CHAPTER 18: Annah Suzeinne

8 2 0
                                    

[SUZEINNE'S POV]



Hello.. Ako po si Annah Suzeinne, pangalawa sa magkakapatid na Samonte. Tama lang po ang itsura ko, mahinhin, laging naka-floral dress at nakalugay ang buhok. Eksaktong kakalagay ko lang po ng ginawa kong pulseras nang biglang tumawag si papa. Mas close ako kay papa kaysa kay mommy at nagmana naman ang ate kong si Suzette kay mommy.



"Papa?" panimula ko. "Bakit ka po napatawag?"



[Breakfast is ready, anak.]



"Ok. Bababa na po ako, papa."



Pagkababa ko, si papa lang ang naabutan ko sa 6-seated na kainan. Expected na sina mommy, Suzette, Suzanne, at si Lola Francia, na kasundo ko rin, yung nakaupo doon ngunit wala sila.



Nagmano ako kay papa at sinimulang kumain kasama niya.



"Nasaan po si mommy?"



"Sa ngayon, nasa SPA nanaman siya." sabay napabuntong hininga.



"A.. E si Suzette po?"



"Nauna nang umalis. Magpapa-facial daw. Manang-mana talaga sa mommy niya. Tsk. Tsk. Tsk." sabi niya sabay natawa na lang kami ni papa.



Ngapala, kahit ate ko si Suzette, ayaw niyang ina-ate siya kasi nakakatanda daw yun. Haha.



"E.. Si Suzanne naman po?"



Bumuntong hininga nanaman si papa at sinabing, "Ayun, tulog na naman ata sa kwarto. Gisingin mo na lang siya mamaya."



Tumango lang ako.



"E si Lola Francia po? Ba't madalang na lang siyang dumalaw dito?"



"May ibang pinagkakaabalahan si lola mo, e. Business raw. Pero, don't worry, huling usap namin, pinapasabi niya sayo na i-chat mo naman daw siya sa facebook. Haha." natawang sabi ni papa.


"Hehe. Hindi na po ako active doon, e. Pero, icha-chat ko pa rin po si lola. Hehe." sagot ko kay papa.


Matapos kong kumain, umakyat ulit ako para sunduin si Suzanne.


"Suzanne? Suzanne?" tawag ko sa kanya habang kumakatok.


Oo nga pala, tulog pa pala siya. Kaya, tinawagan ko siya.


[Mm..] tugon niya sa kabilang linya.


"Nandito ako sa pinto mo, Suzanne. Buksan mo ito."


Nakita ko na lang na bumukas yung pinto.


"Come in." sabi niya.


Yung tono lagi ng pananalita niya, parang yelo sa lamig. Dati, hindi naman siya ganyan e. Hindi rin namin alam nina papa kung anong rason ng pagiging cold niya. Hay... Nami-miss ko na yung dating Suzanne..


*fast forward*


Naglalakad na kami papunta sa Free Academy. Tulad ng kinagawian, naglalakad lang ako nang tama lang, naka-floral dress, at nakasuot ng shoulder bag with floral designs. Si Suzanne naman, parang magja-jogging ang dating. Black jogging pants, blue jacket, naka-rubber shoes at naka-earphones. Ngapala, lagi akong naka-flat shoes at wala akong favorite color. Si Suzette naman, red ang favorite color at laging matataas ang suot na sandals.


Pumasok na kami ni Suzanne sa mga pintuan namin. Siya sa Door of Music at ako naman sa Door of Nature.


Pagpasok ko, makikita ang isang napakagandang parke na maraming puno, halaman, at iba't ibang mauupuan at malinis pa ito. May oras pa naman kaya umupo muna ako sa isang tabi at gumawa ng pulseras.


Makalipas ang oras ng pag-aaral at oras ng paggawa ng iba't ibang accessories, umuwi na ako kaagad dahil ayaw nina Suzette at Suzanne na magkakasama kami. Hindi kami yung magkakapatid na close talaga kaya, minsan, naiinggit ako sa mga magkakapatid na malapit sa isa't isa at naiisip na sana, ako na lang sila. Karamihan sa mga mahihirap ko nakikita yun, e.


Kung papipiliin ko ang sarili ko sa pagitan ng pagiging mayaman pero hindi malapit ang pamilya at pagiging mahirap pero masayang pamilya, mas gugustuhin ko pang maging mahirap kaysa mayaman nga ako pero hindi naman ako tuluyang masaya.


[A/N: Yung 'papa' saka 'Suzanne' po, mabilis po dapat yung pagkakabigkas doon. Hehehe. Yun lungs (^_^) ~chichibi23]

Alcantara's Dream Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon