Months after.
First the first time, makikilala na natin ang utak at puso na may likha ng mga kinagiliwan natin istorya sa online world na di kalaunan ay naging hit rin sa publishing world.
Marami sa atin ang napapataas ng kilay tuwing nag lalabas sya ng bagong chapters at bagong libro. Salunghat sa kanya pen name na Ms. Happy ay syang kina pait ng mga bidang karakter nito.
Maldita, matapobre, manloloko o ang karater na hindi masaya ang ganap sa buhay. Marami tuloy ang nagtatanong, ano ba ang hugot ng author natin na ito? Sino nga ba si Ms. Happy? At Happy nga kaya sya?
"Huy, ano? Okay ka lang? Pwede pa magback out." Kalabit ni Pia kay Lana na halatang kinakabahan.
"Pwede pa ba?" Mahinang tanong nito.
"Gaga! Hindi na syempre. Ang dami ng tao sa labas. Ang gawin mo, huminga ka ng malalim tapos isipin mo ikaw si Queen Elizabeth na magbibigay ng greeting sa buong nasasakupan!" Pabiro pero malamang payo ni Pia.
Ladies and gentlemen! Handa na kayo?!
"Si Liam? Nasan si Liam?"
"Hey. Present! Bumili lang ako ng tubig. Ready ka na?" Tanong nito habang inaabot ang isang bote ng mineral water kay Pia at Lana.
"Kinakabahan ako. Hihimatayin yata ako sa nerbyos." Sabi ni Lana habang pinapaupay ang kamay sa mukha.
"Ang daming beses na natin nagpractice. Kaya mo yan. Magsasalita ka lang naman gaya ng lagi mong ginagawa. Talakan mo kami doon sa audience. Be yourself and enjoy your moment, Ms. Happy." Sabi nito habang ginagalaw ang kilay pataas at pababa.
"Ayan na, doon na tayo sa upuan natin." Yaya ni Pia kay Liam.
"Goodluck Lana! Hirap maging famous noh?" Biro ni Pia.
"Goodluck! Kapag nabulol ka, ako ang unang maghahagis ng kamatis sayo sa stage!" Biro ni Liam tsaka inakbayan si Lana at kinabig palapit sa kanya.
Launching her new book and gracing our meet and greet, let's give her a round of applause. Ms. Happy. Ms. Lana Faye Dizon! The author of "I Forced and Failed".
Walang marinig si Lana kundi ang lakas ng tibok ng puso nya.
"Good afternoon. I'm.. I'm so thrilled right now. Thank you for coming here in my meet and greet and book launch." Pormal na sabi ni Lana ng makarating sa gitna ng mini stage.
"Magandang hapon Ms. Happy." Masaya at energetic na salubong ng host ng book launch habang inaalalayan si Lana na umupo sa inihanda nilang upuan.
"Magandang hapon din, Ms. Mara." Nahihiyang bati ni Lana rito.
"Teka lang po. Gusto ko lang pong malaman nyo Ms. Happy.."
"Lana. Tutal nagpakilala na ako sa inyo, pls. call me Lana na lang.." Masuyong pakiusap ni Lana.
"Ms. Lana. My God!! Gusto ko pong malaman nyo na isa po ako sa marami nyong tagasubaybay. I'm so starstruck right now!" kita ang kilig sa host na sinabayan ng cheer ng audience na mas lalong ikinapula ni Lana.
"I just want to say this po, sa dami ng nanghula kung ano ang hitsura ni Ms. Happy at sa dami ng mga ginawang photoshopped pics.. My God! Walang tumama. Ni hindi nakalapit sa hitsura nyo po Ms. Lana. Agree ba kayo?!" Tanong ni Mara sa audience na sumagot rin naman.
"Pasensya naman kung nadisappoint ko kayo." Tumawa na mahina si Lana para itago ang kaba sa dibdib.
"No. Ms. Lana, hindi po namin akalaing ang ganda nyo po. Para po kayong artista." pag amin ng host.

BINABASA MO ANG
Please, Love Me Not
RomanceHe was her all.. She was living her dream until he was gone.. She did everything to feel numb from the pain.. She played her game.. Until she met him. Will he be able to tame her? Will she let herself fall in love again? Or Is this another love bou...