Chapter 31Sumibat ako sa mga tambak na papeles sa table ko at kunwaring nag cr. Sinigurado kong naka lock ang pintuan at walang tao sa mga cubicle. Kainis! Bakit siya ang boss ko? May sarili siyang hotel ah!
(Hel..)
"Paolo!." bulyaw ko agad sa kaniya.
(Wait, wala ka pa sa opisina mo? He'll be m---)
"Bakit siya ang boss ko! May sarili siyang hotel ah! Bakit tinanggap mo siya dito! Pao, alam mo naman ang nangyari diba? Bakit ba pinagpapatuloy mo parin ang pagti team up pa sa amin!." pagalit kong sinabi at humarap sa salamin.
Ngayon ang pula pula ko na. Naghalong galit at hiya.
(Wait calm down first! Una sa lahat, hindi ako ang nag hire sa kaniya---)
"Eh bakit siya an--."
(Let me finish okay? Hindi ako ang nag hire kay Lyle dahil si daddy ang kinausap niya. Wala akong alam sa naging negotiations nila at nagulat nalang ako na may opisina siya dito.) Kalmado niyang sagot.
Ano? Ano namang balak ni Sir Rey dito? Sa kaniya? Sa amin?
"I don't get it...."
(I don't get it too. Now get back to work at kanina pa high blood sayo yang si Lyle. Late ka raw.)
"Ah whatever! Nakakainis siya! Ang dami niya agad pina trabaho sa akin!."
(Malay mo sinusubok ka lang! May past parin kayo after all.)
"Oo na. Sige na, baba ko na to."
Pagka baba ko sa phone ay napa sapo muna ako ng mukha. Paano na ako makakapag trabaho ng maayos kung ganito ang dadatnan ko kada umaga? Baka malaman pa to ni Marcus!
At tsaka anong past? Kaya nga tinawag na past eh! Dapat ng kalimutan kasi nangyari na. Okay? I get it! I get his side! Hindi ko inintay ma kumpirma noon kung siya ba talaga ang ama ng anak ni Dev. Biglaan nalang akong umalis.
But who can blame me? Hawak hawak ng nanay niya ang ulo naming mag pinsan! She'd threaten me again to kill my cousin..my only family if she knew about this situation. Na baka isipin niyang sinusundan ko parin ang anak niya!
But, he didn't know my side! Kusa siyang nag predict ng gusto niyang maging rason ko! It's just unfair! Kung siya ang nasa sitwasyon ko the day before I left, ay baka pareho lang kami ng maging desisyon!
"Damn..." bulong ko at lumabas na sa cr. Doon marami ng naka abang na mag ccr. Sumasakit parin ang ulo ko dahil sa mga nainom ko kagabi, dumagdag pa tong lecheng boss ko.
Dumiretso ulit ako sa table ko at nagsimulang ayusin ang mga papeles in alphabetical order. With his cold eyes he instructed me about everything. Para bang ang kausap niya lang ay simpleng intern lang!
Halos mag echo sa akin ang boses niya. Onti nga lang ang naintindihan ko sa mga in orient niya sa akin because I was busy examining his face! Well, mahirap pigilan kasi ang laki talaga ng pinagbago niya!
Mag aalas dose ng biglang may tumawag sa aking lalaking employee.
"May naghahanap daw po sa inyo sa cafeteria. Marcus daw ho ang pangalan." kasuwal niya sinabi.
Tiningnan ko ang name plate niya at doon nakalagay ay Kyle. Shit naman.
"Ah sige, salamat....kyle." sabi ko at mabilis na bumaba sa cafeteria.
BINABASA MO ANG
His Sex Corporation
RomansaYna thinks that he is just playing his game. Sa laro ng pagibig, ay talo ka kung hindi ka marunong. Hindi niya sineryoso, wala siyang ibang pinaniwalaan kundi ang katagang "Laro ito. At hindi siya nagse seryoso." Paano ngayon mapipigilan ni Yna ang...