CHAPTER 13: 1st Day in H.A (Part 1)

17 1 0
                                    

[MILEY'S POV]


Marami nang weeks ang nakalipas, magaling na rin ngayon si tatay, at ngayon ay papasok na ako sa lilipatan kong school. Actually, 1 week nang nakalipas nung 1st day of class. Diba nga? Sinuspinde ako ni Mr. Terror noon? Mayghad.


Anyway...
Time check. 3 am.


Sinadya ko talagang mas maaga pang magising kahit 6 am pa naman yung pasok namin kasi may kalayuan pala dito sa amin yung school. Kung ie-estimate ko, mga 2 hours pa ata yung byahe kasi magbu-bus at traysikel pa ako e.


Sa ngayon, after kong maghilamos, kasalukuyan kaming kumakain ni nanay. 4 am pa kasi nagigising si tatay, e.


"Anak, naihanda mo na ba ang lahat ng iyong kakailanganin para sa pagpasok mo sa paaralan?" sabi ng may pagka-makata kong nanay. Pfft.


"Yes, o, yes!" masiglang tugon ko.


"Mabuti. Pagkatapos mo riyan, maligo ka na sa ating palikuran at nang makaalis ka na kaagad. Tandaan mo, bawal na bawal magpahuli doon, maliwanag?" dagdag pa ni nanay.


"Sureness yan, nay!" sagot ko.


Matapos noon, naligo na ako, nagbihis, nag-toothbrush gamit ng toothpaste na nasa garapon pa, nagpaalam kay nanay at gumora na!


*fast forward*


Time check. 5:30 am


Yes! Di pa ako late! Hehehe.


Hinatid lang ako ng tricycle hanggang kanto nang tantya kong mga 500 m away from school kasi, mga kotse or dealer lang daw yung pwede sa teritoryo ng school based sa sinabi ni ate sexytary sa akin nung suspension days ko. Grabe naman 'tong school na 'to! MAYGHAD!


ANYWAY, palundag-lundag pa ako na nagha-hum kasi 30 mins pa naman bago ang pasukan at malapit naman na ako sa gate nang biglang...


*beep* *beep*

Oy. Busina nung kotse yan, a?


BIGLANG MAY HUMINTONG KOTSE SA HARAPAN KO! MAYGHAD!



"HOY! SINO KA BANG NASA KOTSE KA! BAKIT BIGLA KANG PUMRENO, HA?! DI MO NAMALAYANG MAY TAO DITO, ANO?! BULAG KA BA?! OR NAGTETEXT WHILE DRIVING KAYA DI MO AKO AGAD NAPANSIN?! MAYGHAD!" sunud-sunod kong tanong sa kanya!


Mayamaya..
Biglang bumaba sa kotse yung lalaki at..


(O_O)


"You/IKAW?!" sabay naming pagkasabi.


"H-hey! I-ikaw pala, Mr. Hottie Guy.. Ay! E-este.. Hehe.. K-kung sino ka man!" nasabi ko na lang.


Napatigil rin yung kotse na kasunod ata ni Mr. Hottie Guy at bumaba rin ito kasama ang lalaking kapatid ata niyang may hawak na PSP. Magkamukha, e!


"Anong nangyari-" sabi ng lalaking kasama ni Mr. PSP Guy. InfairnesInfairness! Gwapo rin ang isang 'to! Hihihi.


"Hoy, Kuya Marc, natigilan ka yata?" sabi sa kanya ni Mr. PSP Guy sabay lingon sa akin. "Ah.. Kaya pala. Kuya, ha! Wag mong idamay yan sa mga kalokohan mo! Tingnan mo, mukha siyang inosente, o?" dagdag pa niya.


"Miss, for your information, ikaw nga 'tong weird e. Ikaw pa lang ang unang taong nakita kong naglalakad papunta dito." seryosong pagkasabi sa akin ni Mr. Hottie Guy.


Alcantara's Dream Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon