Chapter 19
"Excuse me..." paalam ko ng mag ring ang telepono ko.
Lumabas ako sa may veranda at iniwan kong nagku kwentuhan ang dalawang lalaki. Mabuti nga't humupa ang medyo madilim na awra ni Miguel kay Joel eh, atlis mukhang nagkapalagayan na silang dalawa ng loob.
(It's already 1am, and you're still out!) Salubong niya agad ng sagutin ko ang tawag niya.
"Nasa bahay ako ng pinsan, Paolo. Sasama siya sa akin pabalik ng Manila. Pasensya na."
(Ano ba kasing ginagawa mo diyan? Do you want me to go there? Sabay na tayong bumalik dito.)
"Hindi na. Magpahinga ka nalang diyan...."
(Paano ako makakapahinga kung tawag ng tawag si Lyle. He's driving me nuts! Para ka namang nawala na ng tuluyan!)
"Ako na bahala sa kaniya, Pao. Salamat ulit...."
(You sure you don't want me to go there?)
"Yeah..."
(Okay then, matutulog na ako. Ingat kayo ni Joel, okay?)
"Oo. Good night."
Pagkababa ko ng tawag niya ay number naman ni Lyle ang tinawagan ko. Gising pa kaya siya ng ganitong oras? Kamusta kaya siya? Sila ng mama at tito niya? Wala kayang kinuwento sa kaniya ang mama niya?
(Excuse me lang tito...) rinig ko sa kabilang linya. Umupo ako sa may veranda at huminga sa malamig na hangin habang iniintay siyang mag salita muli.
(Yna? Still there?)
"Bat gising ka pa?." kalmado kong tanong. Ayoko munang isipin ang conflict sa gitna naming dalawa, though alam ko namang wala kaming label, ayoko lang.
(Naguusap pa kami ni tito. Ikaw? Can I sleep on your condo? I miss you....)
"M-masama pa kasi pakiramdam ko, Lyle...Magkita nalang tayo bukas, gusto mo?." But as long as I can hide the conflict, I'll do it.
(I see. Sige, saan ba? Text mo nalang ako. Why are you still up? Kamusta na pakiramdam mo?)
"Medyo okay na....K-kamusta? Kayo ng tito mo....ng mama mo?." pero talagang traydor ang bibig ko! Tinatraydor niya ako!
(We're okay, why? I heard you knew my mom before. Saan kayo nagkakilala?) at eto na nga ang iniiwasan kong tanong. Lagot na! Anong sasabihin ko!
"Hala, Lyle!." agad kong nilihis ang tinanong niya para mag alala siya sa akin.
(Why? Why? What happened? Yna?) At buti nalang ay kumagat siya.
"Wala akala ko may ipis eh....inaantok na ako." nagkunwari pa akong humikab para mahulog siya sa patibong ko. Sana lang talaga gumana.
(I was waiting for your call or text the whole day but...it's okay. You sleep now. I'll just see you tomorrow.)
"Text nalang kita bukas."
(Hm yeah. Good night. Sleep well.)
"Okay...." ibinaba ko agad ang tawag at huminga ng malalim.
Nagagawa ko ng magsinungaling. Nagsisinungaling na ako. Ayokong magalit siya sa mama niya kung sakali at magkaroon ng mas malalim na hindi pagkaka intindihan sa gitna naming tatlo. Ayoko ng ganon.
Bahala na nga. Pagbalik ko nalang ng Manila, po problemahin ito.
Mag a alas tres ng madaling araw na mag desisyon silang dalawa na bumalik ng Manila. Akala ko nga matutulog si Joel pero ang sigla sigla pa niya. Mukha ngang nagka sundo na silang dalawa ni Miguel.
BINABASA MO ANG
His Sex Corporation
Roman d'amourYna thinks that he is just playing his game. Sa laro ng pagibig, ay talo ka kung hindi ka marunong. Hindi niya sineryoso, wala siyang ibang pinaniwalaan kundi ang katagang "Laro ito. At hindi siya nagse seryoso." Paano ngayon mapipigilan ni Yna ang...