[AVERY'S POV]
"Avery-baby, gising na!"
"Mm... why mom?"
"May good news daw si daddy nyo! Halika na sa jardin! Hihihi." excited na pagkasabi ni mommy..
"Haha. Ok mommy, I'll just fix myself. Hintayin nyo na lang po ako doon."
"Ok!" masiglang tugon ni mommy.
Matapos akong mag-prepare, pumunta na ako sa Jardin de Javier at nakita ko silang lahat.
"Daddy! Nandito na si Avery-baby! Sabihin mo na yung good news mo, dali!"
"Haha. O siya, maupo ka muna, Avery."
Umupo na ako at handa na sa sasabihin ni dad.
"Marc Avery."
"Yes, dad?"
"Marc David."
"David na lang, dad!"
"Hala, kuya Marc kaya!"
"Raven, hindi naman ako kuya ni dad, ok? Manahimik ka na nga lang!"
"Tsk."
"Marc Raven."
"Yes, dad!"
"Ang pormal mo naman, daddy! Naiinip na yung mga boys sa good news mo, o! Lalo na ako!"
Natawa kaming lahat sa sinabi ni mommy.
"Ok, ok. My good news is... mag-impake na kayo ng mga gamit ninyo dahil pupunta tayo sa La Javier."
"WAAAAAHH!!! SA LA JAVIER, DADDY?! IRE-READY KO NA ANG TWO-PIECE KO-"
"MOM! You're not allowed to wear those f*cking swimwear!" saway sa kanya ni daddy. Pfft.
"Joke joki lang naman, e! Sus! Baka nga ikaw doon naka-undies lang with matching sulyap pa sa mga babae! Hmp!"
Nagtawanan kaming magkakapatid samantalang guilty nanaman si dad. Pfft.
Matapos ang ilang minutong kwentuhan, nag-impake na kami ng mga gamit at sumakay na sa van namin papuntang La Javier.
[MILEY'S POV]
"Please type your name, age, address, and contact number and send to 1234." basa ko sa nakalagay sa sachet.
Sinunod ko ito at biglang may nag-text na-
"Anak? Maaari ba kitang makausap?"
Pfft. Kahit kailan ka talaga nay!
"A, opo naman. Bakit po?"
"Anak. Gusto ko lamang makumpirma kung mag-aaral ka ba talaga doon sa akademya na yon-"
"Nay... Ayoko pong sayangin yung chance. Minsan nga lang po ito, o. Saka, ako naman po ang bahala sa iba pang fees kung kinakailangan, e. Wag ka na pong mag-alala, please?" tugon ko sa kanya.
"Inaalala ko lang naman ay baka tuksuhin ka doon. Hindi tayo kasingrangya nila, anak. Nasabi ko na rin ito sa tatay mo at hindi rin siya makapaniwala na ang isang tulad natin ay-"
"Anong tulad natin, nay? Tulad nating mahirap? Nangungupahan lang? Nagtitinda pa ng kakanin? Para sa akin, nay, simple lang po ang pamumuhay natin. At kung sakali man pong mangyari ang iniisip nyo, hindi naman po ako magpapaapi. Kahit na mukha akong mahina, kaya ko po ang sarili ko." paliwanag ko kay nanay.
Nararamdaman kong naiisip ni nanay na baka insultuhin ng mga magiging kaklase ko ang estadp ng pamumuhay namin kaya sinabi ko rin yung side ko.
"P-patawarin mo ako anak kung naisip ko ang bagay na iyon.."
"Ok lang po."
Pero, ang totoo? Hindi. Nakakatampo si nanay, e.
Binasa ko na ang text mula sa Heir Academy na galing sa de-keypad ko pang cellphone na kailangan daw pumunta ng mga winners sa meeting place nila na nabanggit naman dito. Kailangan daw naming hanapin doon ay si Don Ricardo Samonte. Siguro, nagtatatalon na ako sa tuwa ngayon kung hindi lang ako nagtatampo kay nanay.
"Nay. May kailangan lang po akong puntahan ngayon. Aalis na po muna ako. Pakisabi na lang po kay tatay para hindi po siya mag-alala. Nag-text po kasi yung magiging school namin na kailangan daw po nila ma-meet yung mga winners. Baka magtagal din po ako doon kasi probinsya po yun, e. Babalitaan ko na lang po kayo." paliwanag ko kay nanay.
"Anak. Nararamdaman kong ika'y nagtatampo sa akin. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Patawarin mo na ako dahil sa naisip kong bagay, Miley. Parang awa mo na.." maluluha nang pagkasabi ni nanay.
"Aish! Nanay naman, e. Matitiis po ba kita? Payakap nga po!''
Nagyakapan kami at tila nawala bigla yung pagkatampo ko sa kanya.
"Wag nyo na pong isipin yun ulit, ha?"
"Oo, anak. Makakaasa ka." tugon ni nanay sabay ngiti.
Tinulungan niya akong mag-impake at pumunta na kami sa terminal ng bus.
"Anak. Mag-iingat ka doon, a?"
"Opo naman po!"
"Ngapala. Huwag ka munang maglibang doon, ha? Posible kasing magkaroon kayo ng oryentasyon doon at lalong lalo nang huwag kang magpapahuli ng dating, ha?" bilin ni nanay sa akin.
"Yes, o, yes!" masiglang tugon ko sa kanya sabay umakyat na sa bus para maglakbay papunta sa La Javier.
BINABASA MO ANG
Alcantara's Dream
HumorKung mananaginip ka rin lang, sulitin mo na! Tingnan nyo ako, tuwing nananaginip, hayahay! Free WIFI, big house and lot, lots of pocket books, etc! Parang ayoko nang magising! Haha! Kaso, hindi pwede, baka magalit sina nanay e. Anyway... oo nga't ma...