Chapter 20
Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa damit niya at ngumisi. Naginit ang mukha ko at agad agad akong nahiya sa ginawa ko. Natatakot ako dahil kaharap ko siya at walang ibang tao rito.
"S-sorry po...hindi ko po kasi kayo nakita." sabi ko agad at yumuko.
"Galing dito ang anak ko, hindi ba? Bakit? Ano ba ang relasyon niyo at pumupunta pa siya dito?." may halong pang aasar ang boses niya kaya lalo akong kinilabutan. Hindi ako ang pinunta niya rito, anak niya.
"Hindi ko po alam, Councillor." sagot ko.
"It's glad that you're still calling me that after a decade. Kamusta ba? Namiss mo ba ang mukha ni Councillor after the incident?." mapanloko ang mga ngiti niya at pakiramdam ko ay nagalit ang sistema sa loob ng katawan ko.
Unti unting nagtubig ang mga mata ko ng tingnan siya ng matalim.
"Pinilit kong kalimutan ang araw na 'yun, Councillor. Kaya pakiusap kalimutan mo narin 'yun." banta ko.
Pinatay niya ang magulang ko. Nandun siya sa ospital nung mga oras na dineklarang wala ng buhay si mama at si papa. Sariwang sariwa parin ang ala alang 'yun, yung mukha niya, yung mga ngiti niya, at....yung presensya niya nung oras na yun.
"Hindi ganun kadali kalimutan ang pagtataksil, Katarina!." bulyaw niya. Ang mapangasar niyang mukha ay biglang nagalit.
Pinantayan ko ang tingin niya. Galit sa galit.
"Hindi rin ganun kadali ang mawalan ng magulang!." bulyaw ko pabalik. Umangat ang gilid ng labi niya at mas lumapit pa sa akin, kada hakbang niya papalapit ay hakbang ko pa atras.
"Tama lang yun sayo. Taksil ang tatay mo, at makapit sa patalim ang nanay mong malandi! Bakit!? Kasi dukha siya!." dahil sa sinabi niyang 'yon ay bumuhos ang luhang kanina pa naka abang.
Sumampal ang katotohanang nagtaksil si papa, at si mama ay kumapit naman. Pero wala sa akin yun! Mahal nila ang isa't isa! Minahal nila ako bilang nagiisang anak nila! Na kay Councillor na yun kung anong ginawa niya at pinag palit siya ni papa!
"Layuan mo ang anak ko! Ayokong maloko lang siya katulad ko! Hindi mo deserve ang anak ko, kaya layuan mo siya! Mababang tao ka lang, sobrang taas namin kaya hihilain mo lang pababa ang anak ko!." sunod niya pang sinabi.
Yumuko ako at lalong humagulgol.
"Tatantanan kita kung titigilan mo rin ang anak ko. Kung hindi baka magaya ka sa magulang mong demonyo!," Sigaw niya.
Na ambush ang sinasakyang kotse nila mama at papa. Walang ibang nakaka alam kung sino ang suspect kundi ako at si Miguel lang. Masyado pa kaming bata noon at malakas silang pamilya.
Nanahimik kami ng maraming taon dahil wala kaming ka laban laban. Pero ngayong may karapatan na kami ay bigla naman akong umatras. Bakit?
Si Lyle.
"Lyle has a great future. Ayokong masira yun dahil sa isang dukhang katulad mo. Bakit ka nag mo model? Para matakpan ang katotohanang mahirap kang tao!?." punong puno ng galit ang boses niya.
Wala akong magawa kundi ang umiyak. Ganito ako kahina.
"Tama na......" bulong ko.
"Sa ibang mayaman ka nalang kumapit. Wag sa anak ko, pakiusap. Gusto ko siyang magkaroon ng magandang buhay." bulong niya.
"Tama na po...." sabi ko sa gitna ng aking hagulgol.
Sobrang sakit na. Ang sakit sakit na.
Wala na akong narinig sa kasunod at nakita ko nalang ang palayo niyang lakad sa akin. Nanghina ako ng sobra. Bakit walang taong dumaan? Bakit walang tumulong sa akin? Nasaan na ang mga taong inaasahan ko.
BINABASA MO ANG
His Sex Corporation
RomanceYna thinks that he is just playing his game. Sa laro ng pagibig, ay talo ka kung hindi ka marunong. Hindi niya sineryoso, wala siyang ibang pinaniwalaan kundi ang katagang "Laro ito. At hindi siya nagse seryoso." Paano ngayon mapipigilan ni Yna ang...