Chapter 16"Give me back my drink." halos pumikit na niyang suhestiyon sa akin. Kinuha ko ang baso ng may wine at itinapon ito sa cr niya. Itinago ko rin ang mamahaling botelya ng wine niya sa medyo mahihirapan siyang hanapin.
Tipsy na siya. Naka bukas ang dalawang butones ng polo niya at natanggal sa pagkaka tali ang neck tie niya. Mukha siyang binugbog sa lagay niya ngayon. Hindi siya mukhang tagapagmana ng isa sa mga malalaking hotel sa buong mundo!
"Ang aga aga umiinom ka." pagalit ko sa kaniya.
"It's because of you! You dumped me!." tinuro turo niya ako pero ibinagsak niya rin ang kamay niya sa lamesa.
"I wanna go home. Call, Dev." utos niya at yumuko sa kaniyang lamesa. Napaiwas agad ako ng tingin. Kanina lang, nag confess siya sa akin tapos ngayon si Dev nanaman ang hinahanap niya.
"Sige, sandali lang." mahina kong tugon at tinalikuran siya.
"Call Dev, my Janitress!," Sigaw niyang muli at napatigil ako. Si Dev, na Janitress niya? Teka, ako ang Janitress niya ah? Nilingon ko siya at nakatingin siya sa akin ng may halong nakakalokong ngisi.
"Si Dev ay hindi janitress." malamig kong sinabi at pumamewang.
"She is. Or....I forgot her true name...Just call my sexy...Janitress..." ani ya. Agad naman akong namula. Paano nalang kung ibang tao ang makarinig sa kaniya! Agad ko siyang nilapitan at iniangat ang ulo bago makatulog.
"Hey, you're not my Janitress! Naka puti lang siya and her hair....was...tied up..." ani ya at tinampal ang kamay kong nakahawak sa balikat niya.
Marahan kong hinampas ang balikat niya.
"Yna ang pangalan ng Janitress na 'yon. At hindi na siya Janitress, okay?." pagalit ko sa pa sa kaniya. Pinindot ko ang telepono niya at sigurado naman akong sekretarya niya ang sasagot nito.
"Yes, Sir Lyle?." sabi niya sa kabilang linya.
"Christina, si Yna to. Pwedeng tumawag ka ng guard na kayang ipag maneho si Lyle papunta sa unit niya?." tanong ko. Hinampas nanaman ni Lyle ang kamay kong naka dantay sa balikat niya.
"Tigilan mo, masakit!." reklamo ko at hinampas muli ang balikat niya.
"Uhm...yes,yna. Bakit? Anong nangyari kay Sir Lyle?." tanong niya. Sasagot sana ako pero hinampas nanaman ni Lyle ang kamay ko. Naiinis na ako ah!
"Tigil na nga! Hahampasin kita ng bote eh!." nakapikit siyang tumawa habang ako ay naiinis na. Yna, wag mo ng patulan ang nakainom!
"Lasing siya. Hindi siya makakapag trabaho sa ganitong lagay. Papuntahin mo nalang ang guard dito sa opisina niya."
"Sige." pinindot ko na ang ilaw sa telepono at ibinaling ang atensyon sa half-asleep na si Lyle.
Mukhang hindi ko siya makakausap ng maayos ngayon at maka klaro ang maraming bagay. Siguro sa susunod na araw nalang. Bumukas ang pintuan at inalalayan ng guard si Lyle makatayo at inilabas ng opisina.
"Ikaw nalang muna bahala sa kaniya, Christina. Alam mo naman siguro ang unit niya hindi ba?." tiningnan ako ni Christina at umuling. So anong gagawin ko!?!?
"Yna, kaya mo ba? Ako nalang ang tatapos sa mga trabaho niya ngayong araw. Ikaw nalang ang mag asikaso kay Sir Lyle." pakiusap niya. Napa ngiwi agad ako at hindi alam ang sasabihin.
BINABASA MO ANG
His Sex Corporation
RomansaYna thinks that he is just playing his game. Sa laro ng pagibig, ay talo ka kung hindi ka marunong. Hindi niya sineryoso, wala siyang ibang pinaniwalaan kundi ang katagang "Laro ito. At hindi siya nagse seryoso." Paano ngayon mapipigilan ni Yna ang...