Chapter 7Binuksan niya ang pintuan para makapasok ako. Sobrang nahihiya na ako pero wala kasi akong choice. Hindi naman pwedeng lakarin ko pauwi doon sa hotel, baka abutin ako ng 2018 dito. Naka v neck na plain white shirt si Paolo at napaisip tuloy ako kung nagta trabaho kaya siya?
Pinatay niya ang malakas na music sa sasakyan niya at ibinaling ang atensyon sa akin.
"I'm glad, I found you. Damn him, inipit niya pa ang Mercedes kong sasakyan para sayo?." natatawa nitong saad. Napakunot ang noo ko at bago pa ako makapag tanong ay inilapat niya ang telepono niya sa kaniyang tenga.
Kelan kaya ako makakabili ng cellphone ko?
"I got her so let my Mercedes go! You're so unbelievable, dude." saad nito sa kausap sa telepono. Hindi nalang ako nakialam at ipinahinga ang ulo ko sa sandalan.
Napagod rin ako kakalakad lakad at nagugutom na talaga ako.
Napadilat ako ng paandarin niya ang kaniyang sasakyan at hindi na muling nagsalita. Naka tuon ang atensyon ko sa magagandang ilaw sa daan at medyo nabawasan ang pananakit ng tiyan ko dahil dito.
"Enjoying the lights?." pagsira niya sa katahimikan. Tumango tango ako habang pinapanuod ang pag papalit ng kulay ng mga to.
"That's symphony of lights. Ngayon mo lang nakita yan?." tanong niyang muli.
"Opo." kalmado kong sagot habang nakatitig parin sa mga ilaw, narinig ko ang mahinang pag tawa ng kasama ko at hindi ko na pinansin.
Kung kasama ko kaya ang magulang ko ay mag eenjoy kaming tatlo dito? Panigurado si mama matutuwa, mahilig siya sa mga ilaw. Nung pangpitong beses kong nag pasko dito sa mundo, bumili si papa ng malaking Christmas light at magdamag na tinititigan ni mama 'yon.
Bakit kaya hindi manlang sila gumawa ng kapatid ko?
"Kain muna tayo before I send you to Lyle's hotel. Gutom narin kasi ako." nabuhayan ako ng dugo at umayos ng upo. Tumango tango ulit ako dahil natutuwa ako sa napaka gandang ideya niya.
"Are you okay? Tahimik ka ata." pagpuna nito.
"Ah..haha..okay lang ako. Napagod lang kakalakad." sagot ko at napatingin siya sa akin saglit ng may hindi siguradong ekspresyon at ibinalik ang atensyon sa daan. Baka ma aksidente pa kami.
Nakarating kami sa isang Filipino Cuisine Restaurant sa may Alabang. Nagulat pa nga ako kasi may alam pala siya sa pagkaing Pinoy. Akala ko puro foreigh dishes ang kinakain niya pero hindi pala. Nakakatuwa at the same time.
"Do you really settle on being Ashford's Group of Hotels maid?." tanong niya bigla ng maka alis ang waiter na kinuha ang order namin.
"Wala naman po akong ibang choice." sagot ko. Nakapangalumbaba siya at halatang interesado sa pinag uusapan namin.
"You have many choices, dummy. You're beautiful and sexy, might as well get involved in modeling. What do you say?." proud niyang suggest. Ako model? Hah. Hindi nga ako makaharap sa mga guest, sa harap pa kaya ng maraming tao, at camera?
"Ayoko naman pong mapahiya, Sir Paolo." naka ngiti kong sagot.
"Oh, cut the formalities, Yna. Hindi mo naman ako boss." sabay tawa niya. "I can offer you a good price if you endorse our company." suggest niyang muli na nakapag paning ning ng mata ko.
Good price? Ibig sabihin malaking pera?
"Anong company?." wala naman sigurong masama kung pagiisipan ko hindi ba?
BINABASA MO ANG
His Sex Corporation
Roman d'amourYna thinks that he is just playing his game. Sa laro ng pagibig, ay talo ka kung hindi ka marunong. Hindi niya sineryoso, wala siyang ibang pinaniwalaan kundi ang katagang "Laro ito. At hindi siya nagse seryoso." Paano ngayon mapipigilan ni Yna ang...