Chapter 21

2.2K 54 0
                                    


Chapter 21

"Give me back my boxers...." utos niya. Tumawa lang ako at nang mapansin ang pamumula ng mukha niya at ibinalik ko na ito. Siguro ilang minuto rin kaming nag aagawan sa boxer niya.

"Babalik na ako sa loob. Baka hinahanap na ako dun." sabi ko at sinubukang buksan ang pintuan pero naka lock ito.

Inirapan niya ako habang sinusuot ang belt niya. Wow.

Hinahanap na kaya ako? Wala naman kasing text o tawag, hindi kaya galit siya? Sinabi kaya ni Marcus na may naglabas sa akin na ibang lalaki? Paano kung nalaman ni Miguel? Jusko....

"I'll escort you inside. Titingnan ko kung saan ka." sabi niya at binuksan na ang pintuan. Inalalayan niya akong makababa at hinawakan ang kamay ko papasok sa loob ng bar.

Mahigpit ang pagkakahawak niya rito at mukhang kada may mapapadaan na lalaki ay mapapa away pa siya. Masyado siyang ma angas jusko.

Na kita ko ang table nila Miguel at doon busy siya sa pakikipag tawanan sa mga kaibigan niya. Si Marcus naman mukhang tipsy na, medyo sabog na ang itsura niya. Binitawan ni Lyle ang kamay ko at mabilis na humalik sa labi ko.

"Call me." sabi niya. Tumango ako at tumakbo papalapit sa table.

Napatingin sa akin si Miguel at tinapik ang tabing upuan niya, umupo naman ako. Hindi niya ako napansin na nawala halos isang oras? Nakakahiya kapag sinabi ni Marcus na sumama ako kay Lyle.

Inangat ko ang tingin ko kay Marcus na tahimik na umiinom ng alak habang nakapako ang tingin sa akin. Nakakailang. Hinagilap naman ng mata ko si Lyle na naka pirmi sa bar stool at nainom habang naka titig rin sa akin.

Sobrang nakakailang!

"O sya, uuwi na kami! Tawag nalang mga pre! Tara na..." niyaya na ako ni Miguel na timayo at sumunod naman ako. Nginitian ko ang mga kaibigan niya pati narin si Marcus na tahimik paring umiinom.

Palabas na kami ng lingunin ko ang bar stool kung saan nakaupo kanina si Lyle. Wala na siya roon.

Saan naman yun nagpunta?

Habang pauwi ay napatingin ako sa side mirror ng sasakyan ni Miguel. Nanliit ang mata ko ng ma spot-an ang kotse niyang nakasunod lang sa likod namin! Naalala ko tuloy bigla na may ginawa kami sa loob ng kotse niya!

"How was Marcus? Naging okay ba?." tanong bigla ni Miguel. Napaayos ako ng upo.

"Ah oo okay naman...." sumulyap ulit ako sa side mirror.

"He's a good man. Tito niya ang may ari ng bar na yun. May family owned islands sila dito at tsaka sa Germany, 'yun ang business nila." napatango nalang ako at nakatitig parin sa side mirror.

I mean, paanong si Marcus ang pinaguusapan namin pero itong si Lyle ang nasa isip ko!

"I'll just give him your number so that you two can go out for dinner sometimes." ani ya.  Wala sa sarili akong tumango.

Hindi talaga ako mapakali dahil nasa likod lang namin si Lyle! Jusko bat ba siya nakasunod!




Nang makarating kami sa parking lot ng condo ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Hindi na siya sumunod, baka magpang abot pa sila ni Miguel dito. Mahirap na, parehas na naka inom to.

Umakyat na kami sa unit ko at diretsong nagpahinga.

Bukas dadaanan ko muna si Paolo dahil hindi ko na siya nakikita, tapos sa pupuntahan ko si Jack at Bea dahil miss na miss ko narin sila!

His Sex CorporationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon