[SUZEINNE'S POV]
Pagkauwi ko galing sa school, nakita kong pangisi-ngisi si Suzette mag-isa sa sala.
"Mukhang may binabalak ka Suzette, a?" panimula ko.
Ngumisi ulit siya at sinabing, "Lilipat kasi ako sa school ng soon-to-be king ko! Hahahaha!" sabi niya at nag-evil laugh.
"Huh? Sino nanaman yang bago mo?" takang tanong ko sa kanya.
"BAKIT? May balak ka bang agawin siya? Subukan mo lang Suzeinne at ipapalapa kita sa leon sa isa sa mga zoos dito sa Earth para hindi mo siya maagaw sa akin!" mataray niyang pagkasabi.
"Suzette. Kilala mo naman ako, di ba? Hindi ako interesado sa mga lalaki." depensa ko sa kanya. "Kaya, hanggang ngayon, wala pa rin akong boyfriend." dagdag ko pa at pagsisinungaling ko.
Ang totoo nyan, nagka-boyfriend na ako dati. Pero, isa pa lang siya at hanggang ngayon, maliban sa ex ko pa rin siya, mahal ko pa rin siya pero hindi ko na alam kung nasaan na siya. Si mommy lang yung nakakaalam noon kasi laging wala si Suzette at nakakulong naman sa kwarto si Suzanne. Maski sina daddy at lola, hindi nila alam.
"Hahaha! Oo nga pala, my dear sister. NBSB ka nga pala at tatanda pang dalaga! Hahaha! Okay, ikukuwento ko sayo yung encounter namin sa mall.." at nagsimula na siyang magkuwento tungkol sa bago niya.
Nagulat ako nang malaman ko kung sino yung tinutukoy niya at yun ay walang iba kundi ang ex-boyfriend kong si Avery..
*flashback*
Halos mag-iisang taon na kami ni Avery noong Grade 10 pa kami. Isang araw na lang at anniversary na namin. Ang alam lang nina mommy at daddy, kaibigan ko lang si Avery noon. Wala namang kaalam-alam sina Suzette at Suzanne dahil sa kani-kaniyang pinagkakaabalahan twing dadalaw si Avery. Ang alam naman ni Avery noon, legal kami sa parents ko kahit hindi pa talaga kasi hindi ko pa pinapaalam.
Habang nagkukuwentuhan kami ni Avery sa sala, biglang may tumawag kay mommy na nasa tabi lang namin.
"Hello? This is oh so gorgeous mother of 3 kids. Then, who the hell are you?" mataray na pagkatanong ni mommy sa kausap.
Nagulat kami ni Avery nang bigla kaming pandilatan ni mommy ni tingin.
"ANO?! Ok. Thanks for info." sabi pa ni mommy at pinatay na yung tawag.
"Tama ba yung sinabi ng caller kanina na magsyota daw kayo?"
Nagkatinginan kami ni Avery. Gulat at takot ang naramdaman namin ni Avery dahil anumang oras ay pwede kaming paghiwalayin ni mommy.
"ANSWER ME!"
"O-opo.. G-girlfriend ko nga po siya, pero-"
"I don't care if mag-share ka man ng opinion mo. Ang dapat nyong gawin.. PUTULIN NYO ANG UGNAYAN NINYO SA ISA'T ISA! IN FRONT OF ME!" bulyaw sa amin ni mommy kaya naiiyak na ako.
Walang nagawa si Avery kundi sumunod kay mommy at sa araw din na yon, lumipat kami ng bahay at ng school. Hindi naman kumalat ang issue namin ni Avery dahil sa mga connections ni mommy. Nalaman ko naman na isang babaeng naiinggit sa akin yung tumawag noon kay mommy at binigyan siya ni mommy ng malaking halaga upang tumahimik ito.
*end of flashback*
"A-Avery Javier ba kamo?" paniniguro ko.
"Of course! I'm sure of that! Bakit? Kilala mo?" mataray niyang pagkakatanong.
"H-hindi.." pagsisinungaling ko. "M-may iba pa ba siyang kapatid?" pag-iiba ko ng usapan.
"Hahaha! Of course, yes! Why? Interesado ka?" sabay ngumisi siya sa akin. "Ok. Nirereto ko sayo yung cute but annoying guy na kapatid niya. If you're interested to him, sumama ka sa akin sa paglipat sa Heir Academy. Isama na natin si Suzanne nang magkajowa na yung muntibo!" panghihikayat niya at pumayag na lang ako hindi dahil sa kapatid niya kundi sa KANYA..
Nang makauwi na si mommy galing sa pagpapaganda niya, lumapit agad kami ni Suzette sa kanya.
"Good evening, my oh so goddess mother!" bati ni Suzette sabay nakipagbeso kay mommy.
"O.. Good morning rin my oh so gorgeous daughter! What do you want?" tanong ni mommy at mukhang para kay Suzette lang.
"Uh.. I just want to inform you mommy na lilipat kami nina Suzeinne at Suzanne sa Heir Academy to meet my destiny! Si Mr. Hottie Guy a.ka. Marc Avery Javier-"
"WHAT?!" biglaang tanong ni mommy. Sinasabi ko na nga ba. "NO. Mas gugustuhin kong mag-stay dito si Suzeinne. You and Suzanne may freely leave."
"But mommy-"
"THAT'S A FINAL." sabi ni mommy sabay umalis.
"Luh? What happened to mommy?" takang tanong ni Suzette. "But don't worry, Suzeinne. You will follow us secretly so that makikilala mo na ang love of your life!" sabi niya at napangiti ako doon.
Naramdaman ko nang gabing iyon na ate ko talaga si Ate Suzette..
BINABASA MO ANG
Alcantara's Dream
HumorKung mananaginip ka rin lang, sulitin mo na! Tingnan nyo ako, tuwing nananaginip, hayahay! Free WIFI, big house and lot, lots of pocket books, etc! Parang ayoko nang magising! Haha! Kaso, hindi pwede, baka magalit sina nanay e. Anyway... oo nga't ma...