CHAPTER 1: Miley's Life

42 3 0
                                    

[MILEY'S POV]



Hi! Ako nga po pala si Miley, isang simpleng babaeng nakatira sa isang simple house at may simple and happy family! (^_^)



Sa ngayon po, kakabangon ko lang po at tutulungan si nanay sa paghahanda ng ikinabubuhay naming kakanin na niluto ng pinagmamalaki kong tatay! Hihihi (^_^) Time check. 4 am.



"Good morning, nanay!" masayang bati ko sa kanya.


"O, magandang umaga rin sa iyo, anak. Ikaw ba'y nakakain na?" mahinahong sabi ni nanay. May pagka-dalagang Pilipina kasi yung ugali ng nanay ko kaya minsan, nano-nosebleed ako sa mga sinasabi ni nanay sa pagtatagalog niya! Mayghad!


"Hindi pa po, nay. Pero-" 


"Anak, masama ang hindi pagkain ng almusal tuwing umaga. Sasakitan ka ng tiyan. Kumain ka muna doon ng hinain ng tatay mo at saka mo na ako tutulungan dito, maliwanag?"


O? Sabi ko sa inyo, e! Parang sinaunang tao si nanay! Ahaha!


"Miley?"


"Ay! O-opo nanay!"


Ikaw kasi utak ang daldal mo,e!


Sinunod ko na ang bilin ng aking ina lol. Trip lang gayahin si nanay. Haha!



Sa aming pamilya, ang tagaluto naman ay hindi si nanah kundi si Tatay Kiko! Hehehe. Masarap po siya magluto! Ang specialties po niya ay adobo, nilaga, sinigang, menudo, afritada, lahat na! Nakakagutom tuloy lalo yung mga iniisip ko! Makakain na nga.


"Tatay? Kain po?" 


"Sige lang, anak. Mamaya pa ako kakain." sagot niya habang nagluluto sabay ngiti.


"Ok po!" (^_^)  


Nang matapos akong kumain, tinulungan ko nang maghanda si nanay. Since wala naman na kaming pasok kasi bakasyon time muna, maghapon kaming magtitinda ni nanay ngayon.


Nandito na kami sa pwesto namin dito sa palengke. Dito magtitinda si nanay samantalang maglalako naman ako. 


"O, kakanin! Kakanin! Bili na kayo, mga suki! Gawa ito ng pinakagwapo at pinakamasipag kong tatay sa balat ng earth kaya masarap po ito!" (^_^)


Oy. Ako yan,ah. 



"Miss, pabili naman ako nyan." sabi ng isang suki. Infairness, dyosa. Hehehe. 


"Ok po! Ano pong gusto nyo? Biko? Maja blanca? Suman? Palitaw? Kung ano pong gusto nyo, feel free to choose!" masiglang pagkasabi ko kay Ms. Goddess. 


"Haha. Nakakatuwa ka naman. Magkano yung isang biko?"


"A, eto po?" sabay hawak ko sa biko. "Naku! Sampung piso lang po ito, ate! Mura na, masarap pa! Saan ka pa?" masiglang tugon ko sa kanya. 


"Haha. Sige, pabili ako, mga sampung piraso." Sabi ni Ms. Goddess.


"Talaga po?! Hihi. Ok po! 10 pcs of biko, here it comes!" sabay abot ko nito sa babae at inabot naman niya yung bayad niya.


"Wait lang po! Matanong ko lang po kita. Ilang taon na po kayo, Ms. Goddess? Hehe." natanong ko lang sa kanya. Ang dyosa, e! Nakakatibo! MAYGHAD!


"Hindi halata pero 45 years old na ako." sabi niya at nagpaalam na kailangan nang umalis.


(O_O)


MAYGHAAAD!!!
GRABE! F-45 YEARS N-NA SIYA?! MAYGHAD!


Anyway...


"Whoo! Ubos na agad yung biko! Yehey! Sana, suman naman yung maubos! Hihihi." nasabi  ko lang sa sarili.


Habang naglalako ako, may 3 batang pulubi akong nakasalubong malapit lang sa pinagpwestuhan ko kanina.


"Ate, ate. Pahingi po ng barya?" sabi ng bunso ata nila sa akin.


"Kailangan lang po namin para makakain na po kami." sabi naman ng panganay ata sa kanila. Tangkad e.


"Sige na po, maawa na po kayo." sigurado, gitna 'to. Yun na lang yung natitira e.


"Ah.. Hehe.. Ano kasi... Sabi sa naririnig ko sa balita, bawal daw magbigay ng barya sa mga pulubi kasi.. ano.. h-hindi sa bad na kayong lahat.. may ka-edad nyo kasi na mga bad. May modus silang ginagawa.." paliwanag ko sa kanila.


"Ano pong ibig sabihin ng modus?" sabi ng bunso. Liit e.


"Basta bad yun bata. Pero, hindi naman nabanggit na bawal magbigay ng pagkain kaya.. heto, sa inyo na lang 'tong puto with cheese. Masarap yan! Gawa ng pinakamasarap magluto na tatay ko sa balat ng earth!" masiglang tugon ko sa kanila.


Natuwa naman ang mga bata sa binigay ko sa kanila at syempre, masaya rin ako! Hehe. Yun nga lang, hindi nakabenta ng 30 pesos na puto! Huhuhu...


Nang makabalik ako sa pwesto ni nanay ay saktong paligpit na siya. Ikinuwento ko sa kanya yung nangyari at natuwa sa akin si nanay. Pagkabalik namin sa bahay, ikinuwento naman ni nanay kay tatay yung nangyari at gaya ni nanay, natuwa rin siya.


Ang bait ko, noh?
Tularan nyo po ako! Hihihi (^_^)
Hay... nakakapagod talaga magtinda! Makapagpahinga na nga, hehehe.

Alcantara's Dream Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon