Chapter 8

3.2K 68 2
                                    


Chapter 8


"Sir, hindi ko naman po kelangan ng cellphone. At bakit ikaw ang nagpadala? Kaya ko pong magpadala gamit ang sweldo ko." giit ko.

Akala niya ba makakabawi siya sa ginawa niya kahapon at sa nangyaring paghalik niya? Sa tingin niya makukuha niya ako sa ginagawa niya ngayon?

"Don't you know how to say thank you? Buti nga nabawasan ang isipin mo." sagot naman niya kaya nainis ako lalo.

"Anong nabawasan? Lalo ngang lumaki eh. Ngayon sayo naman ako may utang ganun? May gusto ka bang ipagawa sa akin? May mahirap ka bang trabahong ipapagawa sa akin?." tanong ko agad dahil sa inis.

Hindi niya gagawin to kung wala siyang kelangan.

"Then, you owe me that thing. Kapag tinakasan mo ako pwede kitang kasuhan kasi may utang ka pa. You cannot leave this hotel for good, Villamonte." seryoso niyang sambit.

"Hindi kita maintindihan." ayokong pahabain na yung konbersasyon namin kaya nagpatuloy nalang ulit ako sa pagma mop dahil sa inis.

Inilagay ko ang mop sa cart at palabas na ng narinig ko ang mahina niyang pagtawa na nakapag pakilabot sa akin.

"Uh-oh, and you're not allowed to leave my office too." napa irap ako ng wala sa oras at padabog siyang pinuntahan sa lamesa niya.

"Alam mo kahapon ka pa eh. Nakaka bwisit na yang ugali at pag trato mo sa akin. Kung nanaisin mong maging isa ako sa mga babae mo, pwes tumigil ka na. Asa ka pa!." bulyaw ko. Kung masisante ako, mas okay pa! Hindi ako makakatagal sa ugali ng isang to.

"Nakaka bwisit? Ang pagtrato ko sayo? Why? I think you enjoyed my kiss yesterday. You didn't even pushed me." ngisi niya.

"B-b-baliw ka na ba? Boss kita eh!." palusot ko. Sabi na eh, dapat talaga tinulak ko siya!

"Did you sleep well? Hindi ba sumisingit ng sumisingit sa utak mo ang halik ko kagabi?." ngisi niyang muli.

"Hindi!." Kahit oo!

Naka ngising pinindot niya ang telepono sa harap niya at inilagay ito sa tenga niya.

"Christina, cancel all my appointments today. I'm not accepting visitors and don't let anyone enter my office, even you." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at nakapamewang na nag iintay ibaba ang tawag.

"Yup. Thank you." nang maibaba niya ay lumaban ka agad ako.

"Ano ba! Lalabas ako ng opisina mo! Ayoko dito!." bulyaw ko, binuksan niya ang laptop niya at itinuon doon ang atensyon niya.

"Sir Lyle!." pag agaw atensyon ko sa kaniya.

"Sit here." hinila niya ang upuan sa kabilang table at itinabi yun sa kaniya, hindi ako makapaniwalang ginagawa niya to. Hindi ko gusto to!

"Sabing lalabas na ako." inis kong utos.

"Sit here first." Napairap nalang ako at padabog na umupo sa tabi niya. Ayoko talagang umupo sa tabi niya pero hindi naman ako mananalo sa kaniya, boss ko siya, pwe.

Tahimik kaming nanatili sa ganoong pwesto. Nagta type lang siya sa laptop niya at may binabasa na mga papel. Talagang seryoso siya sa pag tatrabaho, pero nagagawa niya pang pag tuonan ng pansin ang sex corporation niya?

Ano kaya talaga ang nasa likod nun? Talaga kayang nag eenjoy siya?

Nang madako ang mata ko sa mukha niya ay doon na ata ako nahumaling. Ang haba ng pilik mata niya, daig pa ang babae, ang tangos ng ilong at ang kintab kintab ng malambot niyang labi. Napakagat tuloy agad ako ng ibaba kong labi nung naalala ko yung paghalik niya.

His Sex CorporationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon