Alex's POV
Natulala ako sa sinabi nya. Ano kaya ang ibig nyang sabihin? Naakit ko na ba sya?
"What do you mean sis?" Tanong ko sa kanya.
"I don't know either... You're making me crazy..." bulong nya habang papalapit na papalapit yung mukha nya sakin habang naka pikit.
Hahalikan nya na ako! Yes!
Pumikit narin ako. Sobrang lapit na ng mga labi namin. Nararamdaman ko na ang pag hinga nya. Pero bigla nalang nag iba ang channel sa TV kaya na pa lingon kami pareho.
Biglang tumayo si Veronica. "Uh-m. Matutulog na ako little sis" sabay pag smile nya ng pilit. "Good Night" tapos hinalikan nya ako sa noo.
Nag nod lang ako sakanya tapos umalis na sya. Hayst! Umayos ako ng upo tapos napansin ko na naupuan ko pala yung remote. Ako rin pala ang dahilan kung bakit naputol yung moment namin! Ang tanga ko talaga.
Maka nood na nga lang ng Cartoon Network.
Sakto paborito ko ang palabas. Adventure Time!
------------------------
Dahil sabado ngayon, tanghali na ako nagising. Kinapa ko sa side table ang Iphone ko at binuksan. May nag text sakin na unknown number.
GoodMorning Alex :* 3:00 pm sa starbucks mamaya;)
-Scarlette
Ah.. Sya lang pala. May lakad nga pala ako mamaya.
Good Morning din:) Okay see you soon;)
Reply ko sakanya tapos sinave ang number nya. Bumangon ako at naligo bago bumaba para kumain.
Pagbaba ko, nakita kong naka bihis na sila Mommy at Daddy. Napansin ko rin ang dala nilang maleta.
"Mom, Dad, aalis kayo?" tanong ko sa kanila habang nag papalit palit ng tingin sa kanilang dalawa.
Nag nod naman sila pareho. Nag sad smile si Daddy sakin at niyakap ako. Sunod naman na nag hug sakin si Mommy. "Pasensya ka na anak. May seminar kami ng mommy mo eh. Biglaan din kasi ang pag inform samin. Buti nalang nagising ka na, bago pa kami maka alis." sabi ni dad na may malungkot na mukha.
Nginitian ko lang sila. "Okay lang po dad. I understand. When are you going back?"
Tumawa silang dalawa sa tanong ko. "Hindi pa nga kami nakakaalis tinatanong mo na agad kung kaylan kami babalik?" sabi ni mom habang tumatawa ng konti.
Nag chuckle ako. "Hehe. Curious lang naman po mommy"
"Mom, eto na ang jacket na pinapakuha mo" biglang sumulpot si Veronica. Nilingon naman nya ako at nginitian. "Gising ka na pala little sis."
Nag nod lang ako at nag smile din sa kanya. Haaaay.. Ganda nya talaga!
"Girls, mag behave kayo habang wala kami okay? Bawal mag party sa house at bawal mag dala ng lalaki. Understood?" Paalala ni Daddy samin.
"Yes sir" sabi ko tapos nag salute.
Tumawa silang tatlo sakin. Si Veronica naman pinisil ang pisngi ko. "Ang cute mo talaga!" Sabi nya.
Nag blush ako sa sinabi nya. Buti nalang di nila nahalata.
"Mauna na kami ng daddy nyo. Baka ma late pa kami sa flight namin. Basta mag behave kayo ha?" sabi ni Mommy habang nag bebeso samin ni Veronica
"Opo" sabay naming sagot.
Nag paalam nadin samin si Daddy. Nang maka alis na sila nginitian ako ni Veronica. "Solo natin ang bahay!" Excited na sabi nya sakin tapos inakbayan ako.
BINABASA MO ANG
My Hot Step Sister
RandomNote: This is a GxG story. This story contains Mature contents so please kung homophobic kayo or kung hindi pa nakakabasa ng BS (Bed Scene) maghanap nalang ng iba. I don't want judgements. Para naman sa Bi at Lesbo dyan, Hello😊. Welcome to the fre...