COMMENT DOWN YOUR THOUGHTS! ^^Chapter 33
"Take care. Text me so I'll not worry about you. Okay?." tumango ako sa kaniya at lumabas na sa kaniyang kotse.
Inantay ko munang maka alis ang kotse ni Marcus bago ako pumunta sa division namin. Doon naabutan ko silang excited na at panay na ang selfie.
"Galingan mo mamaya ha! Support ka talaga namin!." hagikgikan sila habang naggu goodluck sa akin para nga sa bikini contest mamaya.
Ayoko talaga pero may expectations na ang mga ka opisina ko sa akin. Ayoko namang ipahiya siya pati ang division namin. Kulay pula ang two piece bikini ko. Mag su suot nalang ako ng binili kong balabal kung sakaling hindi masyadong maganda tignan ang bikini ko.
"Come on guys, double time!." sigaw ng head admin at dumiretso na kami sa shuttle namin sa baba.
Magkatabi kami ng isa kong ka opisina kaya hindi awkward. Hindi nga lang kaming masyadong close katulad nila Jack at Bea. Sinalpak agad ang earphone ko at nag tipa ng text.
Ako: (To. Marcus)
Otw na kami.
Ako: (To. Miguel)
Text mo nalang ako kung susunduin mo na ako sa terminal para makapag paalam agad ako.
Inilagay ko na ang cellphone ko sa aking bulsa at tumingin na lamang sa labas ng bintana. Na harangan ang view ko ng may pumantay rito na sasaky---- ang sasakyan ni Lyle.
Nakita kong lumingon siya sa akin kaya hinila ko agad ang kurtina at tinakpan ang sarili ko. Ayokong makita siya. Pagkatapos niya akong sabihang lokohin nalang si Marcus kahapon?
Mabait si Marcus. Kaya ayoko siyang lokohin. Hindi ko man siya mahal pero may respeto ako. Hindi naman ako ganun na babae. Pero hindi kaya siya hibang kahapon? O kaya lasing or what?
Alas kwatro ng hapon ng makarating kami sa Nevera hotel and resort sa Bohol. Totoo ngang sobrang ganda dito at mas maganda pa sa personal! Hindi ako nagkamaling 'to ang i present.
Dumiretso muna kami sa sari sariling kwarto para sa 30 minutes break bago pumunta sa hall at magsimula sa team building.
"Yna, ikaw pala kasama ko sa kwarto." sabi ni Maya na ka opisina ko.
Hindi kami masyadong nagkakausap dahil tahimik siya. Minsan lang rin kung ngumiti.
"Oo nga eh." sagot ko at nag ngitian nalang kami. Humiga muna ako sa kama para saglit na magpahinga.
Bukas iba rin ang diretso namin. Pupuntahan namin sila tita sa Cebu at kakamustahin. Mabuti nalang at may pera pa ako dahil malamang mag de demand ng pera ang mga 'yon. Lalo na si Rhea.
Nang matapos ang mga simpleng laro na sila lang ang nag enjoy ay nag dinner na kami at sisimulan na raw ang bikini contest. Hindi ako na e excite. Naiinis nga lang ako. Ayokong ibalandra katawan ko sa harap nilang lahat.
Napailing nalamang ako.
"Yna, anong klaseng bikini susuotin mo?." tanong ni Maya na kanina pang kumakain ng tahimik.
BINABASA MO ANG
His Sex Corporation
RomantizmYna thinks that he is just playing his game. Sa laro ng pagibig, ay talo ka kung hindi ka marunong. Hindi niya sineryoso, wala siyang ibang pinaniwalaan kundi ang katagang "Laro ito. At hindi siya nagse seryoso." Paano ngayon mapipigilan ni Yna ang...