CHAPTER 9: I'm With You

10 1 0
                                    

A month ago.. 

[AVERY'S POV]

May na pala ngayon. Malapit na ang birthday ni lola. Ano kayang pwede kong iregalo sa kanya?

"O, apo? Bakit nakaupo ka pa dyan? Samahan mo na yung mga kapatid mong naliligo na sa dagat." si lola habang nagbabasa na naman ng wattpad sa cellphone niya.

May libro ba talagang mabibili nyan? Kung yun na lang kaya yung iregalo ko? Ma-search nga mamaya.

"Uhm.. Gusto ko lang pong magpahinga.." tugon ko sabay ngiti.

Nagpagtugtog na lang ako through my earphones at hindi ko namamalayang nakatulog na pala ako...

*based on Avery's dream*

Makakapal na ulap. Madilim na kalangitan. Malawak pa rin ang dagat at kay puti pa rin ng buhanginan. Nagpapahinga lang ako sa harap ng payapang dagat nang biglang may babaeng dumaan at nakatalikod na ngayon sa akin habang kumakanta.

I'm standing on a bridge
I'm waiting in the dark
I thought that you'd be here by now 

Damn... Ang ganda ng boses niya..

There's nothing but the rain
No footsteps on the ground
I'm listening but there's no sound

I close my eyes while listening to her angel voice.

Isn't anyone trying to find me?

It might me..

Won't somebody come take me home?

I look at her and I also sing with her but only in my mind.

Its a damn cold night
Trying to figure out this life
Won't you take me by the hand
Take me somewhere new
I don't know who you are
But I... I'm with you...

Pagkatapos niyang kumanta, nakita kong iniwan niya yung bracelet niya sa buhanginan at umalis kaagad. Lumapit ako sa kinaroroonan niya kanina at kinuha yung bracelet niya. Nakita ko ang marahil pangalan niyang...

Francine...

*end of Avery's dream*

*back to reality*

"Kuya! Kuya gising!"

"Mm.. Nasaan na tayo?" naaalimpungatan pa ako sa pagtugon kay Raven.

"Tayo na lang kayang nandito sa cuttage! Silang lahat, nandun na sa loob! Gabi na nga, o? Saka, teka nga lang... sino si Francine, huh? Ikaw kuya, ha! Hahahaha!" panunukso ni Raven.

"H-huh? W-wala yun! Aish! Tara na nga!" sabi ko sa kanya.

Pagkatapos noon, bumalik na kami sa loob. Ikinuwento ni Raven yung nangyari kina dad, mommy, at David at tinuksuhan rin nila ako.

Oo nga naman...Sino ka ba talaga, Francine? Bakit kita napanaginipan at hindi ko man lang nakita ang itsura mo.. Sana mapanaginipan ulit kita, Francine...

[A/N: Yung kinanta po nung babae ay "I'm With You" by Avril Lavigne <3 ^_^]

Alcantara's Dream Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon