CHAPTER 15: At The Cafeteria

9 1 0
                                    

[MILEY'S POV]



Tahimik kaming pumunta ni Chichi papunta sa parking lot at sisigaw na sana ako sa nakita kong kotse ni Chichi pero natakip na niya agad yung bibig ko. Hehe. Nag-peace sign na lang ako sa kanya.



Nakaka-amaze kasi yung kotse niya! Isang cute na may konting kaliitang kotse na color pink with matching hello kitty design pa! Hihihi.



Nang makapasok na kami sa kotse, nagtanong na agad ako sa kanya na..



"Pwede na bang mag-ingay dito?" excited kong pagkatanong sa kanya at..



WAAAAAAAAH!!!
NAG-AGREE SIYA!!!
IT MEANS-



"WAAAAAAAAH!!! FREEDOM!!" masiglang pagkasabi ko.



"Hihihi. Ang kulit mo talaga!" sabi sa akin ni Chichi.



Pinaandar na niya yung kotse kasi may time limit daw pala yung pagpunta dito sa parking lot! MAYGHAD!



*fast forward*



Nang makaalis na kami sa mukhang patay naming school kasi halos walang karapatang magsalita yung mga estudyante maliban sa mga lintik naming prof! MAYGHAD! Dumiretso kami ni Chichi sa isang matino nang cafeteria na hindi lang may freedom na magsalita, may free wifi pa! Kaso, de-keypad yung cellphone ko. Di ko masusulit. Sayang.



"Ano po sa inyo, Ma'am?" tanong ni Mr. Cutie Waiter kay Chichi! Hihihi.



"Isang white coffee po saka 1 piece of strawberry cake, please."



Waaaaaaah!!!
Mas cute yung buo na niyang boses! Hihihi.



"Ok po. E sa inyo naman po, Ma'am?" tanong naman ni Mr. Cutie Waiter sa akin.



"Don't worry, Miley. My treat ulit! Hihihi." sabi ni Chichi sabay ngiti.



"Okie! Isang.. Uhm.. May chocolate drink po ba kayo dito, kuya?" tanong ko kay Mr. Cutie Waiter.



"Yes, Ma'am." sagot niya.



Aba? Cafeteria tapos may chocolate? Ibang klase! Si Chichi nga kanina, may strawberry cake pa, e.



"A.. Ganun po ba? Hehehe.. Ayun na lang po sa akin, yung malamig po, a? Nakaka-stress po kasi yung terror naming prof kanina! MAYGHAD!" sabi ko kay Mr. Cutie Waiter.



"Haha. Ok po. Ano naman pong food nyo, Ma'am?"



"A.. Hehe.. May ensaymada po ba kayo?" tugon ko na lang sa kanya. E sa wala ako sa mood magkakanin, e.



"Yes, Ma'am. We have many pastries here."



"Kuya naman! Ang pormal mo naman masyado! Wag mo na akong i-Ma'am pa! Saka, hindi naman ako masyadong yayamanin, e! I'm Miley Alcantara nga po pala and who are you naman po, Mr. Cutie Waiter, ay! Este, k-kuya waiter? Hihihi."


"Hahaha!" si Chichi.



"Walter. Walter Medin-"



"WALTER!" seryosong sabi ng isang lalaking sa ngayon ay papalapit na sa amin na anak rin ata nina manong guard at ate sexytary. Nampuputol din ng sasabihin, e!



Teka.. Parang familiar siya sa akin...



(O_O)



"Miley/MARC?!" sabay naming pagkasabi.



Alcantara's Dream Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon