Chapter 26Nang nagsimulang maglakad palapit sa akin si Lyle ng walang suot na damit ay lumayo narin si Jack at Bea.
"Magusap nga muna kayo love birds." sabi nila at umalis na.
Pinanood ko siya sa paglapit niya. Siguro nga kelangan naming mag usap. Naka tingin lang ako sa kaniya at hindi pa siya nakaka tayo sa harap ko ay may sumabit ng babae sa braso niya. Pinunasan niya ang pawis ni Lyle sa leeg at sa dibdib.
At sa harap ko pa!
"Wow...." bulong ko at mabilis na nag walk out.
Pilit kong tinanggal sa isip ko ang nakita ko. Si Lyle at si Dev. Baka tumaas lang ang dugo ko at sugudin silang dalawang malandi. Psh
Tumakbo ako sa basement upang habulin si Marcus. Sana lang maabutan ko siya. Nang ma spot-an ko ang sasakyan niya sa di kalayuan ay tinakbo ko 'yun at inantay siya ng tahimik.
Pwes kung nagseselos si Lyle sa kaniya ay mas nagseselos ako kay Dev. Ni hindi manlang siya lumayo! Hinayaan niya si Dev! Yung sa sumagot sa phone niya, yung sa opisina niya, at ngayon dito. Ano ba talagang meron sila?
Nang makita ko ang pag lapit ni Marcus sa sasakyan niya habang binubutones ang kaniyang longsleeves ay lumapit ka agad ako. Nagulat siya at mukhang hindi makapaniwalang andito ako.
"Why...why are you here?." taka niyang tanong at luminga sa paligid.
"Don't worry wala si Lyle. Pwede bang pasabay ako umuwi?." lumiwanag ang kaniyang mukha at naka ngiting tumango.
Tahimik lang ako sa byahe, sa mga tinatanong niya wala akong ibang sagot kundi 'Ah' 'Oo' lang ang naisasagot ko. Nakakahiya pero wala akong magawa. Ayaw mag function ng maayos ng utak ko.
"He looks so terrified though." natatawa niyang komento ng kinukwento niya ang biglaang pagpasok ni Lyle sa court kanina.
"Hm?." wala sa sarili kong tanong. Bat naman siya matatakot?
"He saw us. On the bleachers. Akala siguro niya inaagaw kita sa kaniya." sambit niya. Mahina ang pagtawa ko.
Ako nga hindi iniisip na may aagaw sa kaniya noon kasi may tiwala ako sa kaniya. Ayokong paasahin ang sarili ko pero alam kong seryoso siya sa akin. Pero anong ginawa niya? Sinira niya tiwala ko.
"You're supposed to be with him. I lost the game." ani ya. Kumunot ang noo ko at nilingon siya habang nagmamaneho.
"Ano bang pinagusapan niyo kanina?." taka kong tanong. Ngayon nakuha niya ang atensyon ko.
"He said, I'll leave you with him. Kelangan daw kitang layuan. Pero....why did you come to me? I mean, bakit? Anong nangyari sa inyo?." kuryosong kuryoso siya sa mga nangyayari nung sa bar palang.
Siguro pwede namang sabihin sa kaniya.
Nang ikinwento ko ang buong nangyari simula sa naging janitress ako ng hotel niya ay lalo siyang naging interesado sa buhay ko. Hindi ko alam kung totoo pero natutunugan ko kasi.
Lagi siyang nasa unit, dalaw daw ni Miguel pero ako ang kinakausap at niyayaya ng kain sa labas. Napapansin narin ni Miguel ang ginagawa ng kaibigan pero tinotolerate niya lang. Boto siya kay Marcus.
Binago ko ang number ko sa phone. Sinigurado kong si Lyle lang ang hindi alam ang number ko.
"What's your plan now?." tanong niya at bumalik sa pagta type sa laptop.
"Hindi ko alam. Naiinis talaga ako." ni hindi manlang siya gumawa ng way para magkita parin kami. Na kahit iniba ko ang number ko ay gagawa siya ng paraan para makapag usap kami.
BINABASA MO ANG
His Sex Corporation
RomanceYna thinks that he is just playing his game. Sa laro ng pagibig, ay talo ka kung hindi ka marunong. Hindi niya sineryoso, wala siyang ibang pinaniwalaan kundi ang katagang "Laro ito. At hindi siya nagse seryoso." Paano ngayon mapipigilan ni Yna ang...