Chapter 23Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko habang nasa byahe, para bang ano mang oras ay tatakbo ako palayo. Pinindot pindot ko ang mga daliri niyang mahigpit ang pagkakahawak sa akin.
"Ma'am, andito na po tayo..." sambit ni Joel. Agad akong napatingin sa labas at oo nga. Sa sobrang pagka humaling ko sa pagkakahawak niya sa kamay ko ay di ko na namalayan ang lugar.
Si Joel ang naghatid sa amin. Sumabay narin si Lyle, kahit na hindi maganda ang sitwasyon ng dalawa ay napilitan sila dito. Sinabihan ko na si Lyle na pumasok nalang sa hotel pero nagpumilit siyang samahan ako sa studio.
"Bumalik ka na sa opisina mo. Okay lang ako dito..." pagpapanatag loob ko.
Umiling siya at hinalikan ang kamay ko. "I won't leave you here."
Mukhang wala na akong magagawa. Tinapik ko nalang ang balikat ni Joel at lumabas na ng SUV. Nakasunod lamang sa akin si Lyle samantalang ako ay wala sa sariling pumasok sa studio.
Masyadong big deal ang sinabi sa amin ni Paolo kanina.
"And it's about you....and Yna." napawi ang matamis kong ngiti sa mukha at nag iwas ng tingin.
Malalaman na kaya ni Lyle ang past ng mama niya at ng magulang ko?
"I'm not interested about it, Pao. Just leave it." mariin niyang sinabi at tumayo. Papasok palang siya sa kusina ay natigilang muli siya.
"Sabi ni tita, lyle, ilalayo niya daw sayo si Yna. Hindi niya sa akin sinabi kung bakit pero galit na galit siya." ani Pao.
Nanlamig ang katawan ko. Hindi niya sinabi! Hindi niya sinabi ang totoo!
"What? Bakit naman siya magagalit? Ano namang pakealam niya sa love life ko?." humarap siya at nagtaas ng kilay.
"Hindi ko rin alam. May nangyari ba? May nagawa ka ba Yna nung una kayong nagkita?." takang tanong ni Paolo.
Kung ito ang iniisip niya sige hahayaan ko muna. Hindi pa to ang oras para malaman ang totoong nangyari years ago. Paano ko sasabihin? Paano ko ioopen kung hindi ko kaya? Kung ako mismo nababasag?
"She did nothing wrong! If mom's mad about the dinner then she shouldn't make a big deal about it! Pwede namang mag dinner bukas, next week or mamaya!." tumaas na ang tono niya.
He's exaggerating things even though he doesn't know anything about it.
"H-hayaan nalang, Lyle, Pao.." awat ko.
"No, Yna. Hindi pwedeng hindi kayo ayos! Paano nalang sa kasal? Ano 'yun? Hindi siya dadating? What a disgrace! She's my mom, for pete's sake!." bakit ba sobrang oa nito? Hindi naman pwedeng alam na niya ang nangyari hindi ba? Hindi...pwede...
And kasal? Grabe! Talaga bang seryoso siya roon?
"Pano yan, pre? Pano kung pasundan niya si Yna at baka....alam mo na." mabilis na umiling si Lyle sa sinabi ni Paolo.
No...way...she'll do that...
"I won't let her touch my girl. Even if she's my mom." madiin niyang sinabi.
Pumasok ako sa studio at ramdam ko parin ang presensya niya sa likod ko na sobrang lapit. Napangiti nalang ako. Huminga ako ng malalim at hinarap siya, he looks problematic, kahapon pa to.
BINABASA MO ANG
His Sex Corporation
RomanceYna thinks that he is just playing his game. Sa laro ng pagibig, ay talo ka kung hindi ka marunong. Hindi niya sineryoso, wala siyang ibang pinaniwalaan kundi ang katagang "Laro ito. At hindi siya nagse seryoso." Paano ngayon mapipigilan ni Yna ang...