Chapter 37"Ashford!? How are you related to Merina Ashford?." nagulat ako sa biglaang tanong niya. Natutunugan niya kaya ang nangyayari?
"Miguel, ano ba---!."
"She's my mom..." wala sa ulirat na sagot nito. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Sa tagal ng panahong pinilit kong wag mag tagpo ang landas nila ay bakit ngayon pa! Damn!
"What is this? Did you plan it beforehand?." sigaw ni Miguel.
Agad na nanlaki ang mata ko at pilit na ang isip ng palusot pero hindi nagpa function ang aking utak sa ngayon!
"Miguel!." saway ko.
Parang sinasabi niya na pinlano ko ito dati palang na mapalapit sa anak ni Councillor dahil sa kasalanan niya sa amin. Hindi totoo to! Dati hindi ko talaga alam na anak siya ni Councillor kaya nagulat nalang ako nung ipakilala niya siya as nanay niya.
"What is he saying?." takang tanong ni Lyle.
Shit...
"Yna, tell me. Kaya ba lumapit ka sa anak niya para mas maging maayos ang kaso mo?." ana ni Miguel.
Pakiramdam ko ay namumutla na ako sa kinatatayuan ko. Para bang tinutusta ako ng katotohanan. Na para bang napakalaki ng kasalanan ko at nabuking ako sa harap ng taong 'yon.
"Anong kaso? Damn it! What is it all about!." hinarap ako ni Lyle na kuryosong kuryoso ang mukha.
Nag iwas ako ng tingin at pumikit ng madiin.
"Sabi ko kasi umuwi ka na. Umuwi ka na muna, Lyle. Saka na na tayo mag usap." kalmado kong utos. Tumalikod na ako pero agad siyang humarang sa daanan ko.
"May....dapat ba akong malaman?." talang tanong neto sa kalmadong paraan.
Nagiwas ako ng tingin ng magsimulang mag tubig ang aking mata. Sobrang komplikado na ng sitwasyon.
"You ask your mother about that. Tanungin mo siya kung ano ang ginawa niya at nagdulot 'yon ng pagkasira sa buhay ng mahal mong babae." Kalmado ring utas ni Miguel.
"Let's go, Yna...change your clothes." ana at hinila na ako papasok sa loob ng bahay leaving Lyle dumbfounded.
Nang makapasok ako sa bahay ay doon lang bumagsak ang luhang kanina ko pa kinikimkim. Nanghina ka agad ang tuhod ko sa nangyari. Ganun nalang kabilis ang lahat. Alam kong mawawala na si Lyle sa akin dahil sa malalaman niya ngayong gabi.
"For how long, Yna!!." bulyaw niya.
Hindi ako makasagot. Naninikip ang dibdib ko dahil sa nangyari.
"Ako ang tumayo mong kuya at pamilya nung nawala sila tita at tito pero bakit ngayon ko lang to nalaman?." may bakas na ng sakit ang kaniyang boses.
Mabilis akong yumakap sa kaniya at humagulgol.
"Hindi ko alam....Hindi ko alam nung una na nanay niya pala si Councillor...I'm sorry, Miguel....I'm sorry...." sambit ko habang humahagulgol sa kaniyang dibdib.
Buong gabi ay ayaw tumigil ng luha ko sa pagbuhos. Mukhang nakikisama siya sa akin at nararamdaman ang sakit ko. Nakaupo lang ako sa kama ko habang nakatulala. I'm too broke...I'm forever broke...
Kung sasaya man ako ay panandalian lang 'to. Walang permanenteng kasiyahan sa buhay ko kaya hindi ko alam kung dapat pa ba akong mabuhay. Ayokong mabuhay ng umiiyak nalang palagi.
Ayokong palagi nalang na nagmumukmok sa kwarto. Ayoko na....
Wala ako sa sariling tumayo at binuksan ang first aid box. Tumulo ang mga luha ko ng makaramdam ako ng excitement sa dibdib. Na e excite ba akong mamatay at makasama ang magulang ko? Isang malaking oo ang sagot ko.
Kinuha ko ang isang botelya ng kapsula na gamot at binuksan 'to.
"Kawawa ka naman...." bulong ko sa sarili ko habang ibinubuhos 'to sa aking kamay.
Nang napuno ng kapsula ang aking palad ay bumuhos nanaman ang luha ko. Malakas akong humagulgol at bumagsak sa sahig.
Ito na yun.
Ito na yung naging buhay ko. Magtatapos nalang siya ng ganito....sa ganitong paraan.
Mabilis kong ininom ang mga kapsula at nagdulot pa 'to ng pagkabulon ko. Sapo sapo ko ang aking lalamunan dahil sa hirap nito lunukin, but I managed to drink it all. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang baso ng tubig at uminom.
Unti unti akong nahilo at nakaramdam ng pagkulo ng sikmura. Bumagsak ako sa sahig at kasabay nun ay ang marahas na pagbukas ng pintuan ng kwarto ko. Naramdaman ko ang dalawang braso na bumuhat sa katawan ko habang ako ay naikot na ang paningin at nararamdaman ko ang kung anong likidong lumalabas sa bibig ko.
Wala ako sa sariling ngumiti sa huling sandali....
Sa wakas matatapos na.
BINABASA MO ANG
His Sex Corporation
RomanceYna thinks that he is just playing his game. Sa laro ng pagibig, ay talo ka kung hindi ka marunong. Hindi niya sineryoso, wala siyang ibang pinaniwalaan kundi ang katagang "Laro ito. At hindi siya nagse seryoso." Paano ngayon mapipigilan ni Yna ang...