Chapter 4Kinuyog agad ako netong dalawa kong kaibigan pagkatapos kong ihatid sa labas si Sir Hans. Pasado alas onse narin kasi ng gabi, gusto ko na siyang makapag pahinga kasi marami siyang trabaho.
"Oh dali chika na! May paglandi naman kasi pala ang ate natin!." kinikilig na sambit ni Bea.
"Wala naman akong ikukwento! Friends lang talaga kami ni Sir Hans!." sagot ko habang nagpipigil ng ngiti.
"Hoy walang friends sa ganun! Aminin mo! Nililigawan ka na nun no!?!?!?!." ani Jack.
"Hindi, Jack! Ano ka ba! Boss ko siya no at tsaka janitress ako. Hinding hindi maaaring mangyari yun." pagka klaro ko dahil ang mundo ng mayayaman ay pang mayayaman lang. Labas na kaming mahihirap doon.
"Walang boss boss sa pag ibig! Susko naman! Ang manhid manhid!." natatawang komento ni Bea. Napailing nalang ako at inayos muli ang buhok ko sa pagkakapuyod.
"Hindi ako manhid, Bea. Wala lang talaga akong time sa ganiyan. Alam mo naman ang sitwasyon ko kasama sila tita. Kelangan kong magbanat ng buto para makapag padala ako ng pera sa kanila." kalmado kong kwento. Lumapit naman sila sa akin habang nag bubutones ng mga uniporme nila.
"Bakit ba kasi pinagtitiisan mo parin yang matapobre mong tiyahin at mga pinsan? Mga mukhang pera naman!." galit na saad ni Bea.
"Sila ang nag palaki sa akin, Bea. Hindi naman pwedeng kalimutan ko nalang sila ng ganun ganun nalang. At tsaka okay lang naman, ayoko ring magalit sila sa akin." naka ngiti kong sagot. Sila nalang ang meron ako kaya ayokong mawala pa ito.
"Minsan ang kabaitan medyo bawasan ah? Ynabells, wag na magbulag bulagan." malungkot na komento ni Jack kaya natawa ako.
"Tara nga, group huuugggg!!," nagyakapan kaming tatlo at napuno ng aming tawanan ang dorm.
Magkasama kami ni Jack na naglilinis ng rooftop at ng swimming pool dito. Gusto ko rin kasing maka Kwentuhan ng matagal ang kaibigan ko habang nag ta trabaho. Para mapabilis narin ang oras.
"Kelan mo ba balak mag padala ng pera? Sa tingin mo ba kasya yan?." biglaang tanong ni Jack habang kinukuskos ang gilid ng swimming pool.
Napaisip ako. Dalawang libo lang kada kinsenas ang sweldo ko. Kaya ko naman sigurong pakainin ang sarili ko sa limang daan hanggang sa umabot uli ang kinsenas hindi ba? Bahala na.
"Kasya to Jack. Wala naman akong gustong bilhin bilang pang sariling luho." sagot ko at umupo sa gilid niya habang nakatingin sa malayo.
"Hay nako, ynabells. Kaming dalawa ni Bea may cellphone na. Ikaw mag eend of the world na, wala parin!." asar niya kaya natawa ako habang hinahampas ang likod niya.
"O grabe pa manakit! Pag tawa, tawa lang! Wala ng halong hampas! Echusera to." aba inutos ba naman ako.
"Basta. Makakapag intay naman ang cellphone kaya baka sa 13th month pay ko nalang kunin ang pambili ng cellphone ko." sagot ko.
"No chatting while working, Jack and Yna." napapitlag agad ako sa boses na 'yon at mabilis na kinuha ang mop ko. Uh-oh.
Umupo siya sa may bench at nakatingin sa malayo. Teka, wala ba tong trabaho ngayon? Imbis na pakealamanan ko siya ay nag patuloy nalang ako sa pagma mop ng tiles dito.
"Jack, can you get me a glass of water?." rinig kong utos niya.
"Yes sir." nagmadaling bumaba si Jack para kumuha ng tubig ni Lyle. Jusko, naiwan nanaman kami ditong dalawa. Hangga't kaya kong hindi siya lingunin ay sinisikap ko. Naiilang talaga ako.
BINABASA MO ANG
His Sex Corporation
RomanceYna thinks that he is just playing his game. Sa laro ng pagibig, ay talo ka kung hindi ka marunong. Hindi niya sineryoso, wala siyang ibang pinaniwalaan kundi ang katagang "Laro ito. At hindi siya nagse seryoso." Paano ngayon mapipigilan ni Yna ang...