Chapter 32

1.9K 42 3
                                    


Chapter 32

Hinatid ako ni Marcus at the same time pumupunta siya rito for lunch. Di ko alam kung nakaka abala ba ako pero siya naman kasi ang nag insist.

Kinabukasan ang set up ay ganun parin kaso irereport ko tong mga gawa ko sa kaniya. Kaya ko kaso baka pag tinitigan niya ako ay makalimutan ko na ang lahat ng sasabihin ko!

Kaming dalawa lang rito sa opisina niya at habang inaantay ko siyang maubos ang kape niya ay nakatayo lang ako sa harap. It's just so awkward.

Ibinaba niya ang baso niya at ipinatong ang kamay sa lamesa bago ako sinuri simula ulo hangga't paa.

"Start." utos niya.

Huminga ako ng malalim at inilabas ang isang folder.

"Nevera Hotel and Resorts is the biggest deal this summer. This is located in Bohol, Philippines. Most of the tourists said that this is a nicer resort compared to any city resorts." ipinakita ko ang mga litrato ng nasabing resorts.

Nang magtama ang tingin namin ay agad akong na blangko. He's just staring at me completely! Hindi siya sa papel naka tingin, fuck! Naka kunot ang mga noo niya at para bang galit.

"Uhm...this was established...last uhm...2009..." don't stutter!

"So, do you mean, in the span of 7 years they already became a successful resort?." tanong niya at sa wakas nilapag na niya ang tingin niya sa folder ko.

"Yes sir." I politely answered.

"Okay continue." humilig siya sa kaniyang swivel chair at inilagay ang kamay sa kaniyang tiyan.

There he goes! Nakaka baliw nanaman ang mga tingin niya! Marahan akong pumikit at huminga ng malalim. Tapusin mo na, Yna! Tapusin mo na!

"Nevera Hotel and Resorts holds the widest resort in provincial areas. May mga magagandang resort rin sa Bohol but this is the ideal resort for team building this coming Saturday."

Yes, we are talking about the team building na sinuggest ng higher department. Sa amin na assign ang place kaya eto ang pinag recommend ng mga ka division ko! Malakas naman daw kasi ako kay lyle, naku kung alam niyo lang!

"Hmm...I like the idea but kunwari nag ka problema. Biglaan nalang umalis ang team natin because of an important matter, example we book for 3 days and 2 nights. What will happen to the remaining days?." tanong niya habang hindi inaalis ang tingin sa suot kong maiksi.

Shit.

Ibinaba ko ang pencil cut kong skirt at ibinalik ang tingin sa kaniya at nag isip ng isasagot.

"Uhm...pwede namang alamin muna natin ang schedule ng team before going to Bohol para hindi hassle." sagot ko.

Naningkit ang mata niya at ngumisi sa di malamang dahilan.

"Paano nga kung biglaang nagka schedule while in Cebu? What will happen?." tanong niya.

Teka nga bakit ang layo ng mga tanong niya?

"Since may mali rin tayo sa pagbubook without confirming our schedule ay wala tayong choice kung hindi iwan ang reservation. Hindi po nag re refund ang resort na 'yon." mariin kong sagot.

His Sex CorporationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon