CHAPTER 23: Meeting His Mom

7 1 0
                                    

[MILEY'S POV]


Since Saturday naman ngayon at wala namang pasok, mamaya, susugurin ko si Avery dahil sa KALAPASTANGANANG ginawa niya!


"HELLO?!" malakas kong pagkasabi nang matawagan ko si Marc.



[Woah! Mukhang bad mood ka ata ngayon, Miley, a? Anong nangyari? Pfft.]


"SAAN KAYO NAKATIRA?! MAY SUSUGURIN AKO DYAN!"


[Pfft. Si kuya nanaman ba? Anong atraso-]


"SAGUTIN MO NA LANG YUNG TANONG KO!"


[Hahahaha! Wokey.. Susunduin na lang kita dyan, ok? I-text mo lang yung address mo then I'll go ahead.] sabi niya at pinatay ko na agad yung tawag.

*fast forward*

Kasalukuyan kaming bumibyahe ngayon ni Marc at saktong huminto na yung sasakyan nang biglang may sumilip sa isang bintana sa 3rd floor nila kaya dali-dali akong lumabas.

"HOY AVERY A.K.A MR. SUNGIT! BUMABA KA DYAN!"

Di naman niya ako d-in-isappoint. Pumunta nga siya rito sa baba.

"O, ikaw pala baliw na babae. Anong dahilan mo't nandito ka sa teritoryo namin?" seryoso at may halong pagtataka niyang pagkasabi.

"WALANG HIYA KA!"

At bigyan ko siya ng sunud-sunod na malalakas na hampas!

"A-anong-"


"MANYAKIS KA! PERVERT! WALANG RESPETO SA BABAE!"


"WTF-"


"Avery-baby? What's happening there?" dinig kong sabi ng isang babaeng mula sa likuran ni Avery.


"RE-RAPE-IN LANG NAMAN PO AKO NG LALAKING 'TO NA AKALA KO MASUNGIT LANG, YUN PALA, MAY UGALING KABASTUSAN!" malakas kong pagkasabi! " Pagsabihan nyo nga po 'tong kapatid nyo! MAYGHAD-"


(O_O)


Paglingon ko sa babae...


(O_O)


Teka.. Parang pamilyar siya sa akin?


"Hihihi. Talaga? Magkapatid lang kami?" sabi nung babae at narinig kong natawa si Marc.


"P-po? H-hindi po kayo siguradong magkapatid kayo?" takang tanong ko sa kanya na lalong nagpabaliw kay Marc. Psh.


"Miley, she's our mommy. Pfft. Mommy, this is Miley, our friend."


???(O_O)???


HANURAW?!
N-NANAY?!
Y-YANG BATA-BAYA PA?! N-NANAY NA?!


"Hahahaha! Ang epic ng itsura mo, Miley! Hahahaha!" halos hindi na ata makahingang kakatawa ni Marc. Kung tuluyan kaya kiya dyan? Pashneya.


"Hihihi. Ang cute mo naman, iha!"


(O_O)


AKO? C-CUTE? WHAT THE-


"Anyway, ako naman si Mely, short for Melissa. You can call me Tita Mely, ok?" sabi niya sabay yakap sa akin. Nahiya naman ako bigla kasi, nasigawan ko siya kanina e. Hehehe.


"O-ok po.. T-Tita Mely.." nahihiyang tugon ko.


Pinapasok muna kami ni Tita Mely para doon daw kami makapag-kuwentuhan. Hindi ko nabanggit sa kanya na siya yung nanay nina Cramer sa panaginip ko. Nakakahiya kaya! Ano yon? Feeling close? Psh.


[AVERY'S POV]

Nandito kami ngayon nina Mommy, David, at yung baliw na babae sa Jardin. Nagkwentuhan pa ang dalawa na parang wala kami dito ni David. Psh.


"Ngapala, bakit parang galit ka kay Avery-baby kanina?"


Tsk. Ilang oras na silang nag-uusap, ngayon lang nila in-open yun topic na yun. Tsk. Tsk. Tsk.


"Kasi po, ganito yun.."


Kasalukuyan akong umiinom ng tubig matapos niyang magkwento tungkol sa panaginip niya nang bigla ko nanaman siyang nabugahan pero tubig naman dahil sa narinig ko.


"W-what did you said?" di makapaniwalang tanong ko.


"BINGI KA BA?! Ang sabi ko, hahalikan mo ako noon kaya-"

"BECAUSE OF THAT F*CKING KISS ONLY?!" Grabe ka talaga, baliw na babae. "You're so exagg-"

"THEN YOU'RE TOO MUCH, AVERY!"

(O_O)

I-Is that mommy?

"See? Nabasa mo tuloy yung damit ni Miley! Kung ako man sa posisyon niya, I will feel the same way kasi minsan, ganun kaming mga girls. Sometimes, were super O.A in the way na kunwari, nagkasakit ka lang pero dengue na yon para sa amin!" pagdedepensa ni mommy." Please give apology to Miley." dagdag pa niya.

"Mom-"

"Tsk. Hayaan mo na po siya, Tita Mely. Kahit mag-sorry pa yan, wala nang pag-asang magbago yan!"

Aba. Ikaw..

"Ok. Come on, Miley-baby. Let's go to my dressing room. Hihi." sabi ni mommy kay Miley at umalis na sila.

"Woah!!! May bago nang baby si mommy, a? Pfft. Hahahaha! Tsk.. Tsk.. Tsk.. Yan kasi... Awayin mo pa si Miley-"

Di na niya natapos yung sasabihin niya dahil binatukan ko na siya agad.

Teka.. May napansin lang ako bigla. Parang may kahawig si Miley? Hmm.. Hindi ko lang mamukaan kung kanino pero meron talaga, e.. AISH! Ewan ko sayo, baliw na babae! PSH.

Alcantara's Dream Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon