[AVERY'S POV]
Kasalukuyan kaming kumakain ngayon nang biglang nagsisisigaw sa pagkamangha si David.
"Woah!!! SH*T! Ang ganda niya talaga lalo na dito! DAMN." nasabi na lang ni David. Pfft. Akala ko ba graduate na siya sa gawain niyang yan? Pfft.
"Patingin nga nyan.." interesado kong tanong.
"Uy! Si kuya! Gusto na ring makisali!" at nagsitawanan silang lahat.
"Hihihi. Binata ka na, Avery-baby!" nakisali pa si mommy. Tsk.
"Haha. Sige, tingin lang, ha? Bawal angkinin, may nagmamay-ari na kasi, e." sabay nag-smirk. Tsk.
"Huh? What do you mean, anak? Graduate ka na? Hays.. Sayang naman.." sabi ni dad. Pfft.
"Sus! Mabuti nga't tumino na siya daddy, e!" sabat ni mommy. "Who's that lucky girl naman na nagpatino sayo, David-baby? Hihihi!"
Aba? Tumino lang si David, b-in-aby na? Grabe..
"Eto po mommy, o.."
Susubo sana ako ng pagkain nang bigla kong naibagsak ang kutsara ko.
"O, kuya? Natigilan ka ata? Uy.." sabi ni Raven sa akin habang tinititigan ko pa yung babae sa picture. "Teka.. Parang pamilyar siya sa akin, kuya.. Tama! Siya nga yung magandang babaeng tinuro ko sayo, kuya Marc! Mommy! Dad! 1st crush ko po ya-"
"Raven. Kalimutan mo nang naging crush mo pa siya at yung babaeng nakaaway mo na lang yung pagdiskitahan mo! Pfft."
"Hihi. Sino ba talaga yung cutie girl na yan at pinag-aagawan nyo pa siya, David, Raven? Hihihi." excited na tanong ni mommy.
"Guest what, mommy? Siya ang magiging future mom ng mga magiging anak ko at future daughter-in-law nyo naman po.." panimula ni David. "Kilala nyo na po siya mommy. Siya po si Miley-"
Kasalukuyan akong umiinom ng tubig noon nang bigla akong mapabuga ng tubig nang banggitin ni David s-si..
"Avery-baby! What's wrong?" alalang tanong ni mommy.
"N-nothing, mommy." sabay napatayo ako. "I need to go. Excuse me."
Pumunta na agad ako sa kotse ko para mauna nang pumasok sa school.
*fast forward*
*recess time*
Twing recess, nakagawian namin nina David at Raven na pumunta sa canteen at isa sa mga gardens dito yung tambayan namin. Pero, dahil sa wala ako sa mood ngayon, naglakad-lakad na lang ako.
Sa paglalakad ko, napalingon ako sa cafeteria at nabuhayan ako, ay, este, nagulat ako nang makita si Miley kasama ng kaibigan niya.
Pinuntahan ko yung pwesto nila at magta-type na sana ako ng sasabihin ko through phone nang biglang napasigaw sa akin si Miley. Pfft.
"HOY! SINO KA BA?!"
"Shh.." saway ng iba sa kanya. Pfff. Buti nga.
"Chichi, sino ba yan? Boylet mo?" pabulong na sabi ni Miley at dahil rinig pa rin siya ng iba, sinaway na naman siya. Pfft.
"ANO BA YAN?! PABULONG NA NGA, E, DINIG NYO PA RIN?! PASHNEYA!"
"HAHAHAHA!" di ko na mapigilang tawa ko kaya masama na yung tingin ng ibang estudyante at biglang may lumapit na guard sa amin.
"Kayong dalawa. Labas. Sa guidance room."
(O_O)
WTF
BINABASA MO ANG
Alcantara's Dream
HumorKung mananaginip ka rin lang, sulitin mo na! Tingnan nyo ako, tuwing nananaginip, hayahay! Free WIFI, big house and lot, lots of pocket books, etc! Parang ayoko nang magising! Haha! Kaso, hindi pwede, baka magalit sina nanay e. Anyway... oo nga't ma...