Chapter 11

2.8K 67 1
                                    


Chapter 11



I kissed him. I had sex with him.

Paikot ikot sa utak ko to ngayon. Nagustuhan ko nung ginagawa namin pero bakit nakaka pangsisi ngayong tapos na? Bakit nagsisisi akong pinatulan ko pa ulit siya ng pangalawang beses? Bakit ako pumatol sa babaero kong boss?

Sinagot niya ang cellphone niyang kanina pa nag ri ring at in steady muna ang pagda drive.

"What now, Dev?." panimula niya. Si Dev? Siya nanaman!?

"I'm on work. Postpone it....Pwede naman sa susunod yan....Yeah....Whatever....Go, Dev. It's not like I want you here.....Yeah, samahan mo nalang si Fred sa US mag handle ng negosyo niyo.....Okay." at ibinaba na niya ang phone niya.

Tahimik lang ako buong biyahe dahil hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Ganito nalang kaya? Puputulin ko na ang koneksyon ko sa kaniya pagkatapos ng gabing to? Ako na ang mag re resign. Aalis ako ng dorm at maghahanap ng ibang trabaho.

"What's wrong, Yna? Is there a problem?." pambasag katahimikan niyang tanong.

"Wala." malamya kong sagot. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko na nakapahinga sa hita ko pero iniwas ko ito.

"There is something wrong, Yna." saad nito.

"Wala nga. Gusto ko lang matulog." sagot ko at ipinikit ko na ang mata ko. Wala na siyang nagawa kasi natahimik narin siya.

Gusto ko ring mapag isa, at makapag isip. Gusto ko ng putulin ang koneksyon ko sa kaniya. Hindi magiging maganda kapag lumalim ang nararamdaman ko. Mas gusto ko si Sir Hans, pero alam kong hindi rin pwede kasi boss ko siya at janitress lang ako. Pero hindi ko alam, masaya ako kapag kasama ko si Lyle.

Gusto ko ba si Lyle? Jusko, hindi pwede. Kaya mas mabuti ng lumayo na ako ng mas maaga. Ayokong ma attach sa kaniya dahil isa siyang babaero, mayaman siya, janitress ako at higit sa lahat boss ko siya. Sobrang laki ng awang, kaya hindi pwede. Hindig hindi pwede.

Pagkarating namin sa harap ng dorm ko ay pinigilan ko na siya sa pagpasok dito.

"I want to talk with your friends." ani ya pero umiling ako.

"Hindi na sir. Baka nagpapahinga na sila ng ganitong oras. Umuwi ka na, magpahinga ka narin." saad ko at tinalikuran na siya pero marahas niya akong hinila paharap sa kaniya.

"So, avoiding IS really your habit. Ano to? Fuck and run?." iritado niyang sambit.

"Alam kong gusto mo rin to, wag ka na mag ma ang ma angan. Kung responsibilidad mo ang nakuha mo sakin pwes kalimutan mo na 'yon. Ibinigay ko 'yon sayo para lubayan mo na ako. Tama naman akong iyon lang ang kagustuhan mo hindi ba?." maluha luha kong sambit.

Tiningnan niya ang mata ko gamit ang nag aapoy na niyang mga mata. Galit na siya.

"What the fuck do you want?." bulong niya.

"Lubayan mo ako. Iyon lang ang gusto ko." saad ko at tinalikuran na siya at isinara na ang pintuan ng dorm. Sumandal ako sa pintuan at pinunasan ang luha ko. Nakakainis, bakit ba ako naiyak!

Kumatok ako sa kwarto ni Jack upang makitext. Buti nalang gising pa siya.

"Anong nangyari? Bakit mukhang nalugi ang mukha mo?." bungad niya sa akin pero umiling lang ako.

"Saka ko na ikukwento, Jack. Ang hirap eh. May pang text ka ba? Pwede ako makitext?." hindi naman siya nag reklamo at iniabot sa akin ang cellphone niya. Mukhang nase sense niya ang hindi magandang nangyari.

His Sex CorporationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon