[MILEY'S POV]
Hi! Ako po ulit! Hehehe.
Yung tungkol nga po pala sa panaginip ko, secret lang po yun,a? (^_<) Hindi sa dahil sinasarili ko lang po ang pagiging mayaman,a? Ayoko lang po yung part na hindi po kami complete family. Hehe.Anyway, kakabangon ko lang po ngayon at biglang naisipang mag-toothbrush. Nang nasa CR na po ako, napansin kong wala na palang toothpaste.
"Nanay! Halika po dito!"
Lumapit si nanay dito at nagtanong na, "Bakit, anak? Ano ang iyong problema?" sabi sa akin ni nanay.
Hay nako!
Napaka-dalagang Pilipina talaga ni nanay! Ultimo pagpunta nga dito, pagtayo niya, inayos pa muna yung paborito niyang mahabang palda tapos naglakad na papunta dito na parang pang-sinauna talaga,e! Ibang-iba sa panaginip ko! Mayghad!"Wala na kasing toothpaste nay,e." sagot ko.
"A..ganoon ba? O, heto. Bumili ka ng tig-walong pisong pang-sepilyo para makagamit ka na."
Kita nyo?
Tig-walong piso daw saka..p-pang sepilyo?! Hindi na lang t-in-oothpaste, e. Mayghad!"A..o-ok s-sige po.." nasabi ko na lang sabay abot sa binigay na tig-walong piso DAW na ayon sa may pagka-dalagang Pilipinang kilos at dyosa kong nanay! Hehehe.
Naglakad na ako sa papunta sa tindahan para bumili ng toothpaste.
"Ate, pabili po!" masiglang pagkakasabi ko.
"Ano yon?" tugon ni Aling Thelma.
"Toothpaste nga po!" masigla ko ulit na pagkakasabi.
"Talaga? Sigurado ka na ba talaga sa bibilhin mo? Baka magsisi ka sa huli, iha?" sabi ni Aling Thelma a.k.a. Aling Hugutera!
"Jusko, Aling Thelma! Ke aga-aga, hugot agad?! Opo naman! Sureness po ako sa bibilhin ko,noh!"
"A..ok. Anong brand ang gusto mo? Yung HAPPY na sa una ka lang paliligayahin pero sa huli, paiiyakin ka? O yung TOLGATE na sa una, papapasukin ka sa puso niya tapos lolokohin ka lang pala?"
Aba! Toothpaste lang po ang gusto, hindi hugot! Saka.. ano raw?! Yung literal bang TOLLGATE yung tinutukoy niya kaya may word na 'pasok'?! MAYGHAD!
"A.. hehe.. y-yung Happy toothpaste na lang po.." nasabi ko na lang.
"Sigurado ka na ba talaga, iha?"
NAK NG-
Malapit ko nang buhulin yang dila mo, aling Thelma!
"O-opo."
"O siya sige, ikaw bahala." sabi niya sabay abot non at ako naman sa bayad ko.
Hay nako!
Eto lang, aling Thelma! Wala nang iba!Teka.. may napansin lang ako..
Bakit may yellow tag sa pack na 'to?"A, Aling Thelma, lahat po ba ng tinitinda nyong Happy, may ganito?" sabay pakita ko sa kanya ng pack ng toothpaste.
"A..hindi ko alam e. Ok lang, sanay naman na ako e."
Luh? Nung konek?
"A.. hehe. Sige po, thanks na lang po.." sabi ko na lang sa kanya.
"Buti ka pa-"
Bago pa siya makahirit ng isa pa ay dali-dali akong tumakbo papunta sa bahay! Haha! Bastusan na kung bastusan pero, ang korni kasi masyado ni aling Thelma,e! Mayghad!
BINABASA MO ANG
Alcantara's Dream
HumorKung mananaginip ka rin lang, sulitin mo na! Tingnan nyo ako, tuwing nananaginip, hayahay! Free WIFI, big house and lot, lots of pocket books, etc! Parang ayoko nang magising! Haha! Kaso, hindi pwede, baka magalit sina nanay e. Anyway... oo nga't ma...