[MILEY'S POV]
Kasalukuyan kaming nagkukwentuhan through text ni Chichi nang biglang..
Me: Tsk. Nnd2 nnmn ung maldita! MAYGHAD!
Chichi: Pfft. Hahaha!
Wala akong pake kung mag-ingay siya. Maganda nga yun para ma-meet naman niya si Ms. Terror Councilor. Pfft.
Mayamaya, biglang lumapit dito yung maldita at nagtype sa tablet niya.
Aba! Etong si Ms. Maldita? Alam na yung sistema? HANEP!
Siya: Hi! My oh so pathetic enemy! Hahaha!
Hiniram ko muna yung tablet ni Church at sinulat na..
Me: Hello din, Ms. Maldita!
Siya: HEY! My name is Queen Suzy, NOT Ms. Maldita! Psh.
Me: And so? Di ko naman tinatanong, e!
Siya: *points out sa de-keypad kong cellphone* Hahaha! Is that your cellphone? So cheap!
Mayamaya, nakita kong papasok yung magkakapatid na Javier at nagulat sina Ms. Maldita at si Ms. Di ko pa kilala. Nag-type si Avery sa akin ng..
Avery: Sorry, were late.
Nagulat si Ms. Maldita kaya napa-smirk ako sa kanya.
"Wait-"
Pinigilan kong magsalita si Ms. Maldita gamit ang stop sign.
"Pag nagsalita ka pa ngayon, ako mismo ang magsusumbong sayo kay Mr. Dean at kay Ms. Terror Councilor." mariin ngunit pabulong kong pagkasabi sa kanya kaya natawa yung mga kaibigan ko.
"HAHAHAHA!"
Aba? At bakit nakikitawa rin 'tong malditang 'to at nilakasan pa talaga, ha?
"S-Suzette.. K-kahit na-" pabulong na sabi ni Ms. Di ko kilala kay Ms. Maldita.
"THEN KAHIT NA ANO, SUZEINNE?!" mas malakas pa niyang pagkasabi! MAYGHAD!
Nagsilingunan tuloy yung mga tao sa kanya.
"Ang hirap maging tahimik, Suzeinne! Mabubuhay talaga tayo neto, GRABE! Saka, I'm a Queen at WALANG SINUMAN ang makakapagpatahimik saken! And YOU! KANINA PA AKO NAGTITIMPI SAYO, HA! Anong sabi mo kanina? Isusumbong mo ako sa DEAN e ang lolo KO naman ang may-ari ng school na ito at ANYTIME, BAKA IKAW PA ANG MAISUMBONG KO AT MAPATALSIK KITA DITO!"
Nagulat ang lahat maski ako sa lahat ng sinabi niya.
A-ano raw? L-lolo niya yung may-ari ng school?
Nakita kong napatayo si Chichi at nagsalita.
"Kung lolo mo pala siya, ibig sabihin, pinsan pala kita?"
(O_O)
H-HANURAW??!!
K-kaaway ko lang 'tong isang 'to, e! Tapos.. M-may rebelasyon nang nagaganap dito?! MAYGHAD!
"W-What do you mean?" di makapaniwalang tanong ni Ms. Maldita kay Chichi.
"Ako, si Aemychiah Kizelle Samonte Villanueva. At AKO at susunod na magma-may-ari ng Akademya ng Tagapagmana. Gusto mong i-translate ko pa? Heir Academy for your information."
(O_O)
WAAAAAAAH!!! F-FOR REAL?!
I-ISA PALANG HEREDERA YUNG BESTFRIEND KO?! MAYGHAD!"W-What the.." hindi na malaman pang sasabihin ni Ms. Maldita. Kahit rin naman ako sa posisyon niya, magugulat rin ako, e!
"At isang ingay mo pa sa magiging akademya KO, ako mismo ang magdadala sayo kay lolo." mariin ngunit pabulong pa ring pagkasabi ni Chichi.
Infairness kay Chichi. May patience pa rin siya kahit ang sarap nang kalbuhin netong si Ms. Maldita.
Sabay-sabay kaming napalingon sa taong kakapasok lang dito sa cafeteria. Pormal ang suot nito at mukhang rich kid talaga! Ay! Hindi. Rich adult pala. Pfft.
"S-Sir Dean.." dinig kong bulong ni manong guard.
A.. Siya pala yung nakauaap ko dati! Pfft. Malapitan nga.
"Hello po, Mr. Dean!" masiglang pagkasabi ko. "Ay! E-ehem! Mr. Dean, ang ingay po niya, o?" pabulong ko nang pagkasabi sabay turo kay Ms. Maldita na ngayon ay parang nakakita ng multo. Pfft.
"Mr. Dean, tingnan nyo po-"
"Who are you?"
(O_O)
MAYGHAD! Ang seryoso niya pala sa personal! OMO!
"D-daddy.."
W-WHAT??!!
D-daddy ni Ms. Maldita si..
H-hindi ko na keri 'to..
"MILEY!" dinig kong sigaw ni Avery.
"M-Miley?" dinig ko ring sabi ni Mr. Dean bago ako nawalan ng malay.
[AVERY'S POV]
Nandito kami ngayon ng dean namin, si Chichi, David at Raven sa clinic. Hinihintay namin kung anong kalagayan ni Miley ngayon.
Mayamaya, dumating na yung nurse.
"N-nurse, k-kumusta na po si Miley?" agad kong tanong sa nurse.
"Nasa maayos na po ang kalagayan niya, Sir. Kailangan lang po niya ng kaunting pahinga." sagot ng nurse kaya napabuntung-hininga kaming lahat.
Nagtataka nga ako kanina pa, e. May choice naman ang dean namin na umalis na at hayaan kami dito pero, nag-stay pa rin siya. Saka, gumaan din yung loob niya sa sinabi ng nurse. Ang weird..
"Excuse me. I have to go." paalam sa amin ng dean at umalis na siya.
Pumasok kami sa kwarto ni Miley at nakitang mahimbing ang tulog niya.
BINABASA MO ANG
Alcantara's Dream
HumorKung mananaginip ka rin lang, sulitin mo na! Tingnan nyo ako, tuwing nananaginip, hayahay! Free WIFI, big house and lot, lots of pocket books, etc! Parang ayoko nang magising! Haha! Kaso, hindi pwede, baka magalit sina nanay e. Anyway... oo nga't ma...