Chapter 28

1.8K 46 4
                                    


Chapter 28




Sinuklian ko ng ngiti ang mga ngumingiting kano sa akin. Mapa babae o lalaki. Sumimsim ako sa kape ko habang pinapanood ang mga tao sa labas ng coffee shop.

May mga nagmamadali, may mga nag eenjoy sa mabagal na lakad. May mga may kausap sa telepono, meron ring mga magkakasintahan. Halo halo ang tao rito, siguro nasanay na sila dahil dito sila nakatira.

"Am I late?." nakaramdam ako ng halik sa pisngi ko kaya napalingon agad ako.

Umupo siya sa harap ko at may ibinigay na maliit na box. Inayos ko ang buhok kong medyo humaharang na sa buhok ko at tiningnan lamang ang box na itinulak niya palapit sa akin.

"Ano naman to?." tanong ko at tiningnan ang box.

Pandora

"A gift?." natatawa niyang sagot. Nang binuksan ko 'to ay halos manlaki ang mga mata ko.

Napatakip ako sa bibig ko ng makita ang laman nito. Singsing.

"I'm not asking you for marriage yet. I just want you to get ready." naka ngisi niyang sinabi sa akin at isinuot ang singsing sa aking daliri.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.

I'm not asking for material things. I'm just asking for love and care, Marcus. This is too much.

"Marcus, this is too much.." hindi ko makapaniwalang sambit.

Umiling siya at hinalikan ang kamay kong suot suot ang singsing ng binili niya.

"You deserve everything in this world, Yna." ani ya. Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin, doon mabilis niya akong hinalikan at wala akong rason para tanggihan 'yon.

Marcus became a great companion.





"Babalik ka daw sa Pinas?." tanong ko.

Hawak hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami pabalik sa apartment. Sinabihan ko siyang wag magdala ng sasakyan para mahaba haba naman ang oras namin ngayon.

"Oo eh. May biglaang magandang offer. Why? Ayaw mo ba?." asar niya.

He's always busy. Weekends lang kami nakakapag kita. Puro siya gawa ng blueprint at drafts tapos pinapadala niya sa Pilipinas. Sinabihan ko siya one time na umuwi na muna para hindi mahirapan pero matigas ang ulo niya.

"Just do it, Marc. Hindi naman ako ang kumokontrol sa buhay mo." saad ko.

Inakbayan niya ako at huminga ng malalim.

"I'm giving you the right, baby. Girlfriend kaya kita." sabi niya. Ngumiti ako at tinusok ang tagiliran niya.

"Sus. Parang kahapon lang may kausap kang babae sa phone mo!." biro ko sa kaniya.

"That was my co-architect, baby. At tsaka, aren't we tied up already? Tignan mo nagpropose na ako sayo oh." saad niya at humarap sa akin.

Tumingkayad ako at dahan dahang hinalikan sa labi si Marcus.

"I'm just kidding." ngiti ko. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang ulo ko.

"Next week na ang uwi niyo, ayaw mo bang sumabay nalang sakin?." sabi niya. Ngumuso ako at umiling.

"May tatapusin pa si Miguel eh. Ayoko namang iwan siya dito." malungkot kong sagot.

Miguel also started doing business here for 5 months. Magaganda ang offer sa kaniya pero sabi niya last na daw 'tong ngayong wek tapos uuwi na kami sa Pilipinas. It's been a year narin kasi.

His Sex CorporationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon