Chapter 6

3.1K 68 2
                                    


Chapter 6



"Did you two make out!? You're no longer virgin because of this man who betrays you!? Is that true!?." Sigaw niya, hindi maalis sa mukha ko ang pagkagulat. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

At anong akala niya !? Ganun akong klaseng babae!?

"S-sir na misunderstand mo lang po. Hindi po ako! Kaibigan ko po!." depensa ko at napakunot ang noo niya.

"S-sir Lyle, pasensya na po. H-h-hindi po si Yna, ako po." hinila ako ni Bea at ipinuwesto sa likod niya.

"Gago ka!." At dahil naka tuon ang atensyon niya sa akin ay hindi niya napansin ang pag ganti ng lalaki. Nasalo ng panga niya ang suntok galing sa boyfriend ni Bea at lalo akong nagulat.

"Omg! Si Sir Lyle!." sigaw ni Jack na kunwari ay nag aalala pero kinikilig lang.

"Sis, tingnan mo ha. Handa ka niyang ipaglaban oh!." bulong niya sa akin pero hindi ko siya pinansin.

Nakita ko aamba pa ng suntok si Lyle kaya mabilis akong tumakbo at niyakap siya ng mahigpit habang madiin ang pagkakapikit. Nahihiya ako sa sarili kong ginawang eskandlo, jusko. Nadamay pa ang boss ko.

"You fucking get out of my face!." sigaw niya sa boyfriend ni Bea. Itinaas ko ang tingin ko sa kaniya at nakita kong dumudugo ang gilid ng labi niya. Ang dilim ng mga tingin niya, para bang papatay siya.

"And you." hinablot niya ang braso ko at napangiwi agad ako sa sakit. Ang higpit ng pagkakahawak niya.

"Who told you to make a ruckus while you're on your uniform? Goddamn it, you're carrying our company name!." sigaw niya at doon ko lang na realize na oo nga. Kaya niya siguro ako pinigilan.

Napayuko at unti unting nangilid ang luha sa mga mata.

"Gusto ko lang naman tulungan ang kaibigan ko..." bulong ko at hindi ko na napigilan ang paghikbi.

Narinig ko ang matigas niyang mura bago ako hinila. Huling nilingon ko si Bea at si Jack ay nakangising aso pa sila. Jusko, wala silang balak i rescue ako bilang kaibigan nila. Ibinalik ko ang tingin ko sa daan na tinatahak namin ni Lyle.

"S-san tayo?," Nahihikbi kong tanong.

"Condo." seryoso niyang sagot at pinatunog ang maliit na makinis niyang sasakyan. BMW i8.

Condo? Eto na ba yung sinasabi ni Jack na yayayain ako!? HINDI PWEDE!!

Umikot siya sa sasakyan niya at walang gana kong binuksan ang pintuan. Galit siya o wala talaga siyang ka gentleman gentleman sa dugo? Magkaibang magkaiba sila ni Sir Hans.

Tahimik akong umupo at nakapatong ang mga kamay sa tuhod ko para hindi madumihan ang mamahalin niyang sasakyan. Ayokong isang araw mag demand tong babaero na to linisin ko narin ang sasakyan niya.

Binuksan na niya ang sasakyan pero hindi niya ito pina andar. Napa ngiwi siya sa sugat na natamo niya dahil sa gulong yun.

"S-sorry po sir." nahihiya kong lintanya. Napa 'tss' lang siya at nagsimula ng paandarin ang sasakyan.

Nagpark kami sa basement ng isang condo hotel at hanggang sa makarating kami sa unit niya ay kinakaladkad niya ako. Ayokong mag reklamo kasi ako ang dahilan kaya nagkasugat siya, pero teka nga....

"You better treat this mess in my face." sisi niya sa akin at inilapag ang first aid box sa harap ko.

"Bakit ba kasi andun ka at nakisali ka?." hindi ko na napigilan ang sarili sa pag sisi sa kaniya. Kung hindi naman siya nakisali, hindi siya magkakasugat!

His Sex CorporationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon