Chapter 22Agad akong itinago ni Lyle sa likod niya ng parang bata. Hindi agad ako naka angal dahil sa lapad at laki nito. Ano nga namang palag ko hindi ba? Tiningnan ko ang kuryosong mga tingin ni Bea at Jack sa amin.
Anong nangyayari?
"Woah, cous. Hindi si Yna ang pinunta ko rito, don't worry." sabi niya at tumawa. Teka, kung hindi ako? Edi....
"Whatever, Hans. You're not allowed to talk to her when I'm here!." hinampas ko ang likod niya at nagtawanan sila.
Umupo kami sa lamesa namin at inilagay ang mga pagkaing binili. Mukha nanaman tuloy fiesta dito sa dorm. Nagyakapan kami nila Jack at Bea habang yung dalawang mag pinsan naman ay may sinabi sa isa't isa.
"Na excite kami agad nung nag text ka!." sabi ni Bea.
"Namiss ko kasi talaga kayoooo." sabi ko at yumakap ulit. Nagtawanan kaming tatlo.
"Kayo na pala ni Sir Lyle ha! Ano napatino mo na? Wala ng gurls yan ha?." bulong ni Jack at humagikgik.
Agad kong naalala si Dev bago ako pumasok sa opisina niya kanina. Nabuo nanaman ang mga tanong sa utak ko. Bakit? Bakit siya nandun?! Bakit nung pumasok ako mukhang ang bigat bigat ng problema ni Lyle? Anong sinabi niya?
"T-tara! Kain na tayo!." masigla kong yaya para malayo sa topic namin. Jack and Bea just frowned.
Pagkatapos naming kumain ay bumili pala ng canned beers to si Lyle! Binigyan niya si Hans, Bea at Jack nito pero pag dating sa akin.
"You danced with another guy last night so no beers for you." bulong niya. Ngumuso na lamang ako at pinanood silang buksan ang canned beer at uminom.
Nakalagay ang braso ni Lyle paikot sa balikat ko habang umiinom. Para bang pinapa kita niyang may nag mamayari na sa akin. Panay lamang ang ngising aso ng dalawa na hindi naman mawawala sa natur nila.
Maya maya ay tinapat niya sa akin ang iniinom niyang beer. Tiningnan ko siya at tumango lamang ito. Kinuha ko 'yon at uminom narin doon. Indirect kiss kumabaga. Mahina siyang tumawa.
Inubos ko ang isang canned beer at nag aalon na agad ang paningin ko.
"We're going home. Hans, Bea, and Jack, thank's for the chill." ani ya. Nang tumayo siya bitbit ang kamay ko ay napatayo narin ako. Nag sign ako ng bye sa kanilang tatlo at sumunod na kay Lyle na lumabas.
Umaalon ang paningin ko sa isang beer lang? Grabe!
"You should just drink with me. Ang bilis mong malasing." naramdaman ko ang braso niya sa bewang ko at inalalayan ako.
"Hindi ako lasing. Nahihilo lang." pagtatama ko at tumawa. Naramdaman kong ipinasok niya ako sa kotse niya at isinara ang pinto.
Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang mainit na kamay sa hita ko.
"Don't you dare get drunk with another guy, Yna. Hindi pwede." sabi niya. Umiling ako at wala sa sariling tumawa.
"Bakit naman?."
"Is that even a question? They might harm you or else they'll rape you!." tumaas na ang boses niya.
"Okay lang 'yan....." sagot ko at hinawakan ang kamay niyang naka dantay sa hita ko. Pinisil pisil ko 'to.
"What's okay with that!? Are you crazy? Babae ka at isang lalaki lang ang pwedeng makagalaw sayo!." ngayon ay mukhang nagalit ko na siya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
His Sex Corporation
RomansaYna thinks that he is just playing his game. Sa laro ng pagibig, ay talo ka kung hindi ka marunong. Hindi niya sineryoso, wala siyang ibang pinaniwalaan kundi ang katagang "Laro ito. At hindi siya nagse seryoso." Paano ngayon mapipigilan ni Yna ang...