WakasAnd there I saw her on her gown. She's walking with tears on her eyes. Gusto kong sunduin siya sa gitna ng isle at punasan muna ang mga luhang bumabagtas sa kaniyang pisngi. I wanna hug her so tight.
Sa wakas, akin na talaga ang babaeng minsan ko ng pinangarap.
Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang kaniyang malambot at mainit na kamay. What do I have to deserve something like this? To deserve something like her? To deserve a Yna Villamonte?
"Stop crying..." bulong ko at tinulungan ko siyang maka upo sa harap ng altar. Saglit kong hinimas ang kaniyang tiyan at tumingin narin sa paring iniintay lang ang pagiging handa namin.
Hindi ako makapag concentrate sa buong sermon niya sa harap namin. I'm so busy looking at my wife's face. Siya na talaga. Lord, siya na po talaga ang babaeng para sa akin, salamat po.
Tinitigan ko siya at ng lingunin niya ako ay mahina niyang hinampas ang aking braso.
"Excuse me? Are you still here?." pabirong tanong ng pari ng mapansin ang pag lalambingan namin sa harap.
Tumawa ako at nilingon ang mga nakaupo.
"I'm sorry. Ang ganda lang kasi talaga ng mapapangasawa ko." at kasunod nun ay nag tawanan sila.
"Sabihin mo, hindi ka na makapag hintay sa honeymoon!." sigaw naman ni Paolo.
Nagtawanang muli ang mga nanunuod at nag peace sign lang si Paolo ng mapansing sinamaan ko siya ng tingin. Nawal nga sa isip ko ang honeymoon, ipapa alala naman netong ugok na to!
"Antay ka! Sisiguraduhin kong hindi ikaw ang susunod na ikakasal!." biro ko at humarap na sa pari.
Hindi mawala ang ngiti sa mukha ko sa buong seremonya. Sobrang saya ko. Isipin mo, 2in1 na ako! May maganda na akong asawa may anak pang coming soon! Takte, napaka swerte ko naman oh!
Sa lahat ng pinagdaanan namin ay dito parin kami nagtapos. Sa lahat ng iwanan, away, selosan at problema, sa harap ng altar parin ang diretso namin. Should I call it the start of forever? Because, there is no reason I would let her go.
Ngayong naka tali na talaga siya sakin ay hindi ko na luluwagan ang pagkaka higpit nito. Akin ka lang, Yna. Sa susunod nating buhay sisiguraduhin kong akin ka parin.
"You may now kiss the bride..." ana ng pari.
Humarap ako sa kaniya at itinaas ang kaniyang belo. Hinawakan kong mahigpit muna ang mga kamay niya at pinunasan ang naglandas na luha mula sa mata niya.
"I will love you, tomorrow, the next day, everyday, and forever. Etong sinumpaan natin sa harap ng diyos ay habang buhay ko 'tong papanindigan. I will always be faithful and loyal to you and to our son, and for our future kids. I will be a good husband and a good father. Trust me, my wife. I'll be the best man in the world." kasabay ng pagtatawanan at hiyawan ay ang pagluha nanaman ng napaka gandang babaeng nasa harap ko.
Ngumiti ako at pinunasan ulit 'yon.
"I trust you with all my heart and soul. Hindi man naging maganda ang takbo ng tadhana sating dalawa because of our family's past, I know....Somewhere in between us will clean this and create more love. I know, you'll be the best man, because today, you already are. I love you, Lyle. I love you." ana niya.
Sinalubong ko na siya ng halik bago pa siya maka iyak. Nagpalakpakan ang mga tao at kasabay nun ang pagbitiw ko sa halik at ang kaniyang tiyan naman ang aking hinalikan.
BINABASA MO ANG
His Sex Corporation
Roman d'amourYna thinks that he is just playing his game. Sa laro ng pagibig, ay talo ka kung hindi ka marunong. Hindi niya sineryoso, wala siyang ibang pinaniwalaan kundi ang katagang "Laro ito. At hindi siya nagse seryoso." Paano ngayon mapipigilan ni Yna ang...