Chapter 14

2.5K 62 7
                                    


COMMENT DOWN YOUR THOUGHTS AND FEELINGS~

Chapter 14


"Uhm miss, bakit may tayo pa dito sa buhok ko?." sita ko ng may makita akong isang strand na nakalawit sa buhok ko.

"Miss Yna, hindi na po halata yan mamaya sa shot." ani ya. Nauubos na ata anf pasensya niya sa akin! Jusko ano ng gagawin ko!

Hangga't kaya kong patagalin ang sarili ko sa loob ng dressing room ay papatagalin ko! Ayokong humarap kay Lyle! Susme. Ano nalang kung magwala siya at hatakin nanaman ako papabas at kung saan? Hindi naman siguro ano.....

"Yna, matagal ka pa ba? The representatives are getting bored!." sita ni Fred na sumilip sa dressing room. Huminga ako ng malalim at tumayo na mula sa pagkakaupo ko sa harap ng salamin.

Kabado akong naglakad palabas at sumalubong agad sa akin si Paolo.

"Pao, anong ginagawa niya dito?." taranta kong tanong at hinampas siya.

"I'm not informed too! Akala ko ako lang ang mag mo monitor sa shooting mo today pero bigla siyang nandito, at mas nauna pa sa atin!." ani ya. Nababaliw na ako! Para niya akong binabaliw dito!

"You just need to do great. Kung kaya mong wag magpa apekto, do it." ani ya at tinapik ang likod ko bago ako iniwan.

Kagat labi akong lumapit kay Fred na katabi ang mukhang makaka partner ko sa shoot ngayon. Pilit kong itinuon ang atensyon ko sa kanila at hindi tumingin sa likod dahil ramdam ko na ang nakakamatay na init ng titig niya.

Ibinaling sa akin ni Fred ang atensyon niya at pinagitnaan kaming dalawa ng modelo. Terno ang kulay ng suot namin, mukhang pang couple na nga.

"Chuwiteu Bhuwakul, this is Yna Villamonte, your partner for todays shoot. Yna, this is Chuwi, he's from Thailand." pagpapakilala niya. What a name!

"Nice to meet you." kasuwal niyang inilahad ang kamay niya at tinanggap ko naman 'yon. Pumalakpak si Fred at nagsimula ng mag ready ang camera.

Tumayo na kami sa harap ng camera at doon na napadako ang tingin ko kay Lyle na naka dekwatrong nakaupo sa may gilid ng camera. Nakaupo sa tabi niya si Paolo na mukhang hindi rin napapalagay sa sitwasyon.

Ang sama ng tingin niya sa akin. Tama si, Paolo. Kung kaya kong wag magpa apektp ay gawin ko. Iisipin ko nalang na wala si, Lyle dito! Wala si Lyle! Wala si Lyle dito! Walang Lyle na nanonood!

"Yna!! Focus!." sigaw ni Fred kaya napabalikwas ako. Narinig ko naman ang pagtawa ng kapartner ko kaya awkward akong ngumiti.

"Sorry." pagpapa sensya ko ng umayos ng tayo. "It's..okay.." mabagal niyang sagot.

Hindi ako mapakali sa tingin ng isang tao sa akin. I mean, wala akong problema kung may nanonood ng shooting namin ngayon, ang problema ko is yung tao! May isang tao na ayaw kong manood ng shoot ko! Jusko.

Umiling nalang ako at huminga ng malalim. Kaya ko to.

Inutusan ni Fred na umupo sa box na color green si Chuwiteu with his legs open. Sinunod naman 'yon ng modelo at hinintay ko ang gagawin ko.

"Yna, ikaw, umupo ka sa right leg ni Chuwi. Put your hands around his nape and you both should look intensely on the camera, got it?." napalunok ako sa narinig ko.

Kahit na naiilang ako ay sinunod ko ang utos ni Fred. Umupo ako sa leg ni Chuwi at hindi man lang siya nailang doon. I see, ako lang talaga ang hindi sanay. Ipinulupot ko rin ang kamay ko sa batok niya at tumingin sa camera.

His Sex CorporationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon