CHAPTER 37: New Phone

2 0 0
                                    

[MILEY'S POV]


Nandito kami ngayon ni Chichi sa kwarto niya. Hindi ko nga alam sa sarili ko kung ba't ayoko pang umuwi, e. Tapos, lecheng pakiramdam pa 'to, oo. Ano bang kinaiinis ko?! PASHNEYA!


"Chichi, a-ano ba 'tong nafi-feel ko? Bakit parang naiinis ako?" naiinis na may pagtataka kong pagkasabi.


"Hihihi. Ang cute mo pala magselos, girl!"


(O_O)


A-Ano raw?


"HUWAAAT??!!" di makapaniwalang pagkasabi ko!


"Hay nako, girl! Mag-fb na nga lang tayo para matanggal yang stress mo. Pfft." nasabi na lang ni Chichi sa akin. "Sa comp ako at ikaw naman sa tab ko." dagdag pa niya.


"NANG-AASAR KA BA?! KITA MONG DE-KEYPAD YUNG CELLPHONE KO! MALAMANG! WALA AKONG FB!" malakas kong pagkasabi sabay hawak sa bulsa ko para ipakita yung de-keypad kong cellphone at..


(O_O)


"T-Teka.. A-asan yung de-keypad kong cellphone?" takang tanong ko sa sarili.


"Hihi. Don't worry. Bilhan na lang kita ng bago." sabi niya habang abala sa pag-e-fb.


(TT~TT)


Sayang yung mga memories ko sa cellphone na yun! Huhuhu.. Mami-miss ko kayo, bounce, pocket carrom saka lalong-lalo ka na, space impact! Huhuhuhu..

Teka..


(O_O)


"S-sa cafeteria! Tama! Baka nandoon pa yun, Chichi!"


"Miley. Hindi mo ba naisip yung kasunod na consequence sa pagkawala ng cellphone mo? Malamang, kahit de-keypad pa yun, pwede pang pagkakitaan ng mga bad guys yun kaya, posibleng wala na yun dun. Halika, bumili na lang tayo sa mall! Hihihi." paliwanag sa akin ni Chichi.


Hala? Oo nga, nuh?
Posible nga palang mangyari yun! MAYGHAD!


Kaya, next step. Pumunta kami ni Chichi sa mall and currently, mandito kami sa isa sa mga bilihan ng cellphones dito.


"Good afternoon, Ma'am." bati sa amin ni Ms. Di ko kilala pero magandang salestalker. "Ano pong bibilhin nyo?"


"OBVIOUS BA?! MALAMANG, CELLPHONE! TANGA!"


HOO!
Baka maaga akong ma-deadski sa high blood! MAYGHAD!


"Pfft. Hahaha! Miss, pagpasensyahan nyo na po 'tong kasama ko. Meron po ata e. Pfft." dinig kong sabi ni Chichi. "Miss, ano-ano po bang available nyong brands ng cellphone?" dagdag pa niya.


"Marami po, Ma'am. Meron pong Maypown, Chirimubayl, Nukiya, at marami pa pong iba." sagot sa kanya ni Ms. Tanga palang salestalker. Tsk.


"Hala! Chichi! Ang cute nun, o!" sabi ko sabay turo sa maliit na cellphone na touchscreen. Hehehe. Mukhang di na de-keypad yung cellphone ko. De-touch na. Hehehe.


"A, eto po, Ma'am?"


"KAUSAP BA KITA?!" malakas kong pagkasabi kay Ms. Tanga palang salestalker!


"Pfft. Hayaan mo na po siya, Miss. Paki-introduce naman po nyan sa amin, please." sabi ni Chichi.


"Ok, Ma'am. This is Maypown My28S. Quad-core phone po siya. 4.0" display, 4GB Rom at 512MB Ram, 1.26Hz, 5MP main cam and 2MP front cam, android 6.0 marshmallow and 1450mAh." paliwanag ni Ms. Kahit na tanga, matalino palang salestalker.


"BLAH.. BLAH.. BLAH.. BUKSAN MO NA LANG YAN! DAMI PANG SINASABI!" bulyaw ko sa kanya.


Nag-eexplain pa kasi e pwede naman nang buksan na lang! Nagbanggit pa ng kung anu-anong terms e hindi ko rin naman naintindihan! MAYGHAD!


"AKIN NA NGA! AKO NANG MAG-BOBO-KA-S! BAKA MAGKA-VIRUS PA 'TO DAHIL SAYO, E!" sabi ko nung pagkakuha niya sa cellphone kaya hinablot ko yon agad!


Pagbukas ko sa cellphone..


Maypown. Wala ka sa pown ko.


E???
Bisaya ba 'tong gumawa ng cellphone na 'to? MAYGHAD!


"Hihi. Pagpasensyahan mo na po siya, Miss, kung sayo niya nabuhos yung selos niya dahil kay Avery. Pfft."


(O_O)


H-HANURAW??!!


"CHICHI! A-ano bang pinagsasasabi mo dyan?! AISH! Tara na nga!" nasabi ko na lang kay Chichi.


"Pfft. Ok. Kung gusto mo nang mauna, dun ka muna sa kotse. Bibilhan ko pa kasi yan ng iba pang kakailanganin sa cellphone mo, e. Hehehe. Saka, magte-take out na rin ako ng foods." sagot ni Chichi.


Kaya, ayun. Gumora na ako papunta sa kotse.


*fast forward*


Kasalukuyan akong nasa kotse ni Chichi.


"AKO? N-Nagseselos? NO. WAY!" nasabi ko na lang sa sarili. "Hayst! ANG BORING NAMAN DITO! Hm.." sabay tingin ko sa music player. "Ma-try nga. Hehehe."


Sa pagkakatanda ko, eto yung button na cl-in-ick ni Avery noon e kaya nagkaroon ng music..


(O_O)


T-Teka.. B-ba't si Avery yung naisip ko? MAYGHAD!


Mayamaya..


I can be tough
I can be strong
But with you
Its not like that at all


(O_O)


There's a girl..


B-Ba't si Ms. Di ko kilala yung n-naisip ko?


That gives a sh*t


(O_O)


Behind this wall
You just walked through it


And I remember all those crazy things you said
You left them running through my head
You're always there, you're everywhere
But right now I wish you were here


(O_O)


All those crazy things we did
Didn't think about it, just went with it
You're always there, you're everywhere
But right now..


'I wish you were here'


(O_O)


Damn, damn, damn
What I'd do to have you
Here, here, here
I wish you were here


Damn, damn, damn
What I'd do to have you
Near, near, near
I wish you were here


???(O_O)???


Sa gulat ko.. NAPATAY KO AGAD YUNG MUSIC!


"MAYGHAD!" nasabi ko sa sarili.


Mayamaya, dumating na si Chichi.


"Uy, girl! Binilhan na kita ng sim card, 32GB, card reader, hello kitty casing, saka nag-download na rin ng games, apps, saka musics. Hihihi." sabay akmang papatugtugin na sana yung music player pero pinigilan ko siya. "Pfft. Anyare?"


"B-basta! Tara na nga!" nasabi ko na lang at buti naman, hindi na niya pinatugtog yon. Hehehe.


(A/N: Credits to pareng google saka dun sa computer shop na nirentahan ko pang research ng kanta! WAHAHAHA!!! XD Saka, lalong lalo na sa bente ko na hindi lang pang cornetto ang silbe, sa pang comp rent na ren! NYAHAHAHA!!! XD Ps. Kinse isang oras samen. May lima pa, diba? Binili ko ng pichi-pichi. Sarap e.)

Alcantara's Dream Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon