Chapter 35Nanatili akong nakatayo at hinahangin ng malamig na hangin ang aking buhok sa harap niya. Naka suot lang ang mga kamay niya sa kaniyang bulsa samantalang ako ay hindi parin maka paniwala.
Siya ang bumili ng bahay namin? Paano niya nalamang amin 'to? Paano niya nalamang.......oh my god!
"I can explain...." bulong niya ng mapansin ang pagka balisa ng mukha ko.
Hindi kaya alam na niya ang nangyari between sa mama niya at sa magulang ko!?
"Paanong...." utas ko at naningkit ang mga mata.
"Please let me explain. I brought your family's house para makuha ang loob mo. Na alam kong babawiin mo kasi to, so I....I planned it out..." ani ya.
Napatingin ako sa bahay naming naka bukas ang mga ilaw. Wala sa sarili akong ngumiti at pinunasan ka agad ang nag landas na luha sa mga mata ko.
"Thank you....." yan na lamang ang nasabi ko at tumalikod.
Atlis kahit hindi ko na bilhin ang bahay ay nasa mabuting kamay na 'to. As long as si Lyle ang hahawak nito ay mapapantag ang loob ko. Wala akong problema kung siya ang bagong may ari nito.
"Hey wait...why don't you sleep here for tonight? G-gabi narin at....delikado na." habol niya sa akin.Napatigil ako and looked at him desperately. I missed this house so badly. Hindi ko alam kung anong sobrang saya o sobran lungkot at nadala nito sa akin. Pero hindi ki maintindihan ang sarili ko.
"Can I?." bulong ko at nakita ko ang paglandas ng ngiti sa mukha niya.
Pumasok kami sa loob ng bahay at rinig na rinig ko ang tunog ng aking pumps. Walang pinagbago rito. May nadagdag lang na gamit pero ang arrangement ganoon parin. Nakakatuwa.
Hinawakan ko ang mga muwebles at luminga linga sa paligid.
"I didn't renovate this house in case you want it back." kalmado niyang sinabi habang sinusundan ako.
Tahimik akong tumayo sa harapan ng malaking bintana. Nagbalik ang lahat. Bigla akong nangulila. Bigla akong nalungkot. Bigla 'kong nakaramdam ng loneliness sa katawan.
Tinakpan ko ang bibig ko para mapigilan ang paghikbi. Tuloy tuloy ang daloy ng luha ko at tila hindi na 'to mapipigilan. Eto ang tinatago kong nararamdaman. Naramdaman ko ang mahigpit niyang yakap mula sa likod ko.
Humarap ako para salubungin ang mainit niyang yakap at doon humagulgol ako sa dibdib niya.
Halo halo ang nararamdaman ko. Gusto kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay nila mama at papa. Gusto kong parusahan si Councillor pero may isang bagay na pumipigil sa akin.
"Lyle...." bulong ko at tininingala siya.
"I'm here....I won't leave you.." sambit niya. Ngumiti ako at yumakap pa ng mahigpit.
Hindi mo rin ba ako iiwan kung sakaling malaman mo ang lahat lahat? Ang katotohanang pinatay ng nanay mo ang magulang ko? Ang dahilan kung bakit nag hirap ako buong buhay ko?
Hindi porket may nawala, ay dapat ka naring mawala sa landas mo. You need to continue. You need to strive harder and stay stronger. Wala namang makakatulong sayo kung hindi ang sarili mo lang.
Halos trenta minutos akong kumalma sa kaniyang yapos at napag desisyunan kong magpakita ng gratitude mula sa pagtulong niya. Pakiramdam ko, sinalba niya ang bahay na 'to. Dahil kung sa iba nabenta 'to ay malamang nabago na ang lahat ng nasa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
His Sex Corporation
RomanceYna thinks that he is just playing his game. Sa laro ng pagibig, ay talo ka kung hindi ka marunong. Hindi niya sineryoso, wala siyang ibang pinaniwalaan kundi ang katagang "Laro ito. At hindi siya nagse seryoso." Paano ngayon mapipigilan ni Yna ang...