CHAPTER 3: Avery's Life

16 1 0
                                    

[AVERY'S POV]

"Baby?"


"Mm..." naaalimpungatang sabi ko.


"Gising na! Breakfast is ready."masiglang pagkasabi ni mommy.


"Ok po." sagot ko kay mommy sabay ngiti. 


Pagkabangon ko, naghilamos at nag-toothbrush na ako at sabay kaming bumaba ni mommy.


"Oy,pre! Tagal mong bumangon,ah? Sino bang babae yung nakasama mo kagabi sa panaginip mo,a?" sabi ng sumunod sa akin at pilyo kong kapatid na si David.


"David!" saway ni dad kay David. "Yan yung napapala mo kakabarkada,e!"


"S-sorry dad.." sabi ni David kay dad.


"Hahahaha! Chicks pa, kuya Marc!" sabi naman ng bunso sa amin sa magkakapatid na si Raven.


"Isa ka pa Raven,e! Akala mo ba hindi namin alam ng mommy mo yung pinaggagagawa mo?! Puro ka lang computer!" parang nanay kung makasaway naman si dad kay Raven.


"Hoy, daddy! Akala mo ikaw lang perpekto? Huh! E minsan nga nahuli kitang nanonood ng kababalaghan sa laptop mo,e!" sabi ni mommy kay dad.


"Hahahaha! Wala ka pala kay mommy, dad, e!" natatawang pagkasabi ni David.


"Hahaha! Yari! Pag nambubuking talaga si mommy, si dad, tikom. Hahahaha!" natatawa ring pagkasabi ni Raven.


"SHUT.UP!" galit na pagkasabi ni dad sa kanila pero napipikon lang talaga siya pero tinawanan pa rin siya ng dalawa. Natawa na lang kami ni mommy.


"Boys, tama nang pikunan, nagagalit na si daddy nyo,o. Kumain na lang tayo! Hihihi." sabi ni mommy.


Umupo na kami ni mommy at nagsimula na kaming kumain. Masaya ulit kaming nagkuwentuhan at laging nagkakapikunan sina dad, David at Raven.


"Avery?" tawag sa akin ni dad.


"Yes po?"


"Gustong makipag-meet ulit sayo yung mga pinsan mo mamayang lunch daw sa park."


"Tsk. I don't want to come, dad." I said in a bored tone.


"Why?" takang-tanong ni dad.


Tsk. Kung alam nyo lang, dad, lalo ka na, mom, kung anu-ano yung mga pinagsasasabi nila, baka bigla nyo na lang silang bigyan ng lamay anumang oras.


--Flashback--


Closing party noon. While I'm sitting on my place, bigla na lang akong nilapitan ng mga t*rant*dong pinsan ko na wala nang ibang ginawa kundi sabihan ako ng mga salitang hindi naman talaga totoo.


"Hoy, pre! Kamusta? Long time no see, a?" sabi ni Shaun.


"As always." I said in a cold tone.


"Mas lalo kang gumagwapo,a? Pero, yun nga lang-" sabi ni Prince. "-kahit gwapo, hindi pa rin kamukha yung pamilya niya! Hahahaha!" singit ni Jake.


"F*CK.YOU." mariin kong pagkasabi.


"Aww... kawawa ka naman! Baka nga sampid ka lang sa pamilyang Javier e!" dagdag pa ni Shaun.


"Hahahaha!" nakakainis na tawa nina Prince at Jake.


That thing is a big insult for me. I admit na hindi ko nga kamukha sina dad at mommy and even David and Raven, pero never akong nagduda kung sino ba talaga ako. Ramdam kong kahit may pagkasiraulo sila't bine-baby pa ako ng mommy ko, ramdam kong mahal nila ako. Kaya, laging galit ko talaga sa mga g*gong nasa harap ko ngayon na iniinsulto ang pagkatao ko at kung anu-ano pang kasinungalingan.


"Pasalamat kayo, graduating na tayo next year. Kung hindi ako makapagpigil, malamang, matagal na kayong pinaglalamayan." seryoso kong pagkasabi sa kanila nang may matatalim kong tingin.


"Woah! Chillax! E ba't hanggang ngayon e guilty ka?"


"Oo nga! At, isa pa. Kung ano lang yung nakikita namin, sinasabi lang namin!"


"WALA KAYONG KARAPATAN PARA HUSGAHAN AKO AT ANG PAMILYA KO!" sigaw ko sa kanila sabay alis dahil gustung-gusto ko na talaga silang sapakin pero hindi pwede kasi posibleng ma-guidance ako. No. Not posible. Yun talaga yung mangyayari.


--end of flashback--


"Nothing. Mas gusto ko lang dito sa bahay, dad." sagot ko sa kanya.


In addition, dahil sa lagi nila akong tinutukso, nagiging cold ako sa iba. Pero pagdating sa pamilya ko, approachable ako at malaki ang respeto ko sa kanila.

Alcantara's Dream Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon