Chptr 6: Epal

22.2K 350 14
                                    

Matapos gamutin ang sugat ko sa ospital, pinayagan naman agad kami ng doctor umalis.

Pag dating sa bahay, dun nya na ako pinatulog sa kwarto nya. Nakakakilig na yung sobrang concern nya sakin. Sana lagi nalang magkaroon ng seminar sila mom at dad. Nakatulog agad ako dahil sa sarap ng yakap nya.

"Baby, subuan nalang kita ha? Okay lang ba sayo?" Tanong nya sakin. Kakatapos nya lang kasing mag luto ng almusal.

"Ayoko. Para naman akong bata nun! Kaya ko naman mommy" sabi ko habang naka pout. Di ko kasi makamot yung batok ko eh. Haha!

"Tignan mo nga yang kanang kamay mo? Pano ka na nyan makakakain eh ang lalim nga ng sugat" Naiinis na sabi nya sakin.

Nasugatan na nga ako ganyan pa ang tono ng pananalita nya. Di ba pwedeng lambingin nya ako?

Bigla akong nag pout tapos yumuko.

"Baby.. Sorry, ikaw kasi eh. Wag na matigas ang ulo okay? Let me take care of you." Kinuha nya ang spoon at sumandok ng pagkain sa plato. "Here.. Baby, eto na ang train oh! Chuchu!" Sabi nya habang ginagalaw galaw ang spoon tapos gumawa pa talaga ng train na sound. Halatang halata ang pag pigil nya ng tawa.

Bwiset! Pinagloloko nya ba ako?

Hindi ako kumibo at tinignan sya ng masama.

Tumawa sya. "Baby joke lang! Sobrang seryoso mo kasi eh!"

"Nakakainis ka rin kasi" reklamo ko sa kanya habang naka simangot.

"Baby, wag kana sumimangot! Papangit ka nyan. Sige na, open your mouth" Tinaas nya ulit ang spoon.

Isusubo nya na sana ang pagkain sa bibig ko kaso biglang may kumatok sa pinto. Nilayo nya ang spoon sa bibig ko tapos nilingon sa pinto ang ulo nya. Nasubsob ako sa dibdib nya dahil nga kakainin ko na sana ang isusubo nya sakin.

Hmm.. Lambot ah? Haha.

"Ay! Baby sorry! Okay ka lang?" hinawakan nya ang balikat ko at pinaupo ako ng maayos.

Nag init ang pisngi ko. Namumula na yata. Nag nod ako tapos yumuko para hindi nya makita ang pag blush ko.

Nag chuckle sya tapos inangat ang mukha ko. "Baby? Ba't ka nag ba-blush?"

"W-wla ano kasi--" may kumatok ulit sa pinto.

Nairita sya sa kumakatok. Nag roll sya ng eyes tapos tumayo. "Sino ba kasi--" naputol ang sasabihin nya ng makita nya na kung sino yung nasa pinto.

Sino kaya yun?

Nag smile sya ng awkward. "U-h.. Babe, anong ginagawa mo dito?"

Si Greg! Urgh! Ang aga-aga pa, nambubulabog na sya. Sapakin ko kaya to? Aaaaaaah! Naiinis ako! Panira sya ng moment namin eh. Hindi ko na tuloy masosolo si Veronica.

"Di ka ba masaya na nandito ako? May pinuntahan kasi ako malapit dito kaya naisipan ko na dumaan nalang dito. Kung may ginagawa ka babe-"

"No, babe okay lang." Pag putol nya sa sasabihin ni Greg. "Pasok ka. Sabayan mo kami babe mag breakfast"

"Okay sure." Naka ngiting sabi ni Greg.

Nawalan na ako ng gana. Ayoko mag breakfast kasama ang mokong na yun!

Tumayo ako sa upuan ko para umalis kaso pinigilan nya ako. "San ka pupunta?" Tanong nya sakin habang nakataas ang isa nyang kilay.

"Sa kwarto ko." Maikli kong sagot tapos tumalikod. Aalis na sana ako kaso hinawakan naman nya ang braso ko.

"No! Ubusin mo muna yung pagkain mo. Upo." Utos nya sakin.

Wala naman akong nagawa kundi mag roll ng eyes tapos umupo.

Asan na ang "baby" nyang tawag sakin? Ba't di ko na yata naririnig? Huh! Nahihiya sya kay Greg?! Edi wow!

"Babe, upo ka." pinaupo nya si Greg tapos binigyan ng plato at sinandukan.

Habang busy sya sa pag aasikaso sa BOYFRIEND nya, kinuha ko nalang ang spoon ko kanina tapos pinilit na isubo yung pagkain.

Aaaraay naman! Anchaakeet!

Tinignan ko kung nakatingin sya sakin. Busy sya sa pakikipag usap sa borfriend nyang walang kwenta. Pft!

Kaya ko naman to. Para susubo lang eh. Pag hawak ko palang sa spoon tumama agad ito sa sugat ko. Nakagat ko ang labi ko sa sobrang sakit.

Tinignan ko ulit sila. Nag init nanaman ang dugo ko sa nakita ko.

P*tcha! Nawili pa talaga syang makipag usap sa mokong na yan?! Akala ko ba aalagaan nya ko?

Kahit sobrang naiinis na ako, pinili ko nalang na manahimik. Wala naman kasi talaga akong karapatang mag selos. Haaaaaaaaay...

Sinubo ko yung pagkain ko. Kahit mahapdi, subo lang ako ng subo. Dumudugo na nga eh. Pero di ko maramdaman. Alam nyo kung bakit? Kasi mas masakit pa yung sugat ko sa puso kesa sa kamay.

"Haha. Oo nga eh. Ay babe, labas tayo mamaya?" pag yaya ni Greg sa kanya.

"Uhmm. Di ako pwede eh. Aalagaan ko pa si Alex. Wala kasi dito yung parents namin." Sagot nya kay Greg.

"Bakit kaylangan mo pa syang alagaan eh, malaki na sya? Diba Alex?" Tanong nya sabay lingon sakin.

Nag form ng fist ang kamay ko.

Pakialam ba nya kung gusto ako alagaan ng ate ko?!

"Baby?! Yung kamay mo dumudugo!" Hindi ko na napansin na nakatingin din pala sya sakin. Nanlaki ang mata nya at kita sa mukha nya ang panic.

"Wala to. Mag usap na kayo. Punta lang ako sa kwarto." Nairita kong sagot sa kanya.

"Teka! Gagamutin ko muna yan." Pahabol nya sakin pero tuloy tuloy lang ako sa pag lakad at binilisan ko pa.

Agad kong hinampas ng malakas ang pinto pasarado.

Makalipas ang ilang minuto, may kumatok sa pinto ko.

Umalis na ba yung gurang nyang BF kaya sakin sya pupunta? Huh! Manigas sya.

Binuksan ko yung TV tapos nanood ng palabas na Lost Girl.

Grabe, ang hot talaga nila Lauren at Bo.

Lesbian series po ito.. Search nyo nalang sa youtube. Haha.

May kumatok na naman ulit. "Alex, ako to si Scarlette"

Napa tayo naman agad ako sa kama tapos nagmadaling binuksan ang pinto. "Scarlette, anong ginagawa mo dito?"

Ngumiti sya "Napadaan lang. Hinanap kita kay Veronica, sabi nya dito ka raw sa kwarto kaya pinuntahan kita. Mukhang badtrip nga yun eh."

Sya pa talaga may ganang ma badtrip eh, ako nga tong nasaktan ng sobra.

"Hayaan mo na yun. Pasok, manood tayo ng TV." Yaya ko sa kanya habang naka ngiti.

Umusog ako ng konti para makapasok sya. Sinarado ko ang pinto. Pag lingon ko, nakita ko ang nag aalalang mukha ni Scarlette.

"May problema ba?" Naka kunot noo kong tanong sakanya. Sinundan ko ang tingin nya. Agad ko naman tinago ang kamay ko sa likod.

"Anong nangyari jan?! Patingin! Dumudugo yung kamay mo!" Nag aalang sabi nya tapos dahan-dahang kinuha sa likod ang kamay ko. "Sht!" Napa mura sya ng mahina. "San nakalagay ang first aid kit nyo?"

"Dun sa baba. Okay lang ako. Malayo to sa bituka." Sinubukan kong mag patawa pero tinignan nya ako ng masama.

Ang bigdeal naman yata nito para sa kanila? Sugat lang naman. Mas gusto ko pa nga gamutin nila yung sugat dito sa puso ko kesa sa kamay. Haaay.

"Wag ka nang sumagot. Halika, gamutin natin yan. Wag ka na rin umangal" pa utos na sabi nya sakin.

"Yes nanay." pabiro kong sagot sa kanya. Nag chuckle lang sya sa sagot ko.

My Hot Step SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon