[AVERY'S POV]
Matapos ang ilang oras na byahe, nakarating na kami sa wakas dito sa isa sa mga lupain namin, ang La Javier. Isa itong beach resort na talaga namang dinarayo ng iba't ibang turista mapa-foreign man o local.
Pagkababa namin, bumungad agad sa amin ang mga babaeng nagsasayawan ng aloha dance at sinuotan kami ng pang-souvenir na kwintas na gawa sa mga bulaklak. Todo-aliw sina dad at David at natawa na lang kami ni Raven nang biglang hampasin si dad ni Mommy.
Ilang metro lang ang layo ay natatanaw na namin sina lolo at lola na nakatayo sa bungad ng isa sa mga hotel namin. Kumaway si Lola Fely at nakikaway na rin kaming lahat. Tulad ng nakasanayan, seryoso lagi ang mukha ni Lolo Miguel. 2017 pa noong huling dating namin tapos hanggang ngayon, strikto pa rin ang dating niya? Ibang klase.
Masaya kaming tatlo na bumati at nagmano kay lola.
"Mga apo! Buti't dumating na kayo. Payakap nga!" at sabay-sabay namin siyang niyakap.
Bigla naman kaming kinabahan noong kailangan na naming magmano kay lolo. Sa tingin niya kasi, parang gusto na niya kaming kainin ng buhay. Pfft. Pero, kahit ganyan si lolo, palaging pinapaalala ni lola sa amin na napakabait ni lolo through facebook. Yes. Social media addict si lola lalo na sa kinahuhumalingan niyang app na wattpad.
"O, baka nagugutom na kayo, mga apo? Halina kayo't maraming pagkain ang sasalubong sa inyo sa loob." masayang sabi ni lola sa amin.
[MILEY'S POV]
Nan makapunta na ako sa La Javier...
WAAAAAAAAHHHH!!!!!
MAYGHAD! ANG GANDA DITO, SEVEN!
Ang bongga ng entrance, infairness! Gate pa lang, kavog na. Paano pa kaya sa loob, diba? Hihi! Can't wait to see!
"Ma'am, magandang hapon po, ano pong kailangan nyo?" tanong sa akin ng may pagka-good naman na secu. Hehehe. Infairness, gwapo si Kuya Secu! Ahaha! Kaso.. Bawal adult abuse e. Hehehe.
"Ah... Hehe. Isa po kasi ako sa mga winners ng promo ng Heir Academy. Eto po, o.." sabay pakita ko pa talaga nung sachet ng toothpaste!
"Ah.. Ganoon po ba? Sige po, tuloy po kayo.." sabi ni Kuya Secu.
Pagkapasok ko sa gate...
"WAAAAAAAHH!!!! Ang ganda na nga sa labas, ang ganda pa sa loob! Wow!!!" manghang-manghang pagkasabi ko.
Sino ba namang hindi mamamangha? Pagbungad sayo, ala-gubat na nilagyan ng design ampeg! Bongga! Nakaka-amazed talaga! Hihihi.
Naglakad-lakad ako nang konti sa gitna ng naggagandahang mga halaman nang biglang may naalala akong isang bagay.
"Hala! Oo nga pala.. Kailangan ko pa palang hanapin si Don Ricardo!" bigla kong nasabi sa sarili.
Eksaktong may nakita akong lalaking nakatalikod na may suot na earphones at nagpapahinga sa isang magarang upuan na gawa sa kahoy. Nilapitan ko siya para magtanong.
"Uh.. Excuse me?" tawag ko sa kanya.
Luh? Bingi ba ito?
Ay! Tanga pala ako! Naka-headset nga pala! Kaya, dahan-dahan kong tinanggal yung earphones niya.
Aba! Mukhang sosyalin ang isang ito, a! Pero, infairness, kahit naka-shades pa siya, mukhang gwapo! Hihihi.
"Ah.. Hehe. Itatanong ko lang po sana kung kilala mo po ba si Don Ricardo saka alam mo rin po ba kung nasaan siya?" tanong ko sa kanya.
Nakita kong nagulat siya nang bahagya at sinabing, "Why?" seryoso niyang pagkasabi.
Waaaaaaahhh!!!
Ang hot ng boses niya! Mayghad!
"Kasi-"
Sasagutin ko sana siya yung tanong ni Mr. Hottie Guy na nakasando pa! Amp! Haha! Pero, kasi! Epal 'tong de-keypad kong cellphone, e!
"Yes, hello po? Sino po sila?"
[Hi. This is from Heir Academy. I'm Vivian. If you are searching for Don Ricardo, just walk near La Javier Lagoon and you will see some soon-to-be Heirian students. Thank you.]
"Ah.. Ganun po ba? Ok po, thank-"
*call ended*
"Ay! Bastusan?! Hindi pa nga ako tapos magsalita, e!" kainis!
"Miss, is that a keypaded phone?" takang tanong niya.
"Oo! Bakit? Inggit ka? Bili ka! E mukha ka namang mayaman, e! O siya, babay na muna, Mr. Hottie Guy, ay! E-este, k-kung sino ka man! Haha! Nagmamadali na kasi ako e baka kanina pa ako hinahanap ni Don Ricardo. Sige, babay na talaga! See you soon kung meron pa man!" tugon ko sa kanya sabay agad na umalis papunta sa tinutukoy ng babae.
[AVERY'S POV]
"Hey, miss!" pahabol sabi ko sa babae pero nakalayo na ito.
'Sinong Don Ricardo yung tinutukoy niya? Di kaya... NO....DAMN NO... Kung siya nga yon, its posible that she's here.' sabi ko sa sarili sabay seryoso ng tingin.
BINABASA MO ANG
Alcantara's Dream
HumorKung mananaginip ka rin lang, sulitin mo na! Tingnan nyo ako, tuwing nananaginip, hayahay! Free WIFI, big house and lot, lots of pocket books, etc! Parang ayoko nang magising! Haha! Kaso, hindi pwede, baka magalit sina nanay e. Anyway... oo nga't ma...