SPG
Chapter 10Tok tok tok
"Sorry, I'm late." naka ngiti niyang bungad sa pintuan at dumiretso sa harap ko. Nagliwanag agad ang mata ko ng makita ko siya.
"Wala ka bang trabaho sa hotel, Hans? Why are you here?." nag su sungit nanaman tong lalaki.
"I'm free today, Lyle. Hi, Yna. Long time no see." sa akin niya itinuon agad ang atensyon niya at ngumiti.
"Hello po, Sir Hans. Kamusta na po?." nahihiya kong tanong.
"He's fine, Villamonte. Kelan ba hindi magiging okay yang pinsan ko." singit niya kaya hindi ko siya pinansin. Sus, papansin nanaman.
"I'm in Cebu these past few days, working as usual. So, what's the meeting all about, Pao?." pansin niya sa kaibigan.
"So, as I was saying, kung tatanggapin ni Lyle ang offer ay iisang modelo lang ang mag e endorse sa mall namin at sa Chains of hotels niyo. Tayong lahat ang makikinabang dahil mae endrose namin ang Ashford Group Of Hotels sa mall, tapos kayo naman sa hotels niyo." proud niyang sagot.
"So, who's that model?." takang tanong ni Sir Hans. Marahang tumingin sa akin si Pao at itinuro ako. Teka, ano!?
"Yna. Kung tatanggapin mo ang offer ko sayo kahapon, we can do business here. Makikinabang ka rin." nalaglag ang panga naming tatlo sa narinig. Seryoso talaga si Paolo tungkol doon!?
"What the hell, Pao? She's my employee!." iritadong banat ni Lyle.
"Pao, I think this isn't right. You know pinagsusuot ng revealing clothes ang models niyo at ng models ng Hotels namin, yet you want it for Yna? No dude!." ani Hans.
Naguguluhan ako. Paanong ako ang mag mo model eh kilala ako bilang Janitress ng hotel nila Lyle? Hindi kaya lalong masira ang hotel nila!?!?!?
"Pre, marami ka namang Janitress sa hotel niyo! Just give her this opportunity! Besides, alam mong may mararating si Yna sa modelling, you know it." pangkukumbinsi ni Pao.
"Pero, Paolo. Hindi kaya makilala ako bilang Janitress? Paano nalang kung lalong bumagsak ang hotel nila Sir Lyle?." taranta kong tanong. Umayos ng upo si Lyle at tiningnan ako.
"Anong baka bumagsak ang hotel? Isipin mo muna kung papayagan ba kita! Paolo, just get some other models! Or if you want, I'll find you a great one. Just not my employee." marahan niyang sinabi.
"Me, and Lyle are on the same boat, Pao. Hindi pwede kay Yna to." saad din ni Sir Hans.
Pero kung iisipin ko, mas malaking sweldo ang makukuha ko at ngingiti lang ako babayara na agad ako. Maaaring makapag padala ako ng mas malaking pera kila tita at hindi sila magalit.
Sigurado kayang mapapakinabang ito ng dalawang kompanya?
"Pao, sasali ako. Pero pwede bang kayo ang mag adjust sa oras ng pasok ko? Kasi gagawin kong sideline lang 'yan, at hindi ako aalis sa trabaho sa hotel." sambit ko na nakapag pagulat sa dalawa.
"No fucking way." ani Lyle.
"Yna, think first! Mahirap yan, baka magkasakit ka sa pagod!." ani Hans.
BINABASA MO ANG
His Sex Corporation
RomanceYna thinks that he is just playing his game. Sa laro ng pagibig, ay talo ka kung hindi ka marunong. Hindi niya sineryoso, wala siyang ibang pinaniwalaan kundi ang katagang "Laro ito. At hindi siya nagse seryoso." Paano ngayon mapipigilan ni Yna ang...