Kasalan nya to eh! Ilang linggo na ba akong hindi makapagsulat ng matino dahil sa kanya!
Teka mag eekplayn ako ha. Ayokong bigyan nyo ng kahulugan ang last statement ko. Hindi ako makapagfocus dahil peste yang lalaking yan at yung mapang mata nyang pinagsasabi sa akin! Paulit ulit na nagpiplay sa utak ko lahat. Wala pang nakapagsalita ng ganoon sa akin kundi sya lang! At ngayon, kung kailan nagmamadali akong matapos ang trabaho ko tsaka pa sya magpapakita!
"Anong ginagawa mo dito?!" bungad ko sa kanya. Bahagya nitong tinaas ang hawak ng frappe bilang sagot sa tanong ko. Bwiset lang talaga! Kung dati ay gustong gusto kong makita ang mukha nya ngayon ay nabubwisit ako sa kanya!
"Share tables and win friends." basa nito sa isang sign na nakadikit sa tapat ng mesa ko. Sakto dahil peak hours ngayon kaya puno at walang bakanteng mauupuan.
"I don't want to win friends." inis na baling ko sa kanya saka nagpatuloy sa pagsusulat ko. Peste! Kung ikaw lang ang magiging kaibigan ko wag na lang! Sama ng ugali!
"Win a boyfriend instead?" biro nito na mas ikiniinis ko.
"Kung wala kang magawa pwede ba wag ako ang bwusitin mo! Busy ako kita mo?" Turo ko sa laptop at sa notebook na nasa harapan ko.
"Sorry, It's just that this happens to be my favorite seat here.." Hindi natapos nito ang sasabihin ng biglang may nagsalita sa likuran nya.
"Mr. Gonzalez? Wow! For the first time nadaan ka sa cafe na to. What change? Kala ko ayaw mo dito?" masayang bati ng isang lalaki ay wait, correction, bading na sa tingin ko ay isa sa mga professor ng campus nila.
Napatingin ito sa akin na tila nag aalala sa narinig ko. Favorite place pala ha?! Sinungaling!
"You must be the girlfriend?" lingon ng kausap ni Justin sa akin.
"Lana this is Jed my co professor. Jed meet Lana, she a friend."
"Sorry.. Bagay kasi kayo. So lemme guess? Si Bea pa rin di ba?" ngumiti lang ang loko. Akala mo naman gwapo! At eto namang baklitang to, kilig na kilig! Hay naku, magkamustahan sila sa ibang lugar wag dito sa tabi ko. At anong ibig sabihin ng si Bea pa rin?! Nakakairita! Sino yung Bea na yon?
"Sabi na nga ba eh! Anyways, I have to go. May klase na ako in 5 minutes." agad na nagpaalam ito sa amin.
"Sorry, medyo palabiro talaga yung si Jed." Go to hell! Judgemental na sinungaling pa!
"Did I tell you to sit?" Ano to? Nalingat lang ako feel free na syang umupo?
"Lana, sayang naman ang upuan kung walang uupo. Plus, mas masarap tumambay pag may kasama." Mas masaya sana kung hindi ikaw ang kasama!
"Nagtatrabaho ako dito. Hindi ako natambay!" Singhal ko rito.
"Please?" Hindi ba sya makatamdam na ayoko!
"Fine. Wag kang maingay and mind your own business."
Nakailang order ako ng kape at ng cheesecake bago ako tuluyang matapos sa sinusulat ko. Sa tagal ng nilagi ko sa cafe ay hindi din talaga ako kinulit ni Justin. Nakaupo lang din ito sa tapat ko, naglaro ng kung ano sa cellphone, nagbasa ng libro basta lang may mapaglibangan.
![](https://img.wattpad.com/cover/94831561-288-k220353.jpg)
BINABASA MO ANG
Please, Love Me Not
RomanceHe was her all.. She was living her dream until he was gone.. She did everything to feel numb from the pain.. She played her game.. Until she met him. Will he be able to tame her? Will she let herself fall in love again? Or Is this another love bou...