Thirty-ninth Chapter - A Rabbit In A Lion's Den

3K 158 51
                                    

TWO UPDATES! AGAD AGAD! HAHAHAHA!HAPPY NEW YEAR! 🎉🎉🎇🎇🎆🎆

Mico's POV

Pagmulat ko ng aking mga mata ay agad akong napangiti nang bumungad sa akin ang mukha ni Gabriel. Kahit medyo madilim dahil gabi na ay naaaninag ko pa rin siya. Himbing na himbing pa rin ito sa pagtulog at ang kanyang mumunting mga hilik ang pruweba.

Nakaunan ako sa kanyang bisig na siyang iniyayakap niya sa akin habang nakapatong at yakap naman ang akin sa kanyang matipuno at hubad pa ring katawan na natatakpan lamang ng puting kumot.

Dahil nakaside-view siya ay kitang-kita ko ang katangusan ng kanyang ilong at ang mahahaba niyang pilikmata. At nang mapadako sa mga labi niya ang aking tingin ay agad nagbalik sa aking alaala ang maaalab na mga halik na pinagsaluhan namin kani-kanina lang. Naramdaman ko tuloy ang pag-init ng aking mga pisngi.

Ipinagpatuloy ko ang pagtitig sa kanya. Grabe, sobrang gwapo niya. Lalo siyang gumwapo sa paningin ko. He's definitely the type all girls are dreaming of. Gwapo, mayaman, matipuno, bad boy pero ibang klaseng magmahal. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa akin na siya. At ako naman ay sa kanya na.

Muli akong kinilig nang maalala ang ginawa namin kanina. We made love and became one.

Napakislot ako nang makaramdam ng kirot sa parteng iyon. It hurts so much pero lahat ay kaya kong tiisin para sa taong mahal ko. Ganun ako magmahal. Ibibigay ko lahat-lahat ng kung ano'ng meron ako. Kaya kung tatanungin ako kung nagsisisi ba akong sinuko ko na ang virginity ko, hindi ang magiging sagot ko.

Nahihirapan man ay pinilit kong makabangon. Sinikap kong huwag magising si Gabriel at nagtagumpay naman ako.

Pinagmasdan ko 'yung mga mantsa ng dugo sa kumot. Sobrang kapansin-pansin ito lalo na't kulay puti ang kumot. Hindi pa rin ako makapaniwala na galing sakin 'yang mga mantsa na 'yan kung hindi lang muling kumirot ang parte ng katawan kong iyon. Grabe, sobrang sakit talaga. Para akong lalagnatin.

Paika-ika akong naglakad papunta sa mga damit kong nasa sahig at pagkatapos ay dinampot at isinuot ang mga ito, maliban sa polo kong sira.

Napangiti ako nang maalala kung bakit at paano ito mawarak nang ganun. Haaays. I think I'm blushing again.

Nang kumulo ang tiyan ko ay agad kong naalala ang pagkain sa ibabaw ng lamesa na ipinahatid ni Gabriel kanina sa kanilang maid.

I just found myself sitting on a wooden chair in front of the table while eating all of the said food. Dahil hindi nga ako nakapaglunch kanina ay halos maubos ko lahat ng pagkain na ang dami ay pangdalawang katao. Si Gabriel din ay hindi pa naglalunch pero ayaw ko muna siyang gisingin dahil alam kong napagod siya sa...alam niyo na. Hehe. (╯3╰)

After kumain ay dahan-dahan kong binuksan at isinara ang pinto ng kwarto ni Gabriel upan kumuha ng tubig. Merong juice na kasama yung food sa table pero naghahanap 'yung lalamunan ko ng malamig na tubig.

Kaya eto, hirap na hirap dahil ika-ika akong bumaba ng hagdan. I tried to walk normally but I think I just ended up looking like a walking zombie. Mabuti na lamang at nakita agad ako ng maid na naglalakad kaya nilapitan ako nito at tinanong kung may kailangan ba ako.

Nahihiya man ay nakisuyo na ako ng malamig na tubig. Buti na lang mabait si ate at siya na ang kumuha ng tubig para sa akin. Nang masayaran ng malamig ang lalamunan ko ay narefresh at guminhawa nang todo 'yung pakiramdam ko.

Matapos magpasalamat ay nagpasya na akong bumalik na sa kwarto ni Gabriel. Halos mahilo naman ako nang makita kung gaano kataas na hagdan ang kailangan kong akyatin. Hindi ako makapaniwala na nagawa kong bumaba dito sa ganitong kalagayan ko.

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon