Chapter 5

3.5K 63 0
                                    


Chapter 5

Nagkakatuwaan sila at inabot na nga kami ng alas tres ng hapon dito. Ang sabi ko isang oras lang ang break ko pero natagalan ako dahil sa pagdating ng mga lalaking to. Jusko, buti nalang din at nandito ang boss ko dahil ayokong mapagalitan.

Biglang nag ring ang cellphone ni Sir Hans at nag excuse siya saglit bago sagutin ang tawag sa harap ko. Uminom ulit ako ng tubig sa basong inabot sa akin dahil medyo nahihiya parin ako, usapang mayayaman to, paano ako nasali dito.

"Yes, Veronica? What!? Okay...Bakit hindi kasi agad na report sa akin? Fine...I'll be there in fifteen minutes." ibinaba niya ang tawag at tumingin sa akin.

"Sige po sir. Kung mahalaga po yan, kaya ko naman pong bumalik sa hotel ng magisa." nakangiti kong tugon.

"You go, bro. Ako na maghahatid sa kaniya sa hotel nila Lyle." alok ni Paolo.

"Aren't you busy, Pao? Lyle? Hindi ba doon din naman ang diretso mo?." tanong ni Sir Hans dahilan para mapatingin ako sa kaniyang nainom ng juice. Hindi ako umaasang ihahatid niya ako, ang sa akin lang ayoko ng maabala pa ito si Paolo.

"I have a date with one of the models. I'm busy." seryoso nitong sagot.

"Ako na nga lang. Hindi naman ako busy." alok muli ni Pao kaya napatango nalang ako.

"Is that so? I'll get going na. Yna, i'm really sorry. Bawi nalang ako next time." nang tumayo siya ay tumayo narin ako para mag paalam.

"Salamat po sir. Ingat ka po." at doon tumakbo na siya palabas ng restau. Napalingon ako kay Paolo na nag susuot na ng leather jacket niya at nakatayo.

"Aalis...na ba tayo?." taka kong tanong. May kung ano sa akin na ayaw pa umalis. Pabaliw nanaman ako.

"Yup. Lyle's quite mad because you only have an hour to eat, it's been two hours, Yna." bulong neto kaya napatakip ako ng bibig. Pati oras ng break ko, alam niya at sinasabi pa niya sa kaibigan niya!? Wah.

"S-sige na nga tara na." nauna akong lumabas at ngumiti nalang sa kasama pa nilang isang tahimik at hindi ako nagpaalam kay lyle. Papagalitan niya rin naman ako kaya susulitin ko na mamaya sa hotel.

Mukhang nagpaalam pa siya ng medyo matagal tagal kasi inintay ko pa siya ng ilang minuto sa may pintuan ng restaurant. Nang nakita ko siyang lumabas ay didiretso na sana ako ng mapalingon ulit ako sa likod niya.

Mukhang uuwi narin ang dalawang to. May date pa naman daw tong babaero kong amo. Kaya wala na akong pake sa kaniya. Siya nga ang dapat pagalitan, kasi oras ng trabaho, lumalandi siya!

Naghiwa hiwalay na kami ng daan at sumunod lang ako kay Paolo na pinagbuksan pa ako ng pintuan. Susme, nakakahiya. Hindi naman ako ganun ka elegante para pagbuksan ng pinto. Isinuot ko ang seat belt ko at inintay siyang makapasok sa sasakyan niya.

"Salamat nga pala, Paolo. Hayaan mong bumawi nalang ako next time." nakangiti kong sambit ng makapasok siya sa sasakyan.

"Sure. How about a dinner tomorrow?." alok niya at pina andar na ang sasakyan.

"Bukas po agad? Hindi ko po ata sure." nakayuko kong sagot. Bukas na bukas agad? Edi wala na akong natapos na trabaho neto. Puro kain sa labas ang inaatupag ko. Hindi kaya bawasan ni Lyle ang sweldo kong dalawang libo?

"I see. Can I have your digits? Para i text mo nalang ako kung kailan ka free." napakagat ako ng labi ko ng ma realize kong wala akong phone. Nakakahiya.

"A-ah kasi...wala akong phone." halos pabulong ko ng sinabi dahil sa hiya.

"Ganun ba. Edi pwede naman sigurong puntahan nalang kita sa hotel ni Lyle? If that's okay with you." mahilig ba talagang sumabay ng kain ang mga mayayaman sa mga janitress? pansin ko lang ha, nakakaloka.

His Sex CorporationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon