CHAPTER 21: They Exists

8 1 0
                                    

[MILEY'S POV]


Same time. Same place. Nandito ulit kami ni Chichi sa 'D Cafeteria kasi tambayan na namin 'to, e! Hehehe.


"Teka... Chichi, parang may kamukha ka?" nasabi ko bigla kay Chichi.


"Huh? Sino naman?" sabi niya habang ngumunguya-nguya pa! PASHNEYA!


"Si-"


Biglang nag-ring yung de-keypad kong cellphone.


"Nanay? Ba't ka po napatawag?"


[Anak, hindi ko nanaman matawagan ang tatay mo, nakagawian na atang laging nakapatay ang kanyang telepono. Maaari mo ba siyang matawagan ngayon upang ipabatid na nais muli ni Aling Isabel ng isang bilaong biko?] sagot ng aking makatang ina.


Makatang ina?


???


Pfft. HAHAHAHA!
MUNTIK NANG MAGING MURA YUN, A!


Makatang ina..


Haha! Ba't ngayon ko lang naisip yon?! PASHNEYA!


[Anak? Nariyan ka pa ba?]


"A.. O-opo makatang ina, ay! Este n-nanay."


[O siya, sige. Salamat, anak. M-]


Sandali akong natigilan dahil sa nakita ko.


"A.. N-nay.. Kausapin mo po muna si Chichi. M-may titingnan lang po muna ako."


[O, sige.] sabi niya at dali-dali kong binigay ying de-keypad kong cellphone kay Chichi.


Nag-sign language ako ng wait lang kay Chichi at nagsimulang maglakad papunta sa lalaking yon.


[AVERY'S POV]


Kasalukuyan kaming nag-uusap nang personal ni David na kanina lang ay tungkol sa business pero dahil sa kadaldalan niya ay napunta sa ibang usapan nang biglang may babaeng sumulpot sa gitna ng usapan namin.


"Miley/MARC?!" sabay pa nilang sabi.


"S-sino 'tong lalaking 'to at k-kaano-ano mo siya?" nauutal na sabi ng babae.


Wait.. She's so familiar to me..


"Huh? Hahahaha! Di mo na siya maalala? Si kuya Avery, yung muntik nang bumangga sayo? Haha." sagot ni David sa kanya.


Uh.. I see. Siya pala yung babae noon sa La Javier at yung muntik ko nang mabangga.


"I-IKAW SI MR. SUNGIT?!" di makapaniwalang pagkasabi niya.


Mr. Sungit? At kailan ko pa naging pangalan yon? Lokong 'to, a.


"Miss, for your information-"


"Hindi... Hinding-hindi.. I-imposible.." nauutal niyang pagkasabi. "Ibang-iba ka doon.."


"Huh? Ibang-iba saan?" takang tanong ko.


"S-sa panaginip ko! Ewan ko nga kung bakit nandun ka pero.. Ibang-iba ka talaga!"


Panaginip?
Naaalala to tuloy siya..
Pero..


Ako? Napapanaginipan nito?


Saka..


(O_O)



Alcantara's Dream Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon