Veronica's POVEverything happened so fast. Pagkarinig namin sa sinabi ni mommy hindi na kami nag aksaya ng isang segundo at nagmadaling pumunta sa ospital.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na para bang ilang pump nalang lalabas na sya sa kinalalagyan nya. Nilapitan kaagad namin ang nurse sa front desk.
"Nasaan ang room ni Alex Selestino?" Pati si dad hindi na maitago ang kaba at pag-aalala. Hinawakan ni mom ang kamay nya para i'comfort.
"Nasa ER po sya ngayon. Hindi pa po kayo pwedeng pumasok. Maghintay nalang po kayo sa waiting room."
"No! I need to see her now! I need to know if she's okay!" I yelled at her. Nanginginig ang kamay ko habang unti-unting ring lumalakas ang aking iyak. "Please. Kaylangan ko syang makita." Pagmamakaawa ko sa nurse.
"Pasensya na po maam. Pero hindi talaga pwede." Sabi ng nurse with sympathetic look.
Hinawakan ni mommy ang balikat ko. "Anak, huminahon ka lang. Magiging okay din ang kapatid mo." She hugged me.
I cried on her shoulder. Umupo kami habang hinihintay ang doktor sa loob ng ER.
____________
Finally after what feels like forever, may nag approach narin samin na doctor.
His face was full of sympathy. Kinabahan agad ako at napakapit sa braso ni mommy. I don't know kung kakayanin ko ang mga naiisip ko ngayon. Please.. God, help me. Wag naman po sana.
"D-doc? Ano na po ang lagay ng anak ko?" Tanong ni Dad na naluluha narin.
"Critical po ang kondisyon nya. Nandito po ako para hingin ang opinyon ninyo tungkol sa operasyon na gagawin namin."
Nanghina ako nang marinig ang sabi ng doctor. More tears escaped my eyes. Sumikip bigla ang dibdib ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.
"Please doc gawin nyo lahat ng makakaya nyo." Pagmamakaawa ni mommy. Niyakap nya si Dad na di na napigilan ang pag iyak.
"10 percent lang po ang chance na makaka survive sya dahil sa dami ng dugo na nawala sa kanya at sa lakas ng impact ng bagay na tumama sa ulo nya, specifically sa front which our cereberum is located. That's why pagnaka survive sya, malaki ang posibilidad na hindi gumana ang utak nya gaya ng dati. Pag hindi sya inoperahan, maari syang mamatay within 24 hours. Nasa inyo po ang desisyon. But if I were you, I'll take the risk. Kaylangan nyo pong kumapit sa 10 percent na yun. Let's just pray na maka survive sya."
"10 percent?! Baka nagkakamali lang po kayo! Hindi yun pwede. Hindi pwedeng mawala ang anak ko!" Napa sabunot si dad sa ulo nya habang patuloy sa pag iyak. "H-hindi pwede. Ang bata nya pa. Marami pa syang pwedeng gawin!"
"Pasensya na po. Pangako ko po sa inyo gagawin po namin ang lahat ng makakaya namin para mailigtas sya. Kaylangan nyo na po na mag desisyon."
"We'll take the risk. Please doc gawin nyo po ang lahat-"
Nabingi ako sa mga narinig ko. It's not true. Panaginip lang to lahat! Magigising ako mamaya tapos makikita ko syang naka upo sa sala namin habang nanonood ng T.V. Sasabihin ko sa kanya na mahal ko sya.
Mas lalo pang sumukip ang dibdib ko at unti-unti na akong nawawalan ng oxygen. Naramdaman ko ang pagbagsak ko sa sahig tapos narinig ko na tinawag ako nila mommy pero masaydo na akong hilo. Everything went black.
"Veronica" Binuksan ko ang mga mata ko tapos nakita syang nakangiti habang naka tingin sakin. Nasa tabi ko sya, hinihimas nya ang mukha ko.
"Alex.. Wag mo akong iwan" Umiyak ako tapos ibinaon ang ulo ko sa leeg nya.
BINABASA MO ANG
My Hot Step Sister
RandomNote: This is a GxG story. This story contains Mature contents so please kung homophobic kayo or kung hindi pa nakakabasa ng BS (Bed Scene) maghanap nalang ng iba. I don't want judgements. Para naman sa Bi at Lesbo dyan, Hello😊. Welcome to the fre...